ALLY'S P.O.V."Kringgg! Krinngggg!"
Pikit mata kong kinapa ang telepono na nasa ibabaw ng bedside table katabi ng kamang hinihigaan ko.
"Hello!" Sabi ko habang nakapikit ang mata ko.
"Good afternoon po Ma'am, sorry for disturbing you. I just wanna ask you Ma'am kung gusto niyo po bang mag Stay nang ilang oras dito po sa hotel namin," ani ng nasa kabilang linya.
"Yes,"
"How many hours po Ma'am?"
"Ahmm... maybe another three hours,"
"Okay Ma'am. Thank you,"
Dahan-dahan kong binaba ang telepono at muli akong pumikit para muling gumawa ng tulog,
Ilang minuto rin akong na-idlip bago muling magising"Oo, nga pala, It's my birthday. Sabi nila dapat daw energetic ang birthday celebrant at masaya para raw maganda ang simula ng panibagong dagdag na taon."
Umikot ako sa pagkakahiga upang makita si Frits sa tabi ko. Gusto ko kasing mukha ni Frits ang unang makikita ko sa araw ng birthday ko. Ngunit napasimangot ako ng hindi ko siya nakita sa tabi ko. Tuluyan na akong bumangon. Pagkatapos hinagilap ko agad ang cellphone ko. Sinilip ko kung may mga na-recieve akong birthday message mula sa mga kaibigan at kamag-anak ko. Ngunit na-dismaya ako nang wala akong kahit isang na-receive na message mula sa kanila.
"Bakit gano'n? Wala man lang bang nakaka-alala ni isa sa kanila?" Malungkot kong sabi.
Tuluyan na akong tumayo at naligo. Pagkatapos Tinawagan ko si Frits. Ngunit nakapatay ang cellphone niya. Lugo-lugo akong lumabas ng hotel."Pupunta na nga lang ako sa room nila Dianne. Baka bigla niyang maalala na eighteen birthday ko ngayon."
Dahil magkakatabi lang ang room namin agad akong Nag doorbell. Ngunit nakailang doorbell na ako walang nagbubukas ng pintuan. Kung kaya't naisipan kong kumatok sa pintuan ng kwarto nila Dianne.
"Dianne! Dianne! "Tawag ko habang kumakatok ako.
"Ah- ma'am excuse me po, pero wala na po'ng tao diyan?" Ani ng housekeeper.
Napakunoot ang noo ko. "Sigurado po kayo kuya?" Muli kong tanong sa housekeeper.
"Opo, ma'am isa po ako sa naglinis ng kwarto na 'yan. Kanina pa po silang madaling araw umalis."
"Umalis na sila? Hindi nila ako naalala?"
"Gano'n po ba? Sige po salamat." Tapos umalis na ako. Isa-isa kong pinuntahan ang mga kwarto ng kasama ko rito sa Puerto. Ngunit iisa lang ang sinasabi nila.
"Nagcheck out na po sila kaninang madaling araw."
Laglag ang balikat kong bumalik ako sa loob ng silid namin ni Frits. Pagkatapos muli kong tinawagan si Frits. nagbaba-sakali akong makausap siya. Halos sampung beses kong sinubukang tawagan siya. Ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko.
"Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko? May nagawa ba akong mali?"
Pilit kong binabalikan ang nangyari kagabi. Ngunit wala talaga akong maisip na dahilan kung bakit iniwan akong mag-isa.
"Bakit gano'n? Galit ba sila sa'kin. dahil tinulugan ko sila kagabi?"
Tanong ko sa sarili, iyon lang kasi ang naisip kong dahilan para magalit sila sa'kin.
Napadako ang tingin ko sa mga gamit kong nakapatong lang sa may sofa. bigla akong napatayo. Saka ko lang napansin.
"Wala na rin ang gamit ni Frits?"
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Teen FictionSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...