ALLY'S P.O.V.
limang araw na mula ng ipamukha sa'kin ni Frits na kalokohan lang ang lahat. Sa mga araw na iyon, hindi ako pumasok sa School. Nagkulong lang ako sa loob ng kwarto ko. Hindi ko kinakausap si Dianne at Zyrus ng dumalaw sila sa bahay. Sinabi lang ng parents ko na may sakit ako. Pasalamat na lang ako at busy sila sa pag-aayos sa pagpunta sa Amerika kaya hindi na sila nagtanong pa sa'kin.
Limang araw na...
Limang araw akong umiiyak.
Limang araw na...
Nagpapakatanga.
Habang sila masayang-masaya.
Ako? Eto, nagkukulong sa kwarto.
Namamaga ang mata sa kakaiyak.
Hindi kumakain.
Tumayo ako at humarap sa salamin, nakita ko ang sarili ko, maga ang mata, gulo-gulo ang buhok, itsurang aping-api.
"Psh! Tingnan mo ang sarili mo Allyson, Umiyak ka na naman! Dalawang beses na ikaw lang ang nasasaktan. Ikaw lang ang umiiyak. Ang tanga mo kasi naniwala ka. Mula ngayon! Hinding-hindi ka na maniniwala kay FRITS SANTIAGO!" gigil na gigil kong kausap sa sarili.
Tinitigan ko ng maigi ang sarili ko sa salamin. "From now on! Hinding-hindi ka na iiyak dahil sa pag-ibig. Hindi ka na magpapakatanga at magpapauto ALLYSON RAMIREZ!" Kausap ko sa sarili.
Dahil araw ng sabado ngayon. Uumpisahan ko ang pagbabago sa sarili ko, agad akong naligo. At nagsuklay kailangan kong ayusin ang sarili ko, kailangan kong mag move on at ipakita sa kanila. lalo na kay Frits na Hindi na ako papa-apekto sa kanya.
Inayos ko ang sarili ko upang panimula ng pagbabago. At dahil maga pa rin ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ng ilang gabi, nagsuot ako ng shade para maitago ang maga kong mata, pero bago iyon, pinagpupunit ko ang mga larawan ni Frits na nakadikit sa dingding at sa album ko. lahat ng bagay na nakakapagpa-alala kay Frits tinapon ko na, pagkatapos lumabas na ako ng kwarto upang mag-almusal.
"Mommy, Daddy! Goodmorning po." Bati ko sa parents ko. Nang sumabay ako sa pagkain ng almusal.
"Good morning din anak! Kumusta na pala pakiramdam mo?" Tanong ni Daddy.
"I feel better now Dad."
"B-Bakit naka-shade ka? Nasa harap ka ng hapagkainan." Tanong ni Mommy.
"L-Luisa!" Saway ni Daddy kay Mommy.
"Ahh- nakagat po kasi ng ipis ang mata ko Mommy, kaya namaga siya."
Pinagmasdan ako ni Mommy, yumuko ako dahil baka kasi mahuli akong nagsisinungaling.
"Pagkatapos mo diyan tawagin mo ang Yaya mo at ipalinis mo ang kwarto mo okay.
"Opo, Mommy!"
"Ally, bukas na pala ang alis namin ng Mommy mo papuntang Amerika. Ang Yaya mo muna ang bahala sa'yo rito, pag may kailangan ka. Tawagan mo lang kami." ani Daddy.
"Opo, Daddy! Mag-iingat po kayong dalawa do'n."
"Pagbalik namin. Pag-uusapan natin ang problema mo." Sabi ng Daddy.
Huminto ako sa pagkain. "Wala naman po akong problema." Tumayo ako. "Mom, Dad, alis na po ako. Magsho-shoping po ako ngayon." Paalam ko sa magulang ko, umiiwas kasi akong tanungin nang tanungin nila.
"Aish! ang anak mo, kahit kailan mahilig magtago ng problema. Halata naman sa kanya."
"Pagbalik natin galing Amerika, si Ally naman ang intindihin natin. Dalaga na ang anak natin."
"Tama ka! Umiiyak na dahil sa love." Sagot pa ni Mommy.
Sinadya kong bagalan ang lakad ko para marinig ko ang sasabihin nila Mommy. at Daddy, hindi nga ako nagkamali. Dahil alam nilang umiyak ako dahil sa Love. kahit anong tago ko pala asa kanila malalaman pala nila.
SA Mall:
Mag-isa lang akong pumunta sa Mall, first time kong gawin iyon. Ang mag Mall na walang kasama, gusto ko kasing sopresahin ang mga kaibigan ko, Ang una kong pinuntahan ay ang isang sikat na sikat na parlor. Kumpleto kasi do'n. May bleching, body scrab. Body massage at pagpapaganda ng buhok. At nagpapa make up, do'n palagi ako pumupunta, kaya kilala na ako don.
"Allyson, long time no see. Ngayon ka na lang ulit dumalaw." Bati sa'kin ni lovely ang bading na may ari.
"Oo nga."
"Anong ipapagawa mo?"
"Gusto kong magrelax at baguhin ang itsura ko."
"Mukhang broken hearted ka naman." ani Lovely.
Ganoon kasi ang last na pinagawa ko noong umiyak din ako noon kay Frits.
"Yeah, kaya gusto ko mas magiging maganda ako."
"Naku, Allyson, two hundred percent ang idagdag sa ganda mo pagkatapos kitang ayusan.;
"Just do it."
"Let's go."
Nagpa-scrab, pa-bleech, facial wash ako. ni-rebond ulit ang buhok ko nagpabago rin ako ng hairstyle ng buhok ko. Kinulayan din iyon, in short nagpa-whole body make over ako, umabot ng walong oras ang tinagal ko sa parlor bago matapos.
"Dyaraan! You're very beautiful Allyson, mukhang marami na naman ang hahaba ang leeg sa kahahabol ng tingin sa'yo!" Sabi ni Lovely ng matapos akong ayusan.
Sinipat ko ang itsura ko sa salamin, malaki nga ang pinagbago ko parang hindi na ako dahil bago ang itsura ko ngayon. "Good job! Ang galing mo talaga lovely. The best ka talaga!"
"Siyempre naman ako pa."
"Thank you, ha!"
Pagkatapos kong bayaran. Kumain muna ako. Nakasuot pa rin ako ng Shade upang walang makakilala sa'kin. Dahil gusto kong gulatin ang mga estudyante sa SPIA. pagkatapos namili na rin ako ng mga bagong damit na susuotin ko. Halos hindi ko na mabuhat ang mga pinamili ko, buti na lang tinulungan ako ng isang empleyado ng Mall. para mailabas ko ang mga pinamili ko. Halos mapuno na ang loob ng kotse dahil sa dami ng pinamili ko.
Nakaramdam ako ng satisfaction ng muli kong pinagmasdan ang sarili habang sinusukat ang damit na pinamili ko nang makauwi ako ng bahay.
"This is it! sa monday ipakita mo kung sino ka, kung sino si Allyson Ramirez." kausap ko sa sarili habang nakaharap ako sa salamin.
Bago ako natulog, nagtext muna ako kay Dianne at kay Zyrus, sinabi kong okay na ako, hindi ko na sinagot ang mga tawag nila ng magtext ako sa kanila, natulog na ako, kailangan kong bumawi ng tulog ilang araw din akong hindi makatulog dahil sa kakaiyak.
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Teen FictionSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...