Chapter 23: The Boys Are Back

13.7K 779 47
                                    


✦✧✦

CHERRY


"Narito na po tayo."

Tumigil na ang sinasakyan naming bus at narito na kami sa training camp. Naramdaman ko agad ang malamig na simoy ng hangin. Napansin ko rin na matataas ang mga puno at walang masyadong mga tao.

"Whoa. Nasa Tagaytay po ba tayo?" tanong ko kay tita.

"Yup! Welcome to Tagaytay Highlands! Dito ginaganap ang annual training camp ng AAUP basketball teams," sagot niya sa akin. "Isa itong exclusive resort na napakaraming amenities at malayo sa kabihasnan. Tiyak na makaka-concentrate sa training ang mga boys rito."

Resort na naman? Napalunok ako bigla. I couldn't believe I'll be spending a few days at another resort with the Green Giants once again.

Napahawak ulit ako sa puso ko. Wait, wait. Narito sila para mag-training at hindi makipag-date. Who knows? I might not even be able to talk to them.

"Tita, ano po pala ang itatawag ko sa inyo?" tanong ko.

"Tita na lang! Pero ang pangalan ko ay Baby, hindi ko pa pala napapakilala ang sarili ko." Itinuro niya ang pupuntahan namin gamit ang kaniyang nguso. "Halika, punta na tayo sa canteen at magsimula na tayong maghanda."

"Salamat, Tita Baby!"

Binuhat na namin ang catering supplies at naglakad papunta sa isang malaking mess hall.

"Lagi mong susuotin ang apron at hairnet mo. Alam mo naman, medyo delicate ang health ng players kaya hygiene is important," paalala ni Tita.

Hinilera na namin ang mga pagkain. Aba, mukhang masasarap ng mga ito. Hindi ako sigurado kung si Tita Baby ba ang nagluto, pero gusto kong makatikim dahil mukha silang magarbo.

Naalala ko naman bigla ang hinanda kong mga simpleng onigiri. Uhm, nakakahiya naman 'yong gawa ko compared dito!

"Ayan na sila."

Lumundag 'yong puso ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Tinitigan ko lamang ang sahig na nasa harapan ko. Ayokong lumingon sa kanila, nahihiya ako.

Ano kaya'ng iisipin nila kapag nakita nila ako bigla? Iisipin ba nilang sinusundan ko sila?

Isang babaeng hindi maka-move on from a single date? Teka, puwede pa bang mag-back out?

"Excuse me? I'm waiting for my steak." Nagulat ako dahil may lalake na pala sa harapan ko.

Pero pagtingala ko, hindi siya isa sa Green Giants. He's from the Blue Sharks.

Bigla kong nabitawan ang hawak kong sandok. My fangirl heart was going wild. "S-Steak p-po ba?"

Siya si Loujay Castillo. Ang captain ng Blue Sharks at ang bias ko sa kanila!

Grabe, I'm the luckiest girl in Tagaytay right now. Kanina lang tila gusto kong mag-back out, pero ngayon, I'm so thankful na sumama ako.

Napansin agad ni Tita Baby na nagma-malfunction ako kaya kinuha niya agad ang sandok at nag-serve kay Loujay sabay hingi ng tawad, "Pasensiya na po kayo, Sir. Baguhan lang po kasi siya."

"No worries! Cute naman si ate, eh." Ngumiti muna siya bago umalis.

What? Cute daw ako sabi ni crush!

Ako naman 'yong tinutukoy niyang ate, 'di ba? Hindi naman siguro si Tita Baby 'yon, 'di ba?

At dahil nakabalik na ako sa reyalidad, saka ko lang napansin na puro Blue Sharks pala ang mga nasa canteen ngayon.

Nagtanong naman agad ako kay Tita Baby. "Tita, nasa'n po 'yong ibang teams?"

"Hindi talaga sila sabay-sabay kumain sa canteen. Sadyang hiniwalay ang mga schedule nila para raw iwasan ang gulo. I guess these guys don't only fight on the court. Ha-ha."

"Oh. Uh, kailan po ang sched ng Green Giants?" I asked with obvious hesitation.

"Ay, after one hour pa sila. Actually, after ma-serve lahat ng Blue Sharks ay puwede ka munang gumala-gala around the complex. Maganda ang view rito sa Highlands. Enjoy the atmosphere! Ite-text na lang kita kapag oras nang bumalik."

Ngumiti ako kay tita at nagpatuloy sa pag-serve. Medyo ninenerbyos pa rin ako kapag kaharap ang players ng Blue Sharks. Pero pagkatapos ng ilang minuto ay nasanay na rin ako. Kaya ko nang gumalaw nang mabilisan at mag-serve nang sabay-sabay.

Matapos mabigyan ng pagkain ang lahat ng players ay nagpaalam muna ako. "Tita, labas po muna ako."

"Sige lang, iha. Maraming salamat, ha."

Before exiting the mess hall, I gave the Blue Sharks one last fangirl look. "But first, let me take a pic!"

***

Ah, ang sarap ng simoy ng hangin sa Tagaytay. Dahil na rin siguro nasa eksklusibong resort kami na malayo sa kabihasnan.

I inhaled everything in, filling up my lungs with fresh air and good vibes.

Saktong pag-inhale ko nang malalim, may usok galing sa bus na dumaan kaya napaubo ako nang wala sa oras. Anong bus 'yan at panira ng mood? Nagmo-moment na ako, eh.

Nanlaki bigla ang mga mata ko nang makita ko ang logo at kulay ng bus.

It was green all over, at may nakasulat na Gokongwei University's Green Giants.

Nagtago agad ako sa likuran ng isang puno at sinilip 'yong bus na huminto na rin upang magbaba ng mga pasahero.

Why is my heart beating like a ticking timebomb waiting to explode?

I was not their fan, but my heart was going a million times crazier than it was with the Blue Sharks a while ago.

"Hay nako, Baby Gin! Guni-guni mo lang 'yon. Masyado ka lang maraming pinapanood na cartoons!" Narinig ko 'yong pamilyar na boses ni Anlex.

"P-Pero totoo! Nakita ko talaga si Cherry mula sa bintana kanina, I swear!" Itong boses bata na tila iiyak any time, I'm sure that this is Gin.

"Kaka-Wattpad mo 'yan!" Ito namang boses na nang-aasar, I could recognize Tobin all over it.

Hindi ko pa sila maaninag dahil bumaba sila mula sa kabilang side ng bus at nahaharangan 'yong view. I could only hear their voices. Boses pa lang, pero nababaliw na agad ako.

"Hoy, 'wag niyo ngang awayin si Baby Gin!" I heard Joon's overprotective voice.

"Ha-ha. Narito tayo para mag-training." That was Nikko.

"Teka, nakita niyo ba kung nasa'n si Captain? Narito lang siya kanina." That voice was Denz's, I'm sure.

Binibilang ko pa lang sila pero napansin kong kulang na naman ang mga nakikita kong Green Giants sa tapat ko. Nasa'n 'yong masungit na captain nila?

"Hey guys, I just found a lost shark."

Blood rushed towards my face when I heard a familiar voice behind me. Tumayo lahat ng balahibo ko dahil nasa likuran ko lang siya ngayon.

Umandar na ang bus nila paalis at nakita ko na silang anim nang malinaw—Denz, Nikko, Joon, Tobin, Gin, and Anlex. Their eyes were all looking at me and their mouths were wide open in surprise.

Napalunok ako kasi siguradong-sigurado ako kung sino 'yong nasa likuran ko ngayon. Nagpa-panic na ang puso ko at hindi nito alam ang gagawin.

"Okay ka lang? Nagka-stiff neck ka yata bigla," sabi ng boses mula sa likod ko.

My knees became weak and my legs turned to jelly.

Tila mahihimatay yata ako sa sobrang nerbyos at kaba. Hindi ko na maramdaman ang mukha ko.

Puwede pa ba akong mag-back out?



#WillYouGoOutWithUs

#WYGOWU

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon