Chapter 2: Warming Up!

39K 1.5K 374
                                    


✦✧✦

CHERRY


"Ulitin mo nga ulit 'yong sinabi mo, binibini?"

"M-Matatalo kayo ng Blue Sharks!" Hindi ko pinahalata ang nginig sa boses ko.

Hinawakan niya ang aking baba at inangat ang mukha ko para pumantay sa kaniyang mga mata. "Hindi mo ba alam kung sino'ng kausap mo?"

"P-Player ng Green Giants?" My voice cracked, trying to answer him. Ang hirap maka-concentrate kung may ganito kaguwapong nakatitig sa 'yo.

"Yes, at?" He tilted his head, waiting for me to continue.

"At?" I gulped.

"Ang Green Giants ang?"

"D-Defending champion ng AAUP..." I looked to the side, trying to avoid his gaze.

"Good. Eh ano'ng sinasabi mo kanina?" Inangat niya ang isang kilay niya at ngumisi.

Grabe. Ang yayabang talaga!

"Matatalo kayo ng Sharks! Wala akong pakialam kung kayo pa ang defending champion. Basta para sa 'kin, mga itlog kayo!"

Nag-react naman bigla 'yong Anlex. "Ano? Mga itlog? Ano'ng masama sa itlog?

Itinuro naman no'ng Joon ang isa nilang kasama. "Si Gin! Si Gin lang 'yon! Ako, hindi ako itlog!"

"Mukha ba 'kong itlog sa 'yo? Mas mukha kang itlog sa 'kin!" sagot naman ni Gin sa kaniya.

"Speaking of itlog, nagugutom ako..." bulong ni Tobin sa sarili niya.

Grabe. Ang weird ng takbo ng utak nila.

Nagulat ako dahil biglang inilapit ni Kyle ang mukha niya sa mukha ko. As in sobrang lapit.

"Kung 'yan ang tingin mo, puwes magkaroon tayo ng pustahan." Nilaro niya ang ilang hibla ng buhok ko at inilagay sa likod ng tainga ko ang isang hibla na naligaw. "May consequence ang sinomang matatalo sa pustahan, deal?"

My heart couldn't concentrate. Ang bango ng hininga niya.

"D-Deal!" Medyo late reaction ako. Kasi naman! Nakakailang 'yong closeness niya, ah.

"Ano'ng gagawin namin kapag natalo kami?" nakangisi niyang tanong.

"Uhm, pupunta kayo sa school namin! Sa Yuchengco University! Tapos magso-sorry kayo sa harapan ng lahat ng estudyante! Mouhahaha!" I laughed proudly. I'm such a genius.

Nagsalita naman bigla 'yong Denz. "Makakapasok ba kami do'n? Puwede bang makapasok ang galing sa ibang university?"

"Makakapasok tayo ro'n! Kilala ko 'yong guard nila ro'n, eh!" sabik na sagot sa kaniya no'ng tinawag nilang Anlex.

"Ah, oo! 'Yong guard nila! Iyong naka-uniform na nagbabantay ng gate?" Narinig ko ang sarcasm sa tono ni Tobin.

"Siya nga! Siya nga!" Nauto niya naman si Anlex.

Ganito ba talaga sila lagi?

"Sige, payag ako diyan." Nagtaasan ang mga balahibo ko nang marinig ulit ang boses ni Kyle.

"P-Pa'no kapag natalo naman ako sa pustahan?" I asked him nervously as I bit my lip.

Ngumiti siya ng nakalolokong ngiti at inilapit ang bibig niya sa tenga ko. He then whispered to my ear, "Makikipag-date ka sa buong team."

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon