Chapter 32: I Knew It

12.6K 739 198
                                    


✦✧✦

CHERRY


"Take me to your house, and show me the bare you."

Tama ba ang dinig ko? Was Kyle asking me to bring him to my house just now? Tiningnan ko ang mga mata niya. Mukhang seryoso nga siya. Nilingon ko ang sahig sa tapat ko. Paano niya nagagawang tanungin sa akin 'yon nang diretsahan? Puso, kalma ka lang.

"I won't force you if you don't want to," he suddenly said, "Ihahatid na lang kita sa inyo, anong oras na rin."

Pagkasabi niya no'n ay tumayo na siya mula sa swing. Hindi pa rin ako makasagot at makatingin sa kaniya, kahit hanggang makarating na ang na-book niyang taxi.

"Tara, na'ndito na 'yong sasakyan," yaya niya sa 'kin at naglakad na siya papunta sa sidewalk.

Habang sumusunod sa kaniya, bigla kong naalala ang sinabi sa 'kin ni Faith isang beses. Malalaman mo kung may gusto sa 'yo ang isang lalake, depende sa kung saan siya uupo 'pag magkasabay kayo! Malinaw pa rin sa akin ang mga sinabi ni Faith noon. Umupo ka sa likuran, tapos kapag umupo siya sa harap, ibig sabihin friends lang kayo. At kapag tinabihan ka niya sa likuran, 'yon na ang sign na trip ka niya!

Napalunok ako at biglang nagmadali ng lakad para mauna akong maupo sa likuran.

"Sh-Sharky?" Nagulat siguro siya dahil kumaripas talaga ako papunta sa likod.

This is the moment of truth. Saan kaya sasakay si Kyle? Umusog ako papunta sa kabilang dulo ng upuan sa likuran para makakuha siya ng hint na gusto ko siyang tumabi sa 'kin.

Halos mahulog 'yong panga ko sa sahig nang buksan niya 'yong pintuan sa harap. Doon ba siya sasakay?

"Manong, kayo po ba si Sir Jerome Santos?" tanong ni Kyle sa driver na tumango sa kaniya. "Salamat, Sir. Chineck ko lang po kung kayo po ang nasa picture."

Pagakatapos no'n ay isinara na ni Kyle ang pintuan sa harap at sumakay na siya sa likuran katabi ko.

Kung maaapiran ko lang ang puso ko ay ginawa ko na. Yes, finally. He sat down beside me at the back seat.

Tahimik lang kami buong biyahe at walang nagsasalita. Paminsan-minsan ay tinitingnan ko siya nang palihim. Matangos ang ilong niya at maganda rin ang hugis ng lalagukan niya. Tapos 'yong lips niya... Iniwas ko bigla ang tingin ko nang tumingin siya sa 'kin.

"Relax ka lang, tensed na tensed ka yata masiyado," nakangiting puna niya.

Sumimangot na lang ako sa kaniya at bumelat. Ako, tensed? Asa naman.

Hindi ako tensed. Hindi ako kinakabahan na papasok siya sa bahay. Hindi ko in-o-overthink kung aakyat ba kami sa kuwarto ko. Hindi ko iniisip na baka may mangyari sa 'min ngayong gabi. Hindi ako nag-aalala kung ano ang kulay ng underwear ko ngayon kunsakaling umabot kami sa point na 'yon—teka, ano'ng kulay nga ba ang suot kong undies ngayon?

"K-Kyle!" hiyaw ko bigla.

"Oh?" maiksi niyang sagot.

"A-Ano'ng favorite color mo?" I asked with a hot, flushed face.

"Bakit mo natanong?"

"Basta! Sagutin mo na lang!" I demanded. Napalunok ako, sana tama ang kulay ng suot kong panties tonight.

"Gusto ko? Wala," sagot niya.

"A-Ano'ng wala?" Namula ako nang husto sa sinabi niya. Nakahanda na kasi 'yong imagination ko depende sa isasagot niya. Kaya nang sabihin niyang wala ay na-imagine ko tuloy na wala akong suot!

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon