✦✧✦
CHERRY
Pagkalabas ko ng CR, ang lakas agad ng hiyawan ng mga tao. Tumingin ako sa scoreboard at talaga namang namilog ang mga mata ko. Biglang ang laki ng lamang ng Green Giants sa Blue Sharks. Teka? Ga'no katagal ba 'kong nasa CR?
"Cherry, nariyan ka na pala. Bilis, maupo ka!" yaya ni Miss Shirley habang tinatapik ang espasyo sa tabi niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero hinanap agad ng mga mata ko si Kyle. Nakita ko na siya. Hawak niya 'yong bola at... shoot!
Nagtilian ang fans. Nakakabingi pala rito sa puwesto ko. Lahat ng hiyawan nila ay dinig na dinig ko rito sa bench.
"Go, Green Giants, go! Go, Captain Kyle, go!"
Tiningnan ko 'yong Blue Sharks, mukhang nawawalan na sila ng pag-asa. Hindi maaari. Hindi puwede.
"Uhh, Cherry? Ano'ng ginagawa mo?" nag-aalalang tanong ni Miss Shirley.
Tumayo ako ro'n sa bench na inuupuan ko, itinaas ko ang mga kulay asul na banderitas na hawak ko sa magkabilang kamay, at sumigaw nang malakas. "Go, Blue Sharks! Kaya niyo 'yan, don't lose hope!"
Biglang napatigil ang players ng Green Giants at napatingin sa 'kin.
Dahil na-distact 'yong team, umatake bigla ang Sharks at naagaw ang bola mula kay Anlex. Naitakbo na ng kalaban ang bola at na-shoot niya sa ring.
"Hooray! Go, Blue Sharks!" hiyaw ko.
Sa wakas, naka-score na ulit ang Sharks. May pag-asa pa silang manalo.
"Uhm, Cherry? Tumingin ka sa likuran mo." Kinalabit ako ni Miss Shirley.
"Huh? Bakit?" Paglingon ko sa likod, tila ako nasa loob ng isang horror movie.
Lahat ng supporters ng Giants na nasa likuran ko, may kakaibang awra na nakabalot sa kanila at mukhang kakainin nila ako nang buhay—walang ititira kahit buto.
"Excuse me? Ano'ng sinisigaw mo kanina?" sabi ng tila lider ng fans club nila.
"Ahh, ehh... he-he." Wala naman akong naisagot dahil sa takot.
Hinila agad ako ni Miss Shirley. "Ikaw ba naman kasi, nagchi-cheer ka sa Sharks, pero nasa bench ka ng Giants."
Dahil sa komosyon na ginawa ko, naging 43-39 na ang score.
Tumawag ng time-out ang coach at nagtipon ang Green Giants paikot sa kaniya. Hindi ko masiyadong marinig ang pinag-uusapan nila.
Maya-maya ay napansin kong si Kyle naman ang nagsasalita, pagkatapos ay nagtinginan silang lahat sa akin.
What in the hell is this guy saying?
Biglang nagkaroon ng ningning sa kanilang mga mata at ginanahan ulit silang maglaro. Ewan ko kung ano'ng pinag-uusapan ng Giants, pero mukhang lumakas bigla ang fighting spirit nila.
Pagkabalik sa game, hindi nagtagal ay naging 51- 39 na ang score. Sa kabila ng pag-cheer ko sa Sharks, bandang huli ay Giants pa rin ang nanalo.
Pagkatapos ng laban, bumalik na ang Giants sa bench, at nagyayakapan sila—paminsan ay nag-uuntugan at nagsusuntukan sa tuwa.
Ako naman, parang istatwa na nakatayo sa bench. Hindi matanggap ang naging resulta ng laban.
"Oy, ayos ka lang?"
Pagtingin ko sa baba, naroon pala si Kyle.
"Muntik na sanang manalo ang Blue Sharks!" aking apila. "Ano'ng sinabi mo sa team kanina kaya napatingin sila sa 'kin?"
Tumawa lang siya. "Secret. Bumaba ka nga riyan."
"Ayoko! Bakit ako susunod sa 'yo?" I crossed my arms.
"Bumaba ka na riyan, dahil..." Kyle looked away and said, "Baka masilipan ka pa ng iba. Mahilig ka ba talaga sa floral undies?"
My face turned super red and I automatically jumped down. Napayuko ako sa sobrang hiya. Kasi naman, totoo ang sinabi niya. Floral nga ako today.
"Hoy! Bawiin mo ang nakita mo!" Panay suntok ko kay Kyle.
"Sinabihan na kitang bumaba agad eh, ayaw mong makinig."
"Ang malas ko na ikaw pa ang nakakita!" My cheeks were burning.
Click! Nagulat ako dahil biglang may nag-flash. Paglingon namin ni Kyle, kinuhanan kami ng picture ni Miss Shirley.
"Kanina pa kami panay picture-taking dito, ayaw niyong sumali. May sarili kayong session diyan?" tukso niya sa amin.
"Miss Shirley! Gusto ko rin ng picture kasama si Cherry!" hiyaw ni Tobin
"Ako rin! Ako rin!" singit ni Nikko. Bigla silang tumakbo papunta sa 'min.
"Sali ako!"
"'Wag niyo 'kong iwan!"
"Wait! Wait! Dapat kasali ang bida!" sumingit si Anlex sa gitna.
Pinalibutan nila ako. Grabe! Amoy na amoy ko ang mga pawis nila, ha.
Bumilang si Miss Shirley. "Okay! One, two—"
"Teka, sino'ng umutot?" biglang hiyaw ni Anlex.
"Ang baho!" Naghiyawan ang lahat.
"—three, smile!" Pinindot na ni Miss Shirley ang camera.
At ayun, naging wacky ang aming group pic. Puro kami nakatakip ng ilong at nakasimangot. Iyong iba sinisigawan si Anlex, 'yong iba, nakaturo kung kani-kanino, nanunuro kung sino ang umutot.
Basta ang alam ko lang, walang matinong itsura sa 'min. Iyon ang first ever picture ko kasama ang Green Giants.
***
Nag-enjoy ako nang sobra-sobra. Kahit makukulit sila, napakasaya nilang kasama. Niyaya ako ni Coach na sumabay sa kanila pag-uwi, kaya nasa loob ako ngayon ng private bus nila.
"Tabi ka sa 'kin, Cherry!"
"Sa 'kin!"
"Magsitahimik kayo. Sa 'kin tatabi si Cherry!"
"Or what if maglaro tayo ng Trip to Jerusalem?" Nagtaas ng kamay si Anlex.
Nainis na si Miss Shirley. "Hoy team, paki-remind akong 'wag sakalin si Anlex!"
Nagtawanan ang lahat. Dahil sa harapan ng bus kami nakaupo, tumayo ako at lumingon para silipin ang team.
Lahat sila ay nakatulog agad, wala pang isang oras sa biyahe. Napangiti ako, ang cute kasi nila. Siguradong napagod sa laban.
Biglang dumilat si Kyle. Nagtama ang mga mata namin.
"B-Bakit gising ka pa?" I stuttered, caught off guard.
"Hindi ako makatulog, eh. Nga pala, baka may nakakalimutan ka."
"Huh? Ano?"
"Iyong deal?" he reminded.
"A-Ano'ng deal?" I stuttered, trying to erase whatever it was that has been lurking at the back of my head.
Oo nga pala. Kapag nanalo ang Green Giants laban sa Blue Sharks, makikipag-date ako sa buong team. Napalunok ako nang wala sa oras.
#WillYouGoOutWithUs
#WYGOWU
![](https://img.wattpad.com/cover/38321-288-k298788.jpg)
BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...