Chapter 1: Meet the Green Giants

77.8K 1.8K 226
                                    


✦✧✦

CHERRY


"Ma! Alis na po ako, ah! Manonood ako ng game!"

Umalis na ako ng bahay at sumakay ng LRT papunta sa Araneta. I'm so excited for this game!

Nakasuot ako ngayon ng blue cap, blue shirt, at may dala akong blue banderitas. Siyempre, dahil ako ang number one fan ng Blue Sharks! Sila ang basketball team ng aming school, ang Yuchengco University.

Laging nananalo ang Green Giants sa labanan, pero naniniwala ako na this time, kami naman. Hindi ako nawawalan ng pag-asa.

"Kaya niyo yan, Blue Sharks! Talunin niyo ang Green Giants! Puro yabang lang ang alam nila!" Nagsisisigaw ako sa loob ng LRT. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao. "Hehehe. Sorry, carried away lang." Humingi na lang ako ng pasensiya sa mga nakasaksi ng kawirduhan ko.

"Kyle, ang sikip naman dito! Pero in fairness, hindi mabaho tulad ng inaakala ko."

"Pinapabanguhan pala nila 'to? Ang bango, amoy baby powder!"

"Anlex, hindi LRT 'yong naaamoy mo. Masyado kang malapit sa katabi mo!"

Sino ba ang maiingay na 'yon? Parang first time lang sumakay ng LRT.

Dahil nakaupo ako, tumayo ako at sinilip kung sino ang mga nagsasalita. Oh no. 'Yong players ng Green Giants, nandito!

"Hinaan niyo ang boses niyo, nasa public place tayo. Hindi niyo kailangang gumawa ng eksena," sabi ng isang naka-earphones at nagbabasa ng libro. Hmm, mukhang matino ang isang ito.

Naririnig ko ang mga pangalang binabanggit nila kaya unti-unti kong nakikilala kung sino-sino sila.

"Uy! Tingnan niyo, team! May naligaw rito!"

Medyo natagalan ako bago ko malaman kung sino ang tinutukoy nila. Saka ko lang napansin—iyong nagsalita, nakaturo pala sa 'kin.

"What? Me?" Napatingin ako sa suot kong shirt at cap, saka sa hawak kong banderitas. Lahat may logo ng Blue Sharks. Ang kalaban nilang team—yikes!

Lumunok ako at nagdesisyong lumaban sa kanila. "A-Ano'ng pakialam niyo? Mananalo ang Blue Sharks sa laban mamaya. Tatalunin nila kayo! Magiging mga itlog kayo! Narinig niyo ba 'ko? Itlog!"

Dahan-dahan silang lumapit papunta sa 'kin. Lahat sila ay may evil glare sa mga mata nila. Oh no, I'm dead.

"Ulitin mo nga ulit 'yong sinabi mo, binibini?" Biglang hinawakan no'ng tinawag nilang Kyle ang nanginginig na balikat ko.



#WillYouGoOutWithUs

#WYGOWU

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon