DREK ANDREW'S P.O.V.
"Long time no see Drek,"ani ng ka-banda kong si Tutti, may gig kasi kami mamayang gabi, kung kaya't na-isipan kong sumulpot ngayon.
Inakbayan ko si Tutti. "Medyo naging busy sa School."
"Wow! bago iyon ah, baka busy ka sa chicks." biro niya.
Tumawa ako. "Hindi noh? Alam mo naman kung sino ang gusto ko di ba?"
Ngumiti si Tutti. "Si Julieann, ang Female Vocalist ng bandang Shadowsoul."
Tumango ako at bumuntong hininga. "Nasaan ba ngayon si Julieann? miss ko na siya?"
"Katulad mo hindi na rin iyon nalalagi rito, baka busy sa School. Bakit hindi ba kayo nagkikita parehas kayo ng School?" Anito.
"Hindi nga eh, inaabangan ko nga siya palagi sa School, hindi siya pumapasok."
"Dalawin mo sa bahay nila malakas ka naman sa parents niya."
"Sige, Tutti, ikaw na muna bahala sa banda aalis na ako."
Kakamot-kamot si Tutti. "Teka saan ka pupunta? Akala ko ba sasama ka ngayon?"
Ngumiti si Drek. "Next time na lang."
Sumakay ako ng kotse ko at agad akong pumunta sa bahay nila Julieann, miss na miss ko na talaga si Julieann, Childhood Friend ko si Julieann, pareho kaming mahilig sa Music, dahil sa parehas kami ng hilig, kaya naging malapit kami sa isa't-isa, at nahulog ang loob ko sa kanya.
Nagbago lang iyon nang mapasama ako sa limang Casanova ng Saint Paul. Ayoko talaga ang Trade mark namin na playboy, kasi hindi naman talaga kami mga babaero. Babae ang kusang lumalapit sa'min, kahit ayaw namin. simula noon, iniwasan na ako ni Julieann, hanggang sa hindi na ako kinausap.
"Oh? Drek Andrew Lopez." Bungad sa'kin ng papa ni Julieann nang makarating na ako sa bahay nila, kamot-kamot ako si Tito Rey talaga, hindi pa rin nagbabago buong-buo pa rin ang tawag sa'kin.
"How are you Tito?"
"I'm good, ikaw kamusta ka na? Dinadalaw mo ba si Julieann?"
"Okay naman po ako. Opo sana, Nandiyan ba siya?"
"Hindi mo ba alam?"
Napakunoot ang noo ko, "Ano po iyon?"
"Lumipat na ng School si Julieann, two months ago."
"Ho? Kaya pala hindi ko siya nakikita sa Saint Paul."
Ngumiti ang Daddy ni Julieann at sinipat ang wrist watch niya. Hintayin mo na lang pauwi na iyon."
"Sige po, salamat."
"Sige, maiwan muna kita diyan, ipaghahanda kita ng meryenda."
"Sige po, Tito salamat." Umupo ako sa mahabang sofa nila sa living room, habang hinintay si Julieann, tahimik lang akong naghihintay. Nang biglang magtext si Frits.
From Frits.
"I need your help guys!"
Napakunoot ang noo ko, sa text ni Frits, sa unang pagkakataon. Humingi ng tulong sa'min si Frits, mukhang may mabigat talaga siyang problema. Agad akong nagtext sa kanya.
"About what?"
Hinintay ko ang text niya ngunit hindi na siya muling nagtext sa'kin, bukas ko na lang siguro tatanungin si Frits, pagpasok sa School.
"Anong nakain mo at napadpad ka dito? Drek Andrew!"
Napalingon ako, pagkuwa'y tumayo ako at ngumiti habang sinasalubong ang bagong dating.
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Teen FictionSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...