Chapter 44: The Razons' Residence

11.6K 709 155
                                    




✦✧✦

CHERRY


Tinitigan ko ang mensaheng natanggap ko sa phone.

Nagtaka ako kasi wala namang nabanggit sa 'kin si Bastiel. Pero base nga sa pagkakakilala ko sa kaniya, siya nga 'yong tipo na ililihim ang birthday niya.

Tinanong ko sila kung anong oras ang party at ano dapat ang suotin. Napatayo ako sa kama nang sabihin nilang formal event daw ito.

"Ma! Emergency!" Nagtatatakbo agad ako pababa. "Kailangan ko ng formal dress!"

"Formal dress ba kamo? I got you!" Dinala ako ng mommy ko papunta sa kuwarto niya at naglabas ng isang makalumang dress mula sa baul.

"Ma! Medyo old style na po 'yan, hindi na po uso 'yong may mga ganiyang matataas na manggas."

"Ako bahala, anak. Ikaw ang magiging pinakamaganda sa party ng dyowa mo!"

Sabi ng nanay ko ay kumain lang daw ako at asikasuhin ang buhok at makeup ko. Nanood ako sa YouTube ng mga makeup tutorial. Napapabuntong-hininga ako dahil mukhang madali sa screen, pero mahirap gawin kapag ikaw na ang gumagawa.

Halos sumuko na ako nang biglang nilabas ng nanay ko ang bestidang hawak niya kanina. Napanganga ako dahil sobrang ganda nito. Ginawa niyang modern ang kaninang makalumang bestida. Iniksian niya ang palda at tinanggal ang mga manggas.

"Ma! Ang ganda!" Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

"Anak, ito ang sinuot kong bestida noong nagkakilala kami ng tatay mo. Kaya napakaimportante nito sa 'kin." Habang sinasabi niya iyon ay inaayusan niya ako ng buhok. "Gusto kong suotin mo ito bilang pamana ko sa iyo."

"Ma, 'wag mo 'kong paiyakin, masisira ang makeup ko!" Tumingala ako para pigilan ang mga luha ko. Dinampi ng nanay ko ang tissue sa gilid ng mga mata ko para hindi ito kumalat. Ngumiti ako at niyakap siya ulit.

Maya-maya ay may bumisina na sa labas. Nagpaalam na ako sa nanay ko at nakita ang isang mahabang limousine na nakaabang sa may pintuan namin.

Ito ba talaga ang sundo ko?

Bumaba ang bintana ng sasakyan at nakita ko sina Anlex sa loob.

"Cherry chuchu, tara na!" yaya nila sa 'kin.

Pag-upo ko sa loob, nagulat ako dahil sobrang luwag. Magkakaharap kaming pito, katabi ko sina Anlex at Denz, tapos katapat naman namin sina Tobin, Joon, Gin, at Nikko. Nakasuot silang lahat ng mga mamahaling amerikana. Lumilitaw lalo ang pagiging makisig nila.

"Welcome back, Joonie boy!" Ginulo ni Tobin ang buhok ni Joon.

"Hoy, kakalagay ko lang ng pomada, 'wag mong guluhin!" reklamo ni Joon. "Cherry, nagbati na kami ni Bastiel. Humingi ako ng love advice sa kaniya."

Natuwa ako sa magandang balita ni Joon. Buti naman ay nagkaayos na sila.

"Humingi ka rin ba ng advice sa blue balls?" hirit ni Tobin.

"Gago!" sigaw sa kaniya ni Joon at nagtawanan ang lahat.

"Mommy Cherry, ano pala ang regalo mo kay Daddy Bastiel?" tanong sa 'kin ni Gin.

Ngumiti ako at hinawakan nang maigi ang bag ko. "Maliit na bagay lang," nakangiti kong sagot.

"Ikaw Gin, anong regalo mo?" tanong ni Anlex habang tinatago ang sarili niyang regalo. Hindi ko alam kung ano ito pero napansin kong may malaki siyang box na dala.

"Teddy Bear!" Inilabas ni Gin ang regalo niya. "Teddy Bear na nakasuot ng jersey ng Green Giants!"

Napatitig kaming lahat kay Gin. Hindi namin siya magawang asarin dahil medyo sweet at nakaka-touch ang regalo niya. Narinig kong nagbubulungan ang iba.

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon