✦✧✦
CHERRY
"Okay. I'll go out with you."
Bumakas sa buong mukha ni Loujay ang isang malaking ngiti.
"Good! Tara, date agad tayo bukas!" Inakbayan niya ako at sabay kuha sa phone ko.
"Wait, give me my phone back!" sabi ko sa kaniya habang pilit inaabot ito.
"I'll give you my number, babe. Siyempre bilang girlfriend na kita, dapat ay lagi tayong magka-text 'di ba?" ngiti niya.
Wala naman akong nagawa dahil may point siya roon. Binuksan ko 'yong phone ko at hinayaan siyang ilagay ang number niya.
"Alright, text me!" Ibinalik niya sa 'kin 'yong phone at naglakad na palayo. Habang nakatalikod ay kumaway siya para magpaalam. "Bye, Charlene!" hiyaw niya.
Napanganga ako roon. Ano raw, Charlene? Why do I have a bad feeling about this?
***
Nakipagkita ako kay Loujay kinabukasan sa may quadrangle pagkatapos ng klase, pero nagulat ako dahil nakasuot siya ng basketball jersey.
"Loujay!" bati ko sa kaniya nang salubungin siya.
"Hi, babe. Tara, sama ka sa 'min!" Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa may parking. Teka, did he just say sa 'min? Sino ang mga tinutukoy niya? Hindi ba date naming dalawa ito?
Halos humiwalay sa katawan ko ang aking kaluluwa nang biglang naglabasan ang ibang mga miyembro ng Blue Sharks at lahat sila ay nakasuot din ng jerseys. Medyo pinigilan ko ang pag-nosebleed ko nang makita sila.
My idols, right in front of me. Am I in heaven?
"Hey, boys! Meet my girlfriend, si Charmaine." Ipinakilala ako ni Loujay sa kanila, kaso ibang pangalan na naman ang binanggit niya.
"Hi, Charmaine!" bati naman sa 'kin ng ibang players.
"It's Cher—" Itatama ko na sana siya kaso biglang nagtawanan na ang Blue Sharks at nagsimula nang magkuwentuhan. Hindi na nila ako napansin.
Isinantabi ko na lang. For sure, marami pang chances mamaya para mas makilala nila ako at malaman ang tunay na pangalan ko.
"The bus is here!" Itinuro ng isa sa kanila ang isang malaking private bus ng Blue Sharks na paparating.
Huh, may game ba sila? Teka, narito lang ba ako para ihatid si Loujay sa bus nila?
Humarap ako sa boyfriend ko na may mukhang bakas ang pagtataka. "Loujay?"
Ngumiti siya sa 'kin at hinawakan niya ang ulo ko. "You're coming with us, babe. Ano ka ba, 'di ba sabi ko ay magde-date tayo?"
Napangiti ako at kumalma na rin ang puso kong medyo nagdududa kanina. Isasama niya pala ako sa game nila. Hindi ko ikakaila na kinilig ako roon. After all, it is a very usual thing for couples to invite their girl to their games.
Sumakay na kami sa bus at katabi ko si Loujay. Nakaakbay siya sa 'kin, pero hindi niya ako tinitingnan. Sa halip ay walang tigil siya sa pakikipagbiruan sa kaniyang mga kaibigan. Sinubukan kong ngitian ang ibang mga players ng Blue Sharks, pero walang pumapansin sa 'kin dahil busy silang makipagkulitan sa isa't isa.
Bakit ganito, kapag kasama ko ang Green Giants, hindi naman ako naiilang nang ganito o nakakaramdam ng pagiging out of place?
Dahil lang ba kakakilala ko lang sa kanila? Unti-unting binalot ng lungkot ang puso ko. Hindi, eh. Kakakilala ko lang din naman sa Green Giants noon pero komportable na agad ako sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/38321-288-k298788.jpg)
BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...