CHAPTER 58

418K 9.7K 592
                                    

FRITS'S P.O.V

Nangahas akong buksan ang kwarto ni Ally, nakita ko siyang nakakumot sa kanya ang comporter, naka-jacket at jogging pants. May suot din siyang medyas. Gusto ko siyang lapitan upang hawakan. Ngunit nagdalawang-isip ako. Dahil natatakot akong magising siya at makita ako sa loob ng kwarto niya. Nakuntento na lang akong titigan siya, kanina habang pinahihirapan ko siya. Gustong-gusto ko nang sumuko sa drama ko. At yakapin na lang siya ng mahigpit. Tiniis ko siya. Ang hindi niya alam na palihim akong lumuluha kapag nakikita kong nahihirapan siya. Hindi ko intensyon sabihin ang mga masasakit na salitang naibulalas ko sa kanya. Marahil dala lang ng inis at selos ko. Gusto ko ma'n bawiin, hindi na pwede, dahil baka kung ano pa ang isipin niya.

"B-Bakit gising ka pa anak?"

Nilingon ko si Mom, nakatayo siya sa beranda sa second floor ng mansyon namin, hawak ang isang kupita ng alak, lumapit ako sa kanya. At tinungo ko ang kinalalagyan ng tequila na nakapatong sa table, nagsalin ako ng alak.

"Kailan ka pa natutong tumikim ng ganyan ka tapang na alak?"

"It's been a year, Mom. Why are still awake?"

"I can't sleep anak, wala kasi ang Daddy mo."

"Hindi ka pa rin ba nasasanay
Mommy? Si Daddy masyadong workaholic wag mo siyang hintayin pa."

"I know, pero hindi mo mai-aalis sa'kin ang mag-alala para sa kanya. Frits, bakit madalas kitang nakikitang pumapasok sa kwarto ni Ally."

Biglang namula ang pisngi ko, nakaramdam ako ng hiya kay Mommy. Palagi pala akong nahuhuli ni Mommy na pumapasok sa loob ng kwarto ni Ally tuwing gabi.

"G-Gusto ko lang siyang pagmasdan habang natutulog."

"Mahal na mahal mo talaga siya?"

Tumango ako kay Mommy, tapos sinaid ko ang alak na nasa kupita ko, tapos tumingin ako sa kawalan.

Nakaramdam ako ng pagtapik sa balikat ko. Si Mommy iyon, nakangiti pa siya sa'kin.

"Frits anak, kung mahal mo ang isang tao, ipakita mo at iparamdam mo sa paraang alam mo at upang mararamdaman at mapapansin niya iyon."

Huminga ako ng malalim

"Na-uuna kasi ang selos ko Mommy, kaya nagagalit ako sa kanya."

"Alam mo na siguro kung saan ang mali mo? Kung saan mo dapat itama. Magbago ka ng strategy. Para makita niya na nag-e-exist ka sa buhay niya, if i'm not mistaken siya ang babaeng inlove na inlove sa'yo noon di ba? siya pa ang nanliligaw sa'yo? So, that means... you have a lot of chance na muli siyang mahulog sa'yo." Ngumiti pa si Mommy.

"Yes, Si Ally po iyon, pero hindi na ngayon. Hindi na siya inlove sa'kin, hindi niya na ako napapansin."

"B-Bakit hindi mo ibalik ang dating nararamdam niya sa'yo?"

Kumunot ang noo ko. "H-How can i do it Mom?"

Ngumiti si Mom. "Well! Sa ganyang bagay. Ikaw ang nakaka-alam niyan, pakinggan mo ito." Tinuro niya ang tapat ng puso ko. "Malalaman mo ang magandang sagot." muli niya akong tinapik bago siya umalis.

"Frits..."

Muli akong lumingon kay Mommy.

"I like her! I like Allyson to be you're girlfriend and soon to be your wife. You're a perfect blending." pagkuwa'y tuluyan na siyang umalis. Marahil matutulog na siya. Naiwan akong mag-isa at inubos ko muna ang alak na nasa bote. Bago ako tuluyang bumalik ng kwarto ko upang matulog

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon