✦✧✦
BASTIEL
"Inaniyayahan tayo ng coach ng Blue Sharkz para sa isang practice match."
Iyon ang bungad sa'min ni Coach Michael habang lahat kami ay pawis na pawis na nagpapahinga mula sa praktis.
"Sa tingin ko okay na opportunity ito dahil sila ang rival natin. May nahanap raw silang magandang court para sa match. Magpahinga na kayo dahil bukas na 'yon."
Umalis na si Coach Michael. Oras na rin para mag-shower at magbihis kami.
"Kyle!"
Napahinto ako nang tawagin ako ni Tobin. Nanibago ako dahil Kyle ang tawag niya sa'kin, nasanay kasi ako na Bastiel ang tinatawag sa'kin ni Cherry buong maghapon na magkasama kami hanggang umaga.
"O, bakit tila nakakita ka ng multo?" natatawang tanong niya sa'kin nang akbayan niya ako.
"W-Wala naman. Sundin natin ang sabi ni coach. Magpahinga na tayo para may lakas tayo sa laban bukas." Umalis na ako doon at nakita kong may pagtataka sa mga mukha nila.
I didn't mean to be cold. Medyo wala lang ako sa sarili dahil nahahati 'yung utak ko sa pagiging Bastiel at pagiging Kyle. Balak ko ring sabihin sa kanila ang totoo pero naghahanap pa ako ng tiyempo. Magpapahinga na lang muna ako pagdating sa bahay para may lakas sa laban bukas.
***
Kinabukasan ay sinundo na kami ng bus. Hindi ko maiwasang maging mailap sa Green Giants kahit na gusto lang naman nila akong makausap. Naiilang ako dahil bilang sila ang mga pinakamalapit kong kaibigan, gusto ko silang makaharap bilang Bastiel. Kaso ano na lamang ang iisipin nila? Nasanay na sila kay Kyle. Matatanggap ba nila si Bastiel? Ano na lang ang magiging reaksyon nila kapag hindi ako 'yung Captain Kyle na hinahangaan nila?
"Captain!"
Nagulat ako nang may malamig na softdrinks na dumikit sa pisngi ko. Isang nakangiting Anlex pala ang nakaakbay sa upuan ko mula sa likuran.
"Ang lalim ng iniisip mo kanina pa! Don't tell me natatakot ka sa Blue Sharkz?" aniya habang tumatawa.
"Madaya sila! Gumamit sila ng dirty trick para matalo tayo," galit na sabi ni Joon.
"Hoy! Hindi dirty si Cherry!" hiyaw naman sa kaniya ni Baby Gin na nakasimangot.
Sumunod naman sa pagreklamo si Tobin. "'Di ako makapaniwalang papatulan ni Cherry ang Loujay na 'yun!"
Bigla akong napalunok. Oo nga pala, hindi pa rin nila alam na kami na ni Sharky. Ang buong akala nila ay sila pa rin ng kumag na Loujay na 'yun hanggang ngayon.
"Na'ndito na tayo!" Tumayo si Miss Shirley at sinabihan na kami na mag-ready.
Napataas ang kilay ko nang makitang pumasok kami sa isang glass-wall building. Mukhang sosyal ang lugar na ito.
Pero bakit kailangan ng sosyal na basketball court? Maglalaro lang naman kami.
Sumakay kami ng elevator at sumandal ako sa gilid. Nagtaka ako dahil matagal-tagal na kaming umaakyat at hindi pa rin lumalabas. Pagtingin ko sa screen ng elevator, lumagpas na kami sa 10th floor. Gaano ba kataas ang building na ito at nasaan ba ang court? Humikab lang ako habang naghihintay.
Medyo kinabahan na ako nang lumipas na ang sampung minuto at hindi pa rin kami bumababa. Pagtingin ko sa screen, lagpas na kami sa 30th floor. Fuck.
"Kyle, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Denz, "Parang namumutla ka ata?"
"O-Okay lang ako," sagot ko sa kaniya.
Shit. Sana naman bumaba na kami. Nanginginig na ang mga tuhod ko at halos bumibigay na ako sa pagtayo. Buti na lang ay may handrail na mahahawakan dito sa elevator, kung wala 'to ay baka kanina pa ako napaluhod sa sahig.
Nakahinga na ako nang maluwag nang bumukas na sa wakas ang pintuan ng elevator. Ayoko sanang tingnan kung anong floor na kami pero hindi napigilan ng mga mata ko.
My heart stopped beating for a second when I saw the sign. 58th floor.
"Ito ang court na ni-reserve ng Blue Sharkz," ani Miss Shirley nang makalabas na kami sa elevator. "Ang ganda 'di ba? Hinanap talaga nila itong court para ganahan kayong lahat maglaro."
Ang bumungad sa harapan namin ay isang court na merong glass walls kung saan tanaw na tanaw ang cityscape sa labas. Kitang-kita ang mga tila langgam na mga kotse kapag tumingin ka sa baba. Ang mga gusali ay nagmukhang mga laruan sa liit, at sa sobrang taas namin ay hindi mo na maaninang ang mga taong naglalakad. Tila ako masusuka.
"Wooow! Ang ganda!" hiyaw ni Anlex.
"Practice match ba talaga 'to? Para tayong nasa hotel," ani Nikko.
"Ganito rin ang itsura sa observation deck ng Tokyo Skytree no'ng nagpunta kami sa Japan!" Kumikinang ang mga mata ni Gin.
Naglakad na silang lahat papunta sa court, samantalang napako ang mga paa ko sa sahig at hindi ako makakilos.
"Welcome, boys!" maangas na sinalubong kami ng mga Blue Sharkz. Lumapit sa akin si Loujay at inakbayan niya ako, "Welcome to the top, Captain Kyle."
Bigla siyang bumulong sa akin na siyang naging dahilan para manlambot ako nang tuluyan. "Nakita ko kayo ng ex ko sa amusement park. Takot na takot ka sa ferris wheel at hinalikan ka niya. Tingin mo ba hindi ako gaganti?"
Mahina lang ang pagkakasabi niya kaya hindi ito narinig ng iba. Mahina lang pero malakas ang epekto sa akin. Hindi ko na mapigilan ang tiyan ko dahil masusuka na talaga ako.
"M-Magbabanyo lang ako!" hiyaw ko sabay takbo sa CR. Pagkasarado ng pinto ay sumuka na ako sa inidoro. Nagsisimula na rin akong mahilo. Fuck you, Loujay.
Huminga ako nang malalim. Pagka-flush ng inidoro ay naghugas ako ng mukha at nagmumog. Tiningnan ko ang suot kong bracelet na ponytail ni Cherry. I can do this, hindi ako magpapatalo sa kumag na Loujay na 'yan.
Lumabas na ulit ako para harapin sila sa court. Wala lang ito sa lahat ng mga pinagdaanan ko sa loob ng limang taon. Kakayanin ko ito.
Pinagpawisan ako nang malamig at hindi mapakali ang dibdib ko, pero pilit na nilalabanan ko ang aking takot sa matataas na lugar.
"Let's go, Green Giants!" I yelled with a big smile on my face that made Loujay squirm in annoyance.
#WillYouGoOutWithUs
#WYGOWU
Soon to be a published book. 🩵
![](https://img.wattpad.com/cover/38321-288-k298788.jpg)
BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...