✦✧✦
CHERRY
Nilapat ko ang Sunday dress sa katawan ko at tiningnan ang sukat nito sa akin. "Wow. Kasyang-kasya sa 'kin. Pa'no kaya nalaman ni Denz ang size ko?"
"I have this certain talent. Nalalaman ko agad ang vital statistics ng mga babae sa isang tingin pa lang."
S-Saan galing 'yong boses na 'yon? Paglingon ko sa likod, nakaupo sa kama ko si Denz!
"How did you get in my room?!" I shrieked.
"Your mom let me in." He just smiled, as if normal lang ang ginawa niya.
Biglang pumasok ang nanay ko sa kwarto. "Hi, Cherry dear! Hindi mo sinasabi sa 'kin na may gwapo ka palang boyfriend!"
"Ma! Bakit mo siya pinapasok ng bahay?" Tila ako pa ang magulang at pinagsabihan ko ang nanay ko.
"Why not? Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan." Magiliw ang ngiti ng nanay ko.
"You have such a nice mom," ani Denz sabay lapit sa nanay ko at humalik sa kamay niya.
"Napakagalante pa!" hirit ni Mommy.
"Galante? He walked in while I'm changing!" singhal ko sa kanilang dalawa.
"It wasn't my fault you didn't lock the door." Denz tried to reason.
"Cherry anak, kapag nagbibihis ka, you should always lock your door." Kumampi naman ang nanay ko.
"Dalawa lang tayo rito sa bahay, Ma! Malay ko bang may papasok na lalaki rito?"
Arguing was pointless.
"Cherry anak, bilisan mo. Naghihintay 'yong iba mo pang boyfriends sa baba."
Wait... what?
"N-Narito rin 'yong iba?" I stuttered. Just the thought of them inside my house made me blush.
"Oo, Cherry. Narito rin si Kyle," nakangiting sabi nitong si Denz na tila nang-aasar na naman.
"Tse!"
Tinulak ko siya palabas ng kuwarto at sumunod naman sa kaniya ang nanay ko.
***
Nagbihis na ako at naglagay lamang ng light makeup. I gathered enough courage to push myself to go out of my room. Pagbaba ko, sabay-sabay silang tumingin sa akin. Iyong mga tingin nila, para bang nakakita sila ng anghel sa lupa.
"Whoa! Cherry, ang ganda mo!" bungad ni Tobin na napatayo mula sa sofa.
"Ang suwerte naman ni Denz," sundot ni Nikko na nakapamulsa sa kaniyang pantalon.
"Lalo akong na-excite sa date natin!" pahayag naman ni Joon, na may nangingislap na mga mata.
Lahat sila ay nag-react na maliban kay Kyle. Tahimik lang siya mula kanina.
"Ikaw, Kyle? Ano'ng masasabi mo kay Cherrypie?" Bigla siyang siniko ni Anlex.
I looked down, blushing. Kinakabahan ako. Nakatingin lang siya at hindi nagsasalita.
Ano ba 'yan, bakit ang tagal niya namang mag-react?
"Cherry..."
Just the mere sound of his voice was enough to make my heart race.
"Ang bagal mo, kanina pa kami naghihintay."
Talaga namang pumutok na 'ko sa galit. "Go to hell, Kyle!"
BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...