Chapter 13: Leap of Faith

23K 964 88
                                    


Note: 

Dog breeds are kind, should not be judged, and can be friendly especially when socially trained by experts. The events of this chapter are portrayed from the point of view of fictional characters, and should not be followed as an example in reality. Let us treat animals with love, kindness, and understanding.



✦✧✦

CHERRY



"Hoy! Ipasa mo rito!"

"Dito! Sa 'kin naman 'yong bola!"

"Hahaha! Heto, saluhin mo!"

Naglaro silang pito ng beach volleyball. Tama ba na iwan ako rito sa tabi? Aba, ako yata ang bida rito. Nagtampururut ako sa gilid at nagdesisyong sipain ang buhangin. Naubo tuloy ako sa alikabok. Grabe, nakarma yata ako do'n, ah.

"Wait guys, may tumatawag!" Sinagot ni Joon ang phone niya nang mag-ring ito sa gitna ng paglalaro nila ng volleyball. "Hello? Ah, talaga?" Isang malaking ngiti ang gumuhit sa mukha niya. Kinakabahan ako tuwing ganiyan ang itsura ni Joon.

"Guys! Guess what?" Masaya niyang ibinalita sa 'min, "Ready na raw 'yong yacht."

Sakto ay dumating ang ilang staff sa resort nina Joon at sinamahan kami kung saan nakadaong ang yacht. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ito sa personal. Napakalaki nito, tila mas malaki pa sa mismong bahay namin. The whole livery is in a luxurious jet black color instead of the usual white.

Sumampa na kaming lahat sa loob ng yacht. Lahat kami ay nakakapit sa may railings at pinagmamasdan ang kagandahan ng dagat.

"Yahoo!" Panay hiyawan nila. "I'm voting Joon Villamontano for president!"

Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Denz ang kamay ko.

"D-Denz!"

"I hope you didn't forget about the deal." He reminded me with a gentle smile.

Right. He gets to hold my hand because he won the contest.

Lahat sila ay ang sama ng tingin sa 'min. May evil glare sa mga mata nila habang nakangiti lang si Denz.

Bigla akong napatingin kay Kyle. Hindi pala siya kasama sa 'min na nakatayo sa may railings. Nakaupo siya sa outdoor sofa ng yacht at may binabasang libro habang nakikinig ng iPod.

"Ano? Maganda ba ang view?"

Nagulat ako at namula nang mahuli ako ni Denz na nakatingin kay Kyle.

"O-Oo naman! Hahaha! Ang linaw ng tubig!" I suddenly faced the other way and pointed at the sea.

"Cherry! Cherry! Marunong ka bang lumangoy?" Sumingit bigla si Anlex sa gitna namin.

"Uh..." Sasagutin ko pa lang sana siya nang umepal si Kyle.

"Malamang. Shark yata 'yan."

Paglingon ko sa kaniya, nagbabasa pa rin siya ng libro. May tumutugtog ba talaga sa iPod niya at alam na alam niya tuwing kailan ako aasarin?

***

Pagkatapos ng mga dalawang oras na nagkakasiyahan sa yacht ay nagyaya na silang lumangoy. Pagkadaong ng bangka ay nagpaunahan agad sila sa dagat.

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon