Chapter 42: When Cherry Met Sally

13.5K 743 88
                                    


✦✧✦

CHERRY


"Aw!"

"Sa una lang talaga mahapdi. Kailangan mong tiisin 'yung sakit."

Ginagamot ko ang mga sugat na natamo ni Bastiel mula sa mga suntok ni Joon. Narito kami ngayon sa bahay ko.

"Sharky!" Biglang niyakap ni Bastiel ang tiyan ko at nginungudngod ang mukha niya na parang bata. "Umalis na si Joon sa Green Giants..."

I tapped his head lightly and caressed his hair. "'Wag kang mag-alala, kilala ko si Joon. Babalik din 'yon."

Nakasubsob pa rin ang mukha ni Bastiel sa tiyan ko. "Sharky, ever since I lost my brother, I swore that I'll never lose anyone again. The Green Giants are like my brothers."

Niyakap ko ang kawawang Bastiel at bumulong sa kaniyang tenga. "I know, para na talaga kayong magkakapatid. That's why I know that Joon will come back."

"Sharky, can we get some ice cream so I can feel better?" he told me with cute, sparkling eyes.

Shet, kinikilig ako. 'Yung napakasungit na captain ng Green Giants, tila batang nagpapa-cute ngayon sa harap ko.

"Alright. Cookies 'n' Cream, 'di ba?"

Pagkatapos kong bendahan ang mga sugat niya ay umalis na kami ng bahay at naglakad papunta sa malapit na Family Mart.

Habang naglalakad ay narinig kong natatawa si Bastiel.

"Anong meron?" tanong ko sa kaniya habang hawak-hawak ang kamay niya.

"Nakita ko kasi 'yung itsura ko sa reflection ng salamin. Nabugbog pala talaga ako ni Joon."

"Pogi ka pa rin naman!" Gusto kong kurutin ang pisngi niya kaso may mga sugat at pasa pa siya.

"Nakakapagtaka... kakaiba ang pakiramdam ko ngayon. Kahit nasaktan ako, may bahid ng pait at saya sa puso ko—dahil hinding-hindi ko mararanasan ang mga bagay na ito bilang Kyle," nakangiti niyang sabi, tinutukoy ang mga pantal sa kaniyang pisngi. "I feel like I'm entering a rebellious phase and I kind of... like it, ironically. I guess because I'm feeling all these things for the first time."

Natawa rin ako sa sinabi niya. Halata kasing dinisiplina niya maigi ang sarili niya sa loob ng limang taon para hindi mapunta sa ano mang away. Kyle might have been perfect, but I'm glad that Bastiel is experiencing new things in life na matagal niyang ipinagkait sa sarili niya.

Napahinto siya bigla sa paglalakad kaya naman nagulat ako. "Bastiel?"

Tiningnan ko ang direksyon ng mga mata niya, at nakita si Sally ilang metro mula sa'min.

"T-Tara, Bastiel! May alam akong ibang daan." Hinatak ko ang kamay niya palayo pero pinigilan niya ako.

"No, wait. This is actually the perfect time." Hinigpitan ni Bastiel ang hawak sa kamay ko at naglakad kami papunta kay Sally.

Hindi ako handa! Ayoko ng confrontation. Kung sinuntok ni Joon si Bastiel, baka sampalin ako ni Sally, shucks! Hindi ready ang face ko. Sinamahan ko lang naman 'yung dyowa kong bumili ng ice cream.

"Sally." Tinawag siya ni Bastiel.

Napalingon si Sally at nagulat sa'ming dalawa. Siyempre, sino ba naman ang hindi magugulat kung makita mong may ka-holding hands ang boyfriend mo?

"K-Kyle?" she gasped.

"Kung libre ka, usap tayo." Niyaya siya ni Bastiel.

"Uhm, una na ba ako sa bahay?" tanong ko. Gusto kong tumakas dahil nakaka-intimidate 'yung ganda ni Sally sa malapitan. Baka magbago isip ni Bastiel kapag napansin niyang mas panget ako huhu.

"No, you stay with us." Seryoso ang pagkakasabi niya.

***

"Sally, this is my girlfriend, Cherry."

Nakaupo kami ngayon sa isang cafe. Wala akong ginawa kundi yumuko at mag-concentrate sa iniinom kong White Mocha Frappucino.

"Hindi magiging madali ang sasabihin ko." Bastiel cleared his throat. "My brother, Kyle—"

"I know."

Nagulat kaming dalawa ni Bastiel sa sinabi ni Sally.

"Matagal ko nang alam." She took a deep breath and sighed. "Kahit long distance relationship kami sa mahabang panahon, I would know my boyfriend Kyle."

She stirred her coffee with her straw and her lips formed a sad smile. "Napansin ko na noon pa na hindi ikaw si Kyle, pero nagmaangmaangan ako. Alam kong may hindi magandang nangyari sa kaniya kaya ka nagpapanggap bilang siya. Pero dahil hindi ko matanggap at sobrang sakit malaman, I fooled myself to believe that you're him."

She bit her lip and said, "I forced my heart to believe that he's still alive."

Nilabas ni Bastiel ang kaniyang dalang bag at may kinuha roon. "Here, Sally. This is for you."

Inabot niya ang isang lumang jersey kay Sally. "This was my brother's last jersey. Lagi ko itong dinadala para maalala ang husay ng kuya ko. But now, I think you deserve to keep it as a memento."

Kinuha ito ni Sally at niyakap nang mahigpit. "Kyle..." She whispered his name while crying.

We gave her time to mourn at peace. Hindi niya nagawang magluksa para kay Kyle sa loob ng limang taon at ngayon niya lang ito magagawa. I can imagine how painful it would've felt, denying the grief for so long and bottling it up for years.

Nang makakalma na si Sally ay inilabas niya ang isa niyang libro mula sa kaniyang bag. "Do you know why I named my novel, 'Those Bittersweet Days?'" Huminga siya nang malalim at tumingin sa langit. "Dahil habang isinusulat ko ito ay naaalala ko ang mga panahon namin ni Kyle na magkasama, matatamis ngunit may dala-dalang pait."

"My brother loved you very much," Bastiel told her in a mellow voice.

Sally chuckled a little. "Naaalala ko kami sa inyong dalawa. Please love each other dearly."

Ngumiti si Bastiel at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Yes, I love this pretty Sharky very dearly."

***

Nagpaalam na kami kay Sally at tumuloy na sa Family Mart para bumili ng ice cream.

"Napakabait pala ni Sally," banggit ko habang dumidila sa binili naming sorbetes.

"Oo, kaya naman ginawa ko ang makakaya ko para alagaan siya, dahil alam kong 'yun ang ibibilin sa'kin ng kuya ko."

I sighed and leaned my head on Bastiel's shoulder. "Medyo mixed feelings ang mga kaganapan. Masaya ako dahil natanggap ka ng Green Giants at ni Sally, ngunit may ilang mga bagay na hindi natin inaasahang mangyari."

"The worst is yet to come." Seryoso ang boses ni Bastiel. "My parents would be the last ones to accept my decision. After all, simula pagkabata ay hindi na nila ako natanggap bilang Bastiel. Paano pa ngayon?"

Nang maubos ko ang ice cream, humarap ako sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. I lifted up his face and kissed his lips.

"You're very precious, Bastiel. We'll make them realize that."

He pulled my clothes so I could get closer and we hugged each other silently. We stood there by the side of the convenience store, not minding everything else in the world as the wind shook the trees around us and cars swooshed past the streets.



***

#WillYouGoOutWithUs will be a published book soon. 🩵

Like my Facebook Page (irshwndy) to get updated with the latest news and announcements.

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon