Chapter 17: Secret Invitation

13.1K 694 47
                                    


✦✧✦

CHERRY


Dahil last day na namin ngayon, sinimulan ko na ring mag-impake. Hay, nakakapagod itong trip na ito. Masaya at maraming mga kaganapan, pero bakit parang hindi pa rin ako satisfied?

May hinihintay ba 'kong mangyari sa date na 'to?

Unti-unti akong napapapikit dala na rin ng pagod... at nakatulog ako sa kama habang nagliligpit.

Nagising ako nang makarinig ako ng may kumakatok sa pintuan.

"S-Sino 'yan?"

Biglang may papel na lumusot sa ilalim ng pinto.

Huh? Bumangon ako at pinulot 'yong papel. Nagulat ako nang basahin ang nakasulat dito.


Meet me at the pool after dinner.


"Sino ka?!" hiyaw ko dahil siguradong hindi pa nakakalayo ang naglusot ng sulat. Binuksan ko 'yong pinto at nagulat ako sa nakita ko.

"Wait... s-sino ka nga?" Naningkit ang mga mata ko dahil isa sa mga butler ni Joon ang naabutan ko sa labas ng kuwarto.

"Ay. Nautusan lang po akong ibigay ang sulat na ito. Pero hindi po sa akin galing 'yan."

Kinabahan ako ro'n. "Kung gano'n, sino ang nag-utos sa 'yong ibigay 'yan? Si Joon ba?"

"Pasensiya na po, sikreto lang daw po kasi. Pero isa po siya sa members ng Green Giants."

Napalunok ako sa kilig at sabik. Sino kaya ang gustong makipag-secret meeting sa akin? Ang romantic at mysterious naman ng pakulo niya para sa last day namin.

"Mag-ready na po kayo, Miss Cherry."

"B-Bakit? Ano ba ang mangyayari?" My dirty thoughts took over.

Hala, ano ang ire-ready ko—ang katawan ko ba? Shucks, I'm still not ready for that. Or... I don't know, maybe I am? Depends on the person? Wah!

Napansin yata ng butler na nag-overthink na ako. "Sa dinner po, Miss Cherry. Mag-ready na po kayo for dinner dahil kakain na po maya-maya."

"Ay, gano'n ba? Hehe, okay!" pinagpawisan kong sagot. Akala ko naman kung ano na, dinner lang pala.

Nagbihis naman ako at lumabas na papunta sa dinner area. Dumalaw bigla ang lungkot sa isipan ko. Aalis na kami bukas dito. Nakakahinayang din... kung kailan nasasanay na ako dito sa hotel.

Napawi naman agad ang lungkot ko nang makita silang pito sa hapagkainan.

"Mommy Cherry is here!" bati ni Baby Gin.

"Mommy!" Naki-mommy naman itong si Anlex.

Napawi 'yong lungkot ko dahil napalitan bigla ng inis. Hindi ako informed na may dalawa na pala akong anak.

Niyaya agad ako ni Joon tumabi sa kaniya. "Upo ka, Cherry! The best ang ise-serve na dinner tonight dahil last night na natin 'to!"

Korean cuisine ang hinanda ng chef. May mga homemade samgyupsal at iba't ibang banchan o side dishes. Nagulat ako dahil meron palang mga installed na grill sa lamesa at mga exhaust pipe sa ceiling.

Jeez. Anything is possible with these rich kids.

"Kain ka lang nang kain, Cherry. 'Wag kang mahiya, bawal mag-diet dito sa resort nina Joon," udyok ni Nikko.

"Oo nga. Saka, saka... type ko 'yong medyo chubby hihi," banat ni Anlex.

Napatingin naman ako kanilang dalawa. Sila kaya ang nagpadala ng sulat? Na-imagine ko bigla sina Anlex at Nikko na naghihintay sa pool. Medyo namula ang mukha ko dahil sa naisip ko. Naalala ko kasi ang abs nila.

"Cherry, is there something wrong?" tanong ni Tobin.

"Oo nga! Bakit bigla kang naiyak? Hindi ba masarap ang luto?" Concerned din si Joon.

"Masarap!" I cried. "He-he! D-Don't mind me!"

Don't mind my dirty thoughts. Bigla ko tuloy na-imagine kapag si Tobin at Joon ang naghihintay sa akin sa pool. Sa laki ng muscles ni Tobin, hindi ko na kailangan ng salbabida.

"Oy, Cherry! Did I just catch you staring at Tobin's biceps?" Denz raised his brow.

"M-Meron rin ako niyan, Cherry!" Sabay flex ni Baby Gin.

May biceps nga rin siya! Kaso no'ng nag-flex na rin si Tobin, nagmukhang baby mouse 'yong muscle ni Gin. Nice try, Baby Gin. Cute ka naman, eh.

Lumabas tuloy sa imagination ko ang possibility na baka si Denz o si Gin ang naghihintay sa akin mamaya sa pool. That wouldn't be too bad.

But why... My hand rested over my restless chest.

In the corner of my mind, I am hoping that it's him I'll see?

Kusang pumunta kay Kyle ang mga mata ko.

Kumakain siya ng samgyup at hindi nakikisali sa usapan.

"Sarap ba?"

Bigla akong nagulat nang magsalita si Denz. "Ha-ha! Baka lumamig 'yong ulam mo."

Bakit ba lagi na lang niya akong nahuhuli?!

***

Pagkatapos ng dinner, tumakbo agad ako sa kuwarto. Kinakabahan ako. First time ko lang makakuha ng ganitong klaseng sulat. It's like a secret invitation.

Na-imagine ko ulit silang pito. Isa sa kanila ang gusto akong ma-solo ngayong gabi, bago kami bumalik sa kaniya-kaniya naming mga buhay.

I caught myself blushing hard on the mirror.

Hingang malalim, Cherry! Ano ba dapat ang suotin ko? Kailangan ko bang... magpalit ng underwear?

I shook away my dirty thoughts before they start building up. T-Teka! Kung sa pool kami magkikita, dapat ba ay swimsuit? Ina-assume ko ba na magsi-swimming kami?

Fuck.

Hindi ko na matiis itong kaba at pananabik na nararamdaman ko.

I need to know who this secret guy is asap!



#WillYouGoOutWithUs

#WYGOWU



**

Add this story to your Library to get notified when new chapters arrive!

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon