Chapter 40: Meet My Girlfriend

12.7K 730 103
                                    


(Note: Some typos and structural flaws were not edited to keep the comments per line. The corrected & improved version will be reflected on the published book coming this 2025.)


✦✧✦

BASTIEL


"May girlfriend ka na yata. Baka gusto mong ipakilala sa'min!"

Namula 'yung mukha ko nang ituro ni Nikko 'yung suot kong bracelet na ponytail ni Cherry. Ano nga kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang si Sharky 'yung girlfriend ko? Binigyan ko sila ng matipid na ngiti. "Sige, ipapakilala ko siya sa inyo."

Panay asar at sipol nila kaya hindi ko maiwasang matawa. Hindi ko inaasahan ang biglang pag-akbay sa'kin ni Denz, lalo na ang kaniyang binulong. "Captain, alam kong gusto mo nang ipaalam sa kanila. Pero mag-ingat ka, sigurado akong may masasaktan sa isa sa mga 'yan."

Napalingon ako kay Denz at isang ngiti lang ang kaniyang sinagot sa'kin. Teka, bakit tila alam niya na kung sino? Nakakabasa ba ng utak 'to?

Nang makauwi sa bahay ay tinawagan ko agad si Cherry. "Sharky, say you love me please. Tell me you're proud of me."

Narinig ko ang mahinhin niyang pagtawa sa kabilang linya. "Why is my boyfriend being so clingy all of a sudden?"

"Your boyfriend just beat the shit out of your ex," I smirked.

Hindi ko mapigilang isipin kung ano ang itsura ng mukha ni Sharky ngayon. Halata kasing nagulat siya dahil hindi siya nakapagsalita agad.

"Si Loujay?" Naka-recover na rin siya after about four seconds.

"Yes. Your ex tried to threaten me again. Anyway, may mas importante pala akong sasabihin sa'yo." Nakangiti ako habang nagkukuwento at nilalaro-laro ang ponytail niya. "Inamin ko na sa Green Giants na ako si Bastiel. Nagulat sila pero tinanggap pa rin nila ako bilang captain."

"Wow! That's good for you!" Rinig na rinig ko ang tuwa sa boses niya. "Alam ko namang matatanggap ka nila. Mahal na mahal ka ng mga 'yon, eh."

"I... also want to tell them about us, Sharky."

Natahimik si Cherry. Napakagat-labi ako habang naghihintay sa reaksyon niya. Akala ko ay magagalit siya kaya nabigla ako nang marinig ang malakas na halakhak niya.

"Ba't ka natatawa?" I asked her.

"Excited na 'kong makita ang mga itsura nila kapag nalaman nila!"

Her cheerfulness made me smile. Looks like I have nothing to worry about after all.

Mag-ingat ka, sigurado akong may masasaktan sa isa sa mga 'yan, paalala sa'kin ni Denz kanina.

Kailangan ko nga bang mag-alala? Kung natanggap nila ako bilang Bastiel, sigurado akong matatanggap rin nila ang relasyon namin ni Cherry.

***

Niyaya ko ang Green Giants na magkita-kita sa isa sa mga tambayan namin. Kumpleto kaming pito ngayon sa isang lumang outdoor court kung saan lagi kaming naglalaro.

"Nasa'n na, Captain? Imagination lang naman ata 'yung gf mo eh!" panunukso ni Tobin.

"Ano naman ang masama sa imaginary girlfriend?" hirit ni Baby Gin. "'Di ba normal lang naman 'yon?"

Nagkatinginan na lamang kaming anim dahil hindi malayong may imaginary girlfriend nga siguro si Gin.

"Malapit na raw siya, na-traffic lang," nakangiti kong paliwanag habang binabasa ang text ni Sharky.

"Pa'no siya pupunta rito, lalangoy ba?" Denz smirked.

I raised my brow. Mukhang may alam talaga itong Denz na ito. Ever since makilala ko siya ay malakas lagi ang kutob niya sa mga bagay at madalas siyang tama.

"I'm here!"

Lumingon kaming pito sa pinanggalingan ng boses. Nakita naming tumatakbo si Cherry palapit sa'min. I couldn't help but smile. Finally, I'm introducing my girlfriend to my closest friends.

"Guys, meet my girlfrie—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko. Naramdaman ko na lang na may sumuntok nang malakas sa pisngi ko. Nahulog ako sa semento at narinig ang sigawan nila.

"Bastiel! Captain, ayos ka lang?!" nag-aalalang tanong nila.

"Bastiel!" sigaw ni Cherry habang nagmamadali sa pagtakbo.

Inangat ko ang mukha ko upang tingnan kung sino ang sumuntok.

"Ang kapal ng mukha mong dyowain si Cherry..." sabi niya sa'kin nang may mga nanlilisik na mga mata.



#WillYouGoOutWithUs

#WYGOWU

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon