Chapter 39: Our Captain

11.5K 794 148
                                    

✦✧✦

BASTIEL

"Let's go, Green Giants!"

Habang naglalaro, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang makatayo at makagalaw. Gustong bumigay ng mga tuhod ko, ngunit nilalabanan ko ang takot sa pamamagitan ng pag-iwas na tumingin sa mga malalaking bintanang pader.

Kaya mo 'yan, Bastiel. Isipin mo nasa ordinaryong court ka lang.

"Captain, ipasa mo rito!"

Narinig ko ang boses ni Joon sa gilid. Sinubukan kong ipasa sa kaniya ang bola, ngunit masyadong mahina ang mga kamay ko. Kinapos ang pagbato ko at naagaw ito ni Loujay. Tsk!

"Ano, Captain Kyle? Bakit parang iiyak ka na?" asar niya habang tinatalbog ang bola.

"Shut up and just play," I snapped at him.

Ngumiti nang malaki si Loujay. "Aba, gusto mo talagang pahirapan ang sarili mo ha?" Dahil ako ang nakabantay sa kaniya, sinasadya niyang lumapit sa direksyon ng mga bintana para sundan ko siya ng tingin. Iniiwasan ng mga mata ko tumingin sa bintana ngunit panay galaw ni Loujay.

He's doing this on purpose. He knows my weakness.

Tulad ng sinabi niya, nakita niya raw akong takot na takot sa ferris wheel. Nadiskubre niya sigurong may takot ako sa matataas na lugar kaya sinadya nilang piliin ang court na ito. What an asshole. Lalo pa akong nairita dahil naging sila panandalian ni Sharky.

Lumalaban pa rin ako sa lahat ng makakaya ko kaya nairita na nang lubusan si Loujay. Binangga niya ako nang malakas at itinulak ang katawan ko papalapit sa bintana. He used the force of his body to push me against the glass wall. Dahil sa lakas ng pwersa, nabangga kaming parehas sa bintana.

"Foul!" Pumito ang referee.

"Sorry, ref! Na-out of balance ako eh. Hehehe," palusot ni Loujay.

Shit. Hindi ko na kaya. Nasa tapat ng mukha ko mismo ang malaking bintana at kitang kita ko ang mga maliliit na building at mga tila langgam na kotseng gumagalaw. Bigla akong nagkombulsyon. Sumuka ako sa sahig at namutla ang mukha ko. Walang tigil ang panginginig ng buong katawan ko.

"Ref, time out!" sigaw ng coach namin.

"Need a hand, Captain Kyle?" Nagtaas ng kilay si Loujay at inabot sa'kin ang kamay niya habang nakangiti nang malaki at nakakaloko. He's definitely mocking me.

"Captain! Ayos ka lang?" hiyaw ni Denz. Nagtakbuhan papunta sa'kin ang mga Green Giants at pinalibutan nila ako. Ito ang unang beses na nakita nila akong ganito.

"Captain! Ano'ng nangyari?" nag-aalalang tanong ni Tobin.

"Stay strong, Captain Kyle. We're just here." Sinusubukan akong pakalmahin nila Nikko at Joon.

"Captain Kyle..." umiiyak na hikbi ni Gin.

"Kyle, kapit ka lang sa'kin!" hiyaw ni Anlex.

Tiningnan ko ang mga mata nila at gulat na gulat sila. This is the end. They'll never accept a weak captain like me.

"Mouhahaha! 'Yan ba ang captain ng Green Giants? Hahaha!" Biglang tumayo si Loujay at tumawa. "Ano 'yan? Afraid of heights? Hahaha! Isa pa lang weakling 'yang captain niyo, eh!"

Parang gusto ko na lang maglaho. 'Yung puso ko, umiiyak na. Ang mga kaibigan ko, ang teammates ko, siguradong ayaw na nila sa'kin ngayon. Tama si Loujay, they don't want a weakling like Bastiel. They need a strong captain like my brother Kyle... not me.

"Eh ano ngayon?"

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang sinunggaban ni Joon si Loujay.

"Wala kaming paki kung takot sa matataas na lugar si Captain, normal lang magka-phobia sa mga bagay!" Sinundan siya ni Nikko.

"Kaya nga! Ako nga takot sa daga, eh!" Anlex proudly announced, "Tapos itong si Tobin, takot sa salamin!"

"Hoy, pinalalabas mo bang pangit ako?" Binatukan ni Tobin si Anlex.

"A-Ako, takot ako sa mumu!" Baby Gin cried.

"Takot ako sa mga exam at quiz!" pag-amin ni Joon. "Lagi silang sumusulpot nang hindi ko alam, tapos parati akong bagsak."

"Hoy, Joon. 'Wag kang gumawa ng palusot kasi hindi ka talaga nag-aaral," hirit ni Nikko na siyang ikinatawa ng lahat.

"We don't care if our captain is afraid of heights," ani Denz habang papalapit kay Loujay. "Nilabanan niya ang takot niya para lang ipagpatuloy ang laban. Our captain isn't a weakling. He is the strongest person we've ever met. Tuwing nanghihina kami sa gitna ng laban, siya ang nagpapalakas ng loob namin. Kapag sumusuko na kami, siya ang nagbibigay sa'min ng lakas."

"Masuwerte kami sa Captain namin," dagdag ni Tobin. "Hindi kagaya niyo, may Captain Loujay na laging takot matalo kaya dinadaan sa pandaraya!"

"Takot kaming mawala siya!" Niyakap ako ni Anlex at nag-iiiyak ang kumag.

Ngumiti ako dahil sa mga salitang binitawan nila para sa'kin. Looks like there isn't anything to be afraid of. The Green Giants are my team, at ang isang tunay na team ay hinding hindi pinapabayaan ang isa't isa.

"Denz, Tobin, Anlex..." Kumalma na ako at dahan-dahan nang tumayo. "Joon, Nikko, Gin..."

Humarap sila sa'kin at sinalubong nila ako ng mga ngiti.

"May sasabihin ako sa inyo mamaya. Pero for now..." I stretched my arms and tilted my head. "Talunin muna natin ang mga kumag na Blue Sharkz na 'yan!"

***

Nang matapos ang laban, kasama ko na ulit ang Green Giants at nagpapahinga na kami sa bus pabalik. Tinalo namin ang Blue Sharkz kaya pikon na pikon na naman si Loujay.

"May kailangan kayong malaman..." panimula ko sa kanila.

Ikinuwento ko ang pagkamatay ng kuya ko at kung paano ako nagpanggap bilang Kyle sa loob ng limang taon. Lahat sila ay nagulat, ngunit mas nagulat ako dahil nadalian silang tanggapin ito.

"Wala kaming paki kung hindi ikaw si Kyle, Bastiel sounds cooler!" hirit ni Joon.

"I'm sorry for your loss," malumanay na sabi ni Denz. "Matagal kang nagtiis nang mag-isa sa loob ng mahabang panahon. Now, you're no longer alone. Narito kami lagi para sa 'yo."

"Captain Bastiel!" hiyaw ni Anlex sabay taas ng kamao sa hangin.

"Captain Bastiel!" Sinundan naman siya ni Tobin.

"Captain Bastiel!" Lahat sila ay nagtaasan ng mga kamao at nagdiwang para sa'kin.

"Daddy Bastiel!" Nag-iisang hiyaw ni Baby Gin. Tumingin kami sa kaniya at nagtawanan.

Simula pagkabata, akala ko ay laging si Kyle ang kailangan at hinahanap ng mga tao. Lumaki ako sa anino ng kuya ko na tinitingala ng lahat. Hindi ko akalaing may mga tao ring makakatanggap at handang kaibiganin si Bastiel.

From now on, I will step out from the shadow that Kyle left behind. I will give myself, Bastiel, the spotlight he deserves. I'm sure that's what my brother would want for me.

"Nga pala, Captain..." Nagsalita bigla si Nikko, "May isa pa yata kaming kailangang malaman."

Namula ako nang mapansin kong nakaturo siya sa ponytail na suot ko sa kamay bilang bracelet.

"May girlfriend ka na yata. Baka gusto mong ipakilala sa'min!"



#WillYouGoOutWithUs

#WYGOWU

Soon to be published as a physical book. 🩵

Follow my Facebook Page: irshwndy to receive news and updates.

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon