✦✧✦
CHERRY
Umupo muna ako sa bakanteng swing dito sa playground habang naghihintay. Lumubog na ang araw, sumikat na ang buwan, at maya-maya ay dumating na rin taong minensahe ko.
"Why are you crying?" he asked me.
Pinahiran ko ang mga luha ko at niyaya siyang umupo sa kabilang swing.
"Halika't maupo ka muna, Denz." Pinilit kong ngumiti pero makukulit ang mga luha ko, hindi nila ako tinatantanan.
"Lalaki ba ang dahilan niyan?" he asked me.
Tumango ako.
"Iyong captain ba ng Blue Sharks?" sunod niyang tanong.
Umiling ako.
"Iyong captain ng Green Giants?"
Hindi ako nakasagot. Bakit nga ba ako umiiyak? Dahil ba sa ginawa sa 'kin ni Loujay, o dahil sa nakita kong may kasamang babae si Kyle kanina?
Hinawakan ko ang dibdib ko. I knew the answer right from the start.
"I just ruined my first ever relationship," kuwento ko habang mahinang natatawa. "Dati, akala ko ay magiging matamis ang una kong relasyon. I thought it would feel like rainbows and butterflies. I even promised myself that my first love will be my last."
Tahimik na nakikinig lang si Denz habang marahang idinuduyan ang kaniyang swing.
"Pero hindi pala. Napakalayo sa mga napapanood at nababasa ko. I never felt anything close to a rainbow or a butterfly. My heart never fluttered with Loujay. Sa totoo lang, kung may mga salitang makakalarawan ng experience ko, 'yon ay walang kuwenta."
Ngumiti si Denz at sinabihan ako. "Ikaw naman kasi, bakit mo naman sinagot agad-agad kung wala ka palang feelings?"
Hinigpitan ko ang kapit sa mga kadena ng duyan. "I guess... I was desperate," pag-amin ko. "I was desperate for Kyle's attention."
Hinawakan ni Denz ang ulo ko at marahang hinaplos ito. "You're not alone, we are all desperate for his attention."
Napansin niyang nagulat ako sa sinabi niya, kaya nagpatuloy siya sa paliwanag habang nakangiti. "Our captain has always been like that. Serious, cold, and emotionless. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, lagi niya kaming tinutulungan at hindi pinapabayaan. That's why all the members of the Green Giants always try to make him smile. Madalang lang kasi siyang ngumiti o mag-react sa mga bagay."
My heart melted at what he said. 'Yon pala ang rason kaya lagi silang nagkukulitan at biruan, dahil gusto nilang mapangiti si Kyle.
That simple thought made me smile for the first time tonight. I was right, ibang-iba nga talaga ang Green Giants sa Blue Sharks. These guys are genuinely kind and caring.
"Kaya naman mahalaga ka sa 'min, Cherry." Ginulo niya ang buhok ko bilang paglalambing. "Dahil simula nang makilala ka namin, mas napapadalas na ang mga ngiti ng captain namin."
Namula ako saglit sa sinabi niya pero mabilis din akong umiling at tumanggi. "Hindi, ah! Wala nga siyang paki sa 'kin, eh. Never siyang nag-text kahit alam naman niya ang number ko. Hindi rin siya lumapit sa 'kin sa practice game niyo kalaban ang Blue Sharks."
"Gusto mo bang malaman kung wala talaga siyang paki?" Itinaas ni Denz ang isa niyang kilay at inilabas ang phone niya. Ilang segundo lang ay may tinatawagan na siya.
"A-Ano'ng ginagawa mo?" I asked, panicking internally.
"Kyle? Gising ka pa?" sabi ni Denz sa kausap niya. "Libre ka ba ngayong gabi, Captain?"
Tila nangamatis ang buong mukha ko nang marinig ang mga pinagsasabi ni Denz sa kausap niya. Is he calling Kyle? Aktong aagawin ko ang phone ni Denz sa kaniya pero nailalayo niya ito sa akin.
"Na'ndito ako ngayon sa playground sa may Two Serendra. Tara, punta ka rito," yaya ni Denz sa kausap niya. "Ano? Busy ka? Sayang naman, kasama ko kasi ngayon si Cherry." Nakita kong lumaki ang ngiti niya pagkabanggit no'n.
Ibinaba niya na ang tawag at tumingin sa akin. "Now, we wait."
"Hoy, Denz! Bakit mo naman pinapunta si Kyle dito! Ang daya mo!" Sinusuntok-suntok ko ang braso niya. "Asa namang pupunta 'yon!"
"Pupunta 'yon, sure ako."
"S-Sinabi niya bang pupunta siya?" I asked, fishing for an answer.
"Hindi niya sinabing pupunta siya. Sabi niya lang, 'Ano'ng ginagawa ng shark sa playground?' tapos binaba ko na 'yong tawag."
Kahit hindi niya ako kausap, nagagawa niya pa rin akong asarin!
Panay kulit ko kay Denz buong gabi dahil sa pantitrip na ginawa niya, samantalang tawa lang siya nang tawa. Inaaway ko siya, pero deep inside ay umaasa ako na pupunta nga si Kyle. Gusto ko siyang makita. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan at iniyak ko ngayong araw, meron pa ring maliit na parte sa puso ko na umaasa pa rin sa kaniya.
"Looks like my time's up," ani Denz sabay tayo mula sa swing.
Alam niyo ba ang pakiramdam 'pag nakasakay sa pinakamataas na parte ng rollercoaster, tapos bigla-bigla itong humarurot pababa—at tila naiwan ang puso mo sa tuktok? Gano'n ang pakiramdam ko ngayon.
Even though I was hoping for him to come, my heart still couldn't handle the sight of a breathless Kyle, panting hard and gasping for air after rushing towards this place, face flushed with tousled hair, standing right in front of us.
At kung tatanungin niyo man—oo, kinikilig ako. Sobra. Sobra-sobrang kinikilig ako. Naiiyak ulit ako pero hindi dahil malungkot ako, kung 'di dahil sobrang sabik ng puso ko.
Lumapit si Denz kay Kyle at tinapik ito sa balikat. "Your turn, Captain."
Pagkasabi no'n ay iniwan niya na kaming dalawa.
#WillYouGoOutWithUs
#WYGOWU
BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...