✦✧✦
CHERRY
Ang haba ng pila sa entrance. Umuusad ba 'tong linyang 'to? Bakit parang hindi? Forty minutes na 'kong nakatayo, hindi man lang nababawasan ang haba.
"Hoy! Bawal sumingit!"
"Kami nauna rito!"
Naghihiyawan na 'yong ibang tao. Agree naman ako sa kanila, 'no. Sino'ng may gustong sinisingitan sila? Nakisigaw na rin ako para pagsabihan 'yong mga pasaway. "Oy! Bawal sumingit! Pumila kayo nang maayos!"
Bigla silang nagtinginan sa 'kin. Huh? Ano'ng meron sa ginawa ko? After a while, saka ko lang na-realize na nakapila pala ako sa linya ng mga sumisingit!
Mali ako ng napilahan! Kaya pala hindi umuusad, eh. Makaalis na nga, wala akong mapapala sa linyang 'to. Umalis ako na pulang-pula sa hiya at pumila na sa totoong linya.
I waited and waited. Isang oras na 'ko rito. Nakakaasar. Ang dami pa ring tao. Baka sakaling mas maiksi ang pila sa ibang gate. Tama. Kaya naman umalis ako sa pila at lumipat sa ibang gate.
Nakita kong mahaba rin 'yong pila sa kasunod na gate kaya lumipat ako sa iba pang gate. Gano'n din, mahaba pa rin.
Lumipat ulit ako ng ibang gate, at nakitang marami ring pila kaya lumipat ulit ako ng ibang gate. Puro mahahaba ang pila. Naikot ko na 'yong buong Araneta. Bumalik din ako sa gate kung saan ako nanggaling, at mas mahaba na ngayon 'yong pila!
This is hell! Hindi na 'ko makakapasok sa loob.
"Excuse me, miss?"
Biglang may tumapik sa 'kin galing sa likod. Paglingon ko, isang medyo may edad at kulot na babae.
"Ano po'ng kailangan niyo? Hindi po ako pumapatol sa scalper," I told her coldly. Nakasingkit na ang mga mata ko sa sobrang pagod.
"Ikaw ba si Cherry An Versoza?"
Pa'no niya nalaman ang pangalan ko?
"Y-Yeah, ako nga. Bakit?"
Bigla siyang naglabas ng cellphone at may binasang text. "Pinapasabi kasi ni Kyle at ng team na bigyan kita ng special seat."
"Kyle? Team? Teka, sino po ba kayo?"
Pagkatanong ko ay saka ko lamang siya nakilala. Siya iyong babaeng kasama ng Green Giants sa LRT kanina.
"Ako si Shirley. Ang kanilang manager. Manager-slash-yaya ng Green Giants! Minsan, imbis na ako ang mag-manage, ako pa ang ginagawa nilang utusan. Tulad ngayon." Napabuntong-hininga siya habang nagpapaliwanag.
"Manager ng Green Giants?" Nanlaki bigla ang mga mata ko.
"Oo. At sinabihan nila akong hanapin ka, para mabigyan ka ng magandang upuan."
"Ang dami pong tao rito, ah. Pa'no niyo 'ko nahanap?"
"They described you from head to foot."
My eyes sparkled in excitement. "Talaga? Ano po'ng sabi nila sa 'kin?" Pumalakpak ang mga tainga ko sa sabik habang inaabangan ang sagot niya.
Sinabi ba ni Kyle na maganda ako?
"Mukha ka raw shark."
Tila lumayas 'yong kaluluwa ko mula sa katawan ko. Alam kong nakasuot ako ng Blue Sharks merch from head to foot pero hindi naman ako mukhang pating.
![](https://img.wattpad.com/cover/38321-288-k298788.jpg)
BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...