Chapter 27: Crush Back

13.6K 678 136
                                    


✦✧✦

CHERRY


"Lalala lala!"

"O Cherry, ang saya mo yata at napapakanta ka riyan?" hirit sa akin ni Tita Baby habang nagliligpit kami ng mga gamit. Uuwi na kasi kami bukas nang umaga dahil tapos na rin ang training camp.

"He-he, masaya po ba ako? Hindi naman po masiyado!" Hindi maalis ang ngiti sa mukha ko.

Mula sa bulsa ay kinuha ko ang maliit na bulaklak na pinitas ni Kyle para sa 'kin. Naalala ko tuloy ang eksena namin sa hardin. Feeling ko kasingganda ko si Liza Soberano kagabi!

Nilagay ko 'yong bulaklak sa likod ng phone case ko, para lagi ko siyang bitbit kahit saan. Luh, feeling dyowa?

Habang nag-aayos ay may nakita akong colorful envelopes sa mga gamit ko. Hmm? Bakit ako may fan letters sa bag?

It took me about three seconds bago ko maalala kung para saan ang mga ito. Yikes! Iyong mga regalo nga pala namin para sa Blue Sharks!

"T-Tita Baby, puwede po bang may puntahan ako saglit? Idadaan ko lang po sana itong mga binilin sa 'kin bago po tayo lumuwas bukas."

"O sige, ingat ka ha dahil gabi na. Makisuyo ka na lang sa service."

Kinuha ko na ang mga ito at tumakbo papunta sa service area. "Manong, doon po tayo sa building kung saan naka-stay ang Blue Sharks!" hinihingal kong sabi nang makita ang driver ng sasakyan.

Nakahinga na ako nang maluwag pagkaupo sa loob ng van. Ano ba 'yan, Cherry. Bakit muntik mo nang makalimutang ibigay ang regalo ng Blue Sharks, hindi ba't ito nga ang pinunta mo rito in the first place?

Tila ba on cue na napatingin ang mga mata ko sa phone case ko. Na-distract ka kasi, sabi ng boses sa utak ko.

Pagkababa ay dumiretso na agad ako sa loob ng building. Omg, kinakabahan ako pero wala na akong time magpakipot.

Narinig ko ang mga tawanan nila sa dulo ng hallway, naroon siguro ang kuwarto nila.

Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ay tila ako nanigas sa sobrang kaba. Nasa likuran lang ng pintong ito ang mga idol ko. Should I stay or should I go?

Narinig kong lumakas lalo ang mga tawanan nila kaya bigla akong nahiya at natakot. Humakbang ako paatras, kaso bigla akong may natamaan kaya tumilapon ang hawak kong fan letters sa sahig.

Paglingon ko, nabangga ko pala si Loujay, ang captain ng Blue Sharks! "L-Loujay?" hiyaw ko.

Lumuhod siya at pumulot ng isang fan letter. "Oh, so you're our fan?" tanong niya habang binabasa ito. Sobrang nakakahiya na binabasa niya ito sa harap ko kaya kinuha ko bigla 'yong sulat mula sa kamay niya.

Napangiti siya sa ginawa ko. "O, bakit mo binawi? Akala ko ba ay para sa 'min ang mga sulat na 'yan?"

"S-Saka mo na lang basahin kapag wala ako." Namumula yata ang buong mukha ko.

"Do you want to go in and meet the boys?" Lalong lumaki ang ngiti niya. Nilapit niya ang mukha niya sa 'kin at hahawakan na niya sana ang pisngi ko.

Hindi ko alam kung bakit, but I felt a little uneasy. "N-No, thanks! Pumunta lang talaga ako rito para i-abot ang mga 'to sa inyo." I shoved the remaining letters to his chest and ran away as fast as I can.

Malakas pa rin ang tibok ng puso ko kahit nakasakay na ako sa service van pabalik sa building namin ni Tita Baby.

What was that? That was so weird.

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon