CHAPTER 86

286K 6.9K 320
                                    

DIANNE'S P.O.V.

Inilapag ko ang bag ko sa may maliit na upuan sa kwarto ni Ally, comatose si Ally, ang sabi ng doctor lahat ng test na ginagawa kay Ally ay hindi nagbabago, kinuha ko ang mga bulaklak na dala ko at maayos kong nilagay iyon.

"Alam mo ba Girl," kausap ko sa kanya. Habang inaayos ko ang mga bulaklak. "Ang babait nang limang casanova ngayon. Hindi na sila nag-ditch sa klase, tapos si Frits?" tumabi ako sa kanya.

"Tapos si Frits, sinisikap niya na maging normal ang lahat para sa'yo." Huminga ng malalim si Dianne. Habang nakatuon ang pansin niya sa nakahigang si Ally habang nakakabit ang mga tubo sa katawan niya.

"H-Hindi ka ba gigising diyan? Baka mamaya ang one and only love mo. Landiin ng iba."

Pinilit kong magsalita ng normal. Para kasing may bumara sa lalamunan ko kung kaya't hirap akong magsalita. Mabilis kong pinunasan ang mga luhang kusang tumulo sa mukha ko tapos pilit na ngumiti sa walang malay na si Ally.

Bumuntong-hininga ako. "Nami-miss na kita girl, nami-miss ko na ang shopping trip nating dalawa, ang pagma-maldita at pagtataray mo."

Hinaplos ko ang buhok ni Ally. "Wag kang susuko, ha! Hindi kami susuko para sa'yo. Lumaban ka. Pangako mo makaka-survive ka," kusang tumulo ang mga luha ko na kahit anong pagpipigil niya kumawala pa rin. Sa sobrang awang-awa ako kay Ally.

"Matapang ka di ba Ally? Matapang ka? Labanan mo si kamatayan, please lumaban ka!" Ani Dianne.

"Hello,"

Pinunasan ko ang mga luha ko nang mapagsino ang dumating.

"Ikaw pala Maureen." sabi ko, May dala-dala siyang mga bulaklak. ibinigay ni Maureen sa'kin at inayos ko naman iyon.

"Hindi pa rin siya nagigising?" Tanong niya sa'kin. Habang nakatingin siya sa nakaratay na si Ally.

"Hindi nagre-response ang katawan niya sa mga naging test sa kanya ng mga doctor. Ganyan na siya mula noong nangyari ang trahedya."

"Kasalan ko ang lahat."

Nilingon ni Dianne si Maureen.

"Kung hindi sana ako nakinig kay Ate maddison, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito, dapat sinabi ko sa parents ko na tumakas si Ate Maddison sa mental, pero hindi ko iyon ginawa. Akala ko totoong magaling na siya. At akala ko totoong pinahihirap siya doon sa mental hospital kaya siya tumakas. Pinagtakpan ko siya. pinaniwala kami ni ate Maddison na magaling na siya. Iyon pala may iba siyang plano, huli na bago ko malaman ang lahat, at kahit pinilit kong itama at baguhin huli na." Tapos kinuha niya ang panyo sa bag at pinunasan ang basang mata niya.

Inakbayan ni Dianne si Maureen. Nagsalubong ang tingin nila, yumuko si Maureen at si Dianne ngumiti sa kanya.

"Wag mo'ng sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang din sa baluktot na pag-iisip ni Maddison, nag-padala kasi siya sa galit niya, kaya nangyari ang lahat ng ito, kung nasaan man ang Ate mo. Siguradong masaya na siya kasama ang kakambal niyang si Thania."

"Ngayon na ang alis namin. Papuntang Amerika." Lumapit siya kay Ally. "Gusto ko lang humingi ng tawad kay Ally bago kami umalis. pupunta na kami ng Amerika ngayon, Doon na kami maninirahan at mag sisimulang muli ng parents ko, dumaan lang ako rito para humingi ng tawad kay Allyson."

Hinawakan niya ang kamay ni Ally.

"Allyson, I'm sorry, Sana mapatawad mo ako sa naging kasalanan ko sa'yo." Kausap niya sa nakaratay na si Ally, ngumiti siya kay Ally, "Ipagdarasal ko ang kaligtasan mo. Kaya wag kang susuko. Dahil maraming taong naghihintay sa paggising mo, patawarin mo sana ako Allyson."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon