Chapter 15: The Curious Cherry

26.5K 1.1K 372
                                    



✦✧✦

CHERRY


"Yahoo!"

Ang ingay.

"Woohoo!"

'Di ako maka-concentrate.

"This is the time of my life!"

Puwede bang magsitahimik kayo? Naiinggit ako, palibhasa kasi ay nag-wakeboarding sina Nikko, Anlex, at Tobin.

"I'm at the top and I just can't stop!"

"Hahaha!"

Sila Joon at Denz naman, nag-surfing.

"Ahaha! Ahaha!" tawa ni Baby Gin. "I'm the king of the world!"

Siya ang pinakamasaya sa kanilang lahat, dahil bumubuo si Gin ng sand castle.

Ang saya niya nga naman. Samantalang ako, nakalugmok sa isang sulok. Lumingon ako sa kaliwa ko. Mga three meters away, nakaupo si Kyle sa isang beach chair at nagbabasa ng libro. May nakasuot na earphones sa magkabilang tenga niya.

This guy sure has his own world.

"Kyle, ayaw mo bang mag-enjoy tulad nila? Sayang naman ang punta mo rito sa beach."

"Shh. 'Wag kang maingay. Nasa climax na 'ko." He hushed me.

"Ano ba 'yang binabasa mong libro?" Napakunot ako ng noo dahil hindi na niya 'ko pinansin. "Hmph. Nice talking."

Kunwari wala akong paki, pero sinubukan kong silipin 'yong cover ng book. Nahalata niya yata kaya bigla niyang tinakpan ang cover.

Nakakaasar naman 'tong si Kyle. Ano ba kasing libro 'yon? Saka, iisang libro lang ba 'yong binabasa niya simula nang makilala ko siya?

***

"Huh? Iyong libro ni Kyle?"

"Hindi ko alam. Hindi naman ako interesado sa mga libro."

Nagtanung-tanong ako sa ibang Green Giants tungkol sa binabasa ni Kyle. Sakto at hindi kasi siya sumabay sa 'min na kumain mag-lunch.

"Balita ko porn yata 'yon eh," biglang sambit ni Tobin.

"Hindi 'yon porn!" depensa ni Anlex. "Hentai 'yong binabasa no'n! Hentai na manga!"

Halatang walang alam si Gin sa mga binanggit nila. "Porn? Hentai? A-Ano 'yon?" he asked innocently.

Bakit puro rated agad ang nasa isip ng mga ito? Buti pa itong si Gin!

"Hahaha! Baka photobook ng mga seksing babae, mahiram nga!" hirit naman ni Joon.

Hay naku, ang dudumi ng mga isip ng mga lalakeng 'to. Dapat 'di nalang ako nagtanong.

"Bakit ka ba interesadong-interesado, Cherry?" asked Denz with his usual smile. Buti pa 'to, matinong kausap.

"Wala lang, eh kasi hindi niya mabitaw-bitawan 'yong librong niya, eh." I was getting a little shy.

"Hindi lang yata iisang libro ang binabasa niya." Ibinahagi ni Nikko ang obserbasyon niya. "Napapansin ko na iba't ibang kulay 'yong mga hawak niyang libro."

"Baka nangongolekta siya ng mga issue! Bawat libro, iba 'yong featured na pornstar!" Nagtawanan sina Tobin at Joon.

"P-Pornstar?" tanong ulit ng walang malay na si Gin.

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon