Chapter 37: Getting to Know

12K 712 162
                                    


✦✧✦

CHERRY


"Mama, narito po ulit si Bastie—"

Nagkatinginan kami ni Bastiel nang ipapaalam ko sana sa nanay ko ang pagdalaw niya. Ang pagkakakilala nga pala ni Mommy sa kaniya ay Kyle pa rin.

I leaned towards him and whispered, "You could trust my mom, don't worry. I want you to be comfortable whenever you're at our house."

Sigurado akong kapag nasa eskuwelahan siya o kapag nasa bahay sila ay kailangan niyang magpanggap na Kyle palagi. Ayokong pati sa bahay namin ay mahirapan siya.

Ngumiti si Bastiel sa'kin at tumango. "Tita, hinatid ko po si Cherry mula sa amusement park."

"Ma! Simula ngayon, 'Bastiel' na ang itawag mo kay Kyle!" sabi ko kay Mommy habang nakayakap sa braso niya.

"Aba, kay gwapo namang pangalan!" 'yon lang ang reaksyon ng nanay ko at hindi na siya nagtanong kung bakit. I'm happy that he didn't make Bastiel uncomfortable by asking him questions. My mom understands the hearts of people.

"Kayo na ba ng anak ko, Bastiel?"

Nasamid ako sa laway ko nang marinig ang diretsahang tanong ng nanay ko. I take back what I said, she's making us uncomfortable with her questions right now!

"Malalaman po natin bukas, Tita." Tumingin at ngumisi sa'kin si Bastiel. "Ngayong gabi po ata namin masusubukan ang chemistry namin."

Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi ni Bastiel. How can this angel be this... this naughty? He was not just making my heart race—he was taking over the wheel and steering it himself.

Mukhang magkakasundo nga sila ng nanay ko.

"Oooh, exciting!" magiliw na sabi ng nanay ko na lumapit sa'kin para isiko ako. "Sige, mukhang magsusuot ako ng noise-cancelling earphones tonight. Hohoho! Sleep na 'ko, guys! Enjoy!"

Napabuntong-hininga na lang ako nang 'di oras habang pinapanood ang nanay kong kumekembot papunta sa kwarto niya.

"Pasensiya ka na sa nanay ko, ha?" I sighed.

"Pa'no ba 'yan, mukhang may go signal na 'ko." Bastiel's lips formed a sexy smirk.

"Waaait! Time out!" My hands formed a letter T as I gulped. "D-Doon tayo sa kwarto ko this time, please?"

"Ayaw mo ituloy 'yung sessions natin sa sofa?" He raised his brow and smiled.

Kinurot ko ang magkabilang pisngi niya at bumulong, "Kasi ila-lock ko 'yung pinto, para 'di ka na makatakas this time."

Muntik na akong tumili nang bigla niya akong kinarga sa mga braso niya. "'Wag kang masyadong mapanukso. Baka hindi mo 'ko kayanin kapag naasar ako."

Pagkasara ng pintuan sa kwarto ay inihiga niya na ako sa kama. Sumampa siya sa ibabaw ko at pinagmasdan muna ang mukha ko.

"W-What?" I asked, feeling a little awkward. "Why are you staring?"

"Nothing. I just think you're cute," he said with an earnest smile.

Shucks, wala pa siyang ginagawa pero halos matunaw na agad ako.

"Bastiel..." I said his name and kissed his lips. "Bastiel... Bastiel..." I kept on repeating his name while kissing him.

"Yes, Sharky?" he asked while playfully pecking my lips.

"Nothing." Ginaya ko siya. "Sobrang ganda kasi ng pangalan mo. Hindi 'to dapat tinatago. Kaya inuulit-ulit ko para hindi nakakapanghinayang."

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon