Chapter 45: The Birthday Boy

12K 751 136
                                    




✦✧✦

CHERRY


"And now, we welcome our birthday boy, Kyle André Razon!"

Lumabas si Bastiel sa entablado nang nakasuot ng puting amerikana. Lalong lumitaw ang kaniyang kaguwapuhan sa suot niyang damit. He was wearing an all-white suit that complemented his dark blue inner polo and black tie.

I don't know if I'm just too in love with him, but Bastiel looked like an angel under that white spotlight. He was mesmerizing.

"Happy birthday, Kyle!" sabay-sabay na bati ng mga imbitadong bisita.

Ngunit kitang-kita sa mukha ni Bastiel na hindi siya masaya. Naramdaman kong pilit lamang ang ngiting pinapakita niya.

"Let's welcome the birthday boy's parents to the stage!" hiyaw ng host.

Nakita kong umakyat ang mga magulang ni Bastiel. Napakaganda ng kaniyang ina at papasa pa bilang dalaga dahil sa kaniyang makinis na kutis. Sobrang gwapo rin ng tatay niya, matangos ang ilong at matulis ang panga. Seeing them all three together is like watching a scene from a movie. Mukha silang mga mayayamang artista.

"My son Kyle has turned twenty today, and I couldn't be more proud," naiiyak na kuwento ng kaniyang ina. "Bata pa lang si Kyle ay napakahusay niya na sa iba't ibang larangan. Maaga siyang natutong maglaro ng basketball. Pag-apak niya ng high school ay nag-aral na agad siyang magpiloto. Habang lumalaki ay lalo pa siyang gumagaling at tumatalino. He's currently the rising MVP in the AAUP."

Habang nagsasalita ang magulang niya, nakikita kong nakatikom ang mga kamay ni Bastiel at hindi siya makatingin nang diretso sa mga panauhin.

"Kyle, your late little brother Bastiel would have been so proud of you," sambit ng kaniyang ina.

Nanlaki ang mga mata ni Bastiel sa narinig niya. Napanganga siya at nakatulala lang sa nanay niya.

That's it. I can't take this bullshit anymore. Tumayo ako mula sa upuan at nag-martsa papunta sa entablado.

"Cherry! Sa'n ka pupunta?" tinatawag ako nila Anlex ngunit hindi ako nagpahinto.

Nagtinginan ang mga tao nang makita nila akong umaakyat sa hagdan, lalo na nang kunin ko ang mikropono mula sa host.

"Tama po ang inyong sinabi ma'am, napakahusay ni Kyle," sabi ko sa mic. "Ngunit mahusay rin po ang inyong anak na si Bastiel. Sa sobrang husay niya, nagawa niyang mapaniwala ang lahat ng mga tao rito na siya si Kyle."

Nagulat ang madla sa narinig nila. Nagsimula silang magtinginan at magbulungan.

"Who are you? What are you doing here?" galit na reklamo ng kaniyang ina. "Guards, kunin niyo siya!"

May mga lumapit na guwardiya ngunit pinigilan sila ni Bastiel. "She's my guest," pirming sabi niya sa kanila.

Ngumiti ako sa kaniya at nagpatuloy sa pag-anunsyo sa mikropono. "Narito kayong lahat dahil kaarawan ni Kyle. We're all celebrating him for everything that he is done. And for that, I am sure that he is thankful from above."

Panay tsismisan ng mga guests sa lamesa. Nakatulala ang mga magulang ni Bastiel at hindi makapaniwala.

"And I'm sure that Kyle is most thankful for having a brother like Sebastiel André Razon. A brother that gave up his own life in order to keep Kyle alive. Hindi si Bastiel ang namatay ngunit hininto niya ang kaniyang sariling buhay, ang kaniyang sariling mga pangarap... at alam niyo ba kung para kanino?" Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Punong puno na ng galit at lungkot ang dibdib ko at ibinubuhos ko ang lahat sa mikropono. "Hindi para kay Kyle. Ginawa niya 'to para sa inyo!"

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon