✦✧✦
CHERRY
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako buong tanghali.
Sa sobrang gutom, kinuha ko agad ang baon kong lunch mula sa bag at kinain ko na agad ito kahit nasa kama pa ako. May dala rin akong sarili kong tumbler na may lamang tubig.
Ahh. Ang sarap sa feeling kumain at mabusog. Sana ganito na lang ang life. Bakit pa kasi may emotions pang involved?
Napansin kong may isa pa pala akong dalang baunan. Ito 'yong mga ginawa kong onigiri.
Naalala ko bigla ang mga pang-aasar nila sa akin kanina.
Hindi naman talaga ako galit, eh. Alam kong harmless kulitan lang 'yong kanina. Kung gano'n, saan ba talaga ako napikon?
Dahil ba inasar nila ang Blue Sharks? Hindi naman, kahit noong una ko pa silang makilala ay ganoon na lagi ang impression nila sa kanila.
Sumagi sa isip ko ang imahe ni Kyle na binuksan nang walang hirap ang phone ko.
Wait lang... kung nahulaan niya ang password ko, what if nabuksan niya na pala 'yong phone ko kanina pa bago pa sila makarating sa cafeteria?
Dali-dali kong kinuha ang phone ko at binuksan ito.
Kung nasa iyo ang phone ng kakilala mo, ano ang unang titingnan mo? Napatanong ako sa sarili ko.
Messages? No, masiyadong pakialamera naman iyon at hindi gano'n si Kyle. Isa pa, halos walang laman ang inbox ko.
Photos? Pumunta ako sa gallery ko at tiningnan kung ano ang mga maaari niyang nakita.
Napalunok ako. Ang hilig ko palang mag-selfie at peace sign. Madalas ay bagong gising pa ako at wala pang ligo! Sana hindi niya nakita ang mga 'to!
Buti ay walang ibang tao dito sa kuwarto dahil kanina pa ako nagpa-panic at tila nababaliw sa kaiisip. Biglang may pumasok na katanungan sa utak ko.
Kapag wala ka namang pakialam do'n sa may-ari ng phone... bubuksan mo ba ito in the first place?
Lumungkot ang pakiramdam ko nang maisip na baka hindi naman pala ganoon ka-interesado sa akin si Kyle. Bakit ko nga ba ina-assume na sisilipin niya man lang 'yong phone ko?
Napansin ko ang oras sa screen. 3:00PM na pala. Merienda na pala kaya sobrang gutom ko kanina.
Naalala ko bigla 'yong mga onigiri. Hindi 'to dapat patagalin nang hindi kinakain.
Tama na ang kaartehan, Cherry. Lumabas ka na at ibigay 'to sa kanila!
***
Dahil may itinerary at schedule akong nakuha mula kay Tita Baby, nalaman kong may practice game ngayon ang Green Giants sa Gym C. Malaki ang Tagaytay Highlands at kailangan mo ng service para makapunta sa iba't ibang lugar nito. Pagkababa sa akin ng van ay narinig ko na agad ang tunog ng bola at mga kaliskis ng mga paa sa sahig.
Pagsilip ko sa gym, naglalaro na sila at ang kalaban nila ngayon ay ang isa't isa. Hinati ang team nila sa dalawa—green team at white team. Ito ang unang beses na nakita ko sila sa puting jersey nila.
Umupo muna ako sa may bleacher at pinanood na maglaro ang Green Giants. Kahit kailan ay masaya talaga silang panoorin dahil nagiging seryoso ang mga mukha nila pagdating sa basketball.
Ito rin ang first time na hindi gano'n kaingay ang game dahil walang fangirls na nanonood. Napaka-peaceful naman pala kapag ganito.
"Laos ka pala, Tobin, eh!" binangayan ni Anlex si Tobin na nasa kalaban niyang team.
"Sus! Malakas lang loob mo ngayon dahil wala si Kyle!" sagot naman nito sa kaniya.
Ano raw? Wala si Kyle? Awtomatiko namang lumibot ang mata ko sa buong gym. Wala nga siya rito.
Tumunog na ang pito ng coach. "Okay, break muna tayo, team!"
"Uy, si Cherry! Binisita niya tayo." Nakita agad ako ni Joon at tinawag 'yong iba para lumapit sa akin.
"Cherry, sorry kanina, ha?" nakayukong paumanhin ni Nikko.
"Sorry kung sinabi naming mas guwapo kami sa kanila. Pero totoo naman kasi!" pahabol ni Anlex. Siniko naman agad siya ni Tobin.
Umiling ako at kinumpas ang aking kamay. "Okay lang. Hindi ako galit sa inyo."
"Buti naman at hindi ka na galit. Hindi namin alam ang gagawin kapag tuluyang lumayo ang loob mo sa 'min," nakangiting sabi ni Denz. Naramdaman kong may sinseridad sa kaniyang boses kaya napangiti ako. "Ano 'yang dala mo?" tanong niya.
"Ay! May dala akong good luck gifts sa inyo." Inilabas ko ang box ng mga onigiri.
"Wow! Ako ba 'to?" sabay kuha ni Anlex doon sa onigiri na kamukha niya.
"Is this me? Bakit ako umiiyak?" Nag-pout si Baby Gin na tila ba on cue.
Tuwang-tuwa sila na kinain ang mga kaniya-kaniyang onigiri nila. Napangiti naman ako nang sabihin nilang masarap daw ang gawa ko.
Kaso, nawala ang ngiting iyon nang makita ko ang onigiri ni Kyle na naiwang mag-isa sa baunan ko.
"Hinahanap mo ba siya?" Nahuli na naman ako ni Denz. "Ito 'yong first time na hindi sumipot si Kyle sa laro, kahit sa practice games tulad nito ay sinisigurado niyang kasama siya."
"Eh, nasa'n nga ba si Captain?" tanong ni Anlex habang ngumunguya ng onigiri. "Siya na lang tuloy ang hindi bati ni Cherry!"
"Kaya nga, dapat mag-sorry rin si Kyle kay Cherry," sabi ni Joon.
Tumawa nang malakas si Tobin at sumagot, "Si Kyle? Magso-sorry? Imposible!"
Tumango ang buong team, lahat sila ay sumasang-ayon na wala sa ugali ni Kyle ang mag-sorry dahil hindi naman daw ito madalas makagawa ng kasalanan in the first place.
"O siya, una na ako, ah. Kita-kita na lang sa dinner. Ako ulit ang mag-cater sa inyo." Ngumiti ako sa kanila at nagpaalam na.
Magaan na lamang ang baunan kong dala dahil isa na lang ang natirang laman nito.
Pero kung gaano ito kagaan, gano'n naman kabigat ang dibdib ko.
***
Noong gabing iyon, excited akong pumunta sa catering at dala-dala ko ulit 'yong baunan na may natirang isang onigiri. Sabik ako dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataong ibigay ito kay Kyle kanina.
Pagbukas ng pintuan, nakita ko na ang Green Giants. Sinalubong ko sila nang may malaking ngiti.
But that smile turned upside down when I saw the worried look on their faces.
"Nawawala pa rin si Captain Kyle!"
#WillYouGoOutWithUs
#WYGOWU
![](https://img.wattpad.com/cover/38321-288-k298788.jpg)
BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...