✦✧✦
CHERRY
Narito pa rin ako sa backstage kasama ng Green Giants. Panay kulit at patawa ng mga boys sa 'kin. Nakaupo kami paikot sa sahig, parang mga bata lang na naglalaro. Hindi namin kasama si Kyle pero hindi naman ako affected, kahit na panay silip ko at tingin kung saan-saan para malaman kung nasa'n siya.
"Sabi ni Coach meron pa tayong ten minutes," bungad ni Joon. "Tiyak may interview pa muna ulit tayo bago magsimula ang laban."
"Cherry, okay ka lang? Bakit natahimik ka yata?" tanong ni Nikko sa 'kin.
"Ah, eh, wala 'to!" I answered nervously. Yikes, nahalata ba nilang hinahanap ko si Kyle?
Tinapik ako ni Anlex. "Na-si-CR ka rin ba? Mag-CR ka na habang hindi pa nagsisimula 'yong program!"
"Anlex, ano ka ba? 'Wag mo ngang itulad si Cherry sa 'yo!
Nilakasan ko ang loob ko at tinanong sila. "Naisip ko lang kasi, tutal narito na rin ako sa backstage, baka puwede kong ma-meet 'yong team ng Blue Sharks. Number one fan kasi nila ako."
Kinakabahan ako sa reaksyon nila, baka awayin nila ulit ako.
Nagwala agad si Anlex. "Cherry! Hindi pa ba kami sapat sa 'yo?"
"Ano'ng meron sila na wala kami?" Sinundan naman ni Joon.
Biglang itinaas ni Tobin 'yong jersey niya. "Look, Cherry! Meron akong abs! Abs! Wala sila niyan!"
In a matter of seconds, nagtaasan na silang lahat ng jersey at pinakita sa 'kin ang mga abs nila. Awtomatikong tinakpan ko agad ang mga mata ko.
"Oy, Gin! Bakit hindi nakataas 'yang iyo, ha?" hamon ni Joon sa kaniya. "Siguro wala kang abs, 'no?"
"Meron, 'no! N-Nahihiya lang akong ipakita kay Cherry!"
"Tumigil na kayo!" awat ko sa kanila habang nakatakip pa rin ang mga mata.
"Masaya ka ba? Napapaligiran ka ng half-naked jerks?"
Sumilip ako kung sino 'yong nagsalita.
"I-Ikaw pala..." Napalunok ako. Nakabalik na si Kyle.
He gave me a teasing smirk. "Nag-enjoy ka ba sa nakikita mo?"
"Kyle! Ipakita mo rin kaya kay Cherry 'yong sa 'yo?" Nagulat ako sa suggestion ni Tobin. Bigla akong namula at kumarera sa bilis ang pagtibok ng puso ko.
"Huwag na. Baka hindi niya kayanin."
"Ang kapal ng mukha mo!" Tumayo ako at hinampas siya sa dibdib. Deep inside ay medyo na-disappoint ako.
"Narinig ko 'yong sinabi mo kanina. Gusto mong makita ang Sharks, 'di ba?" bigla niyang pinaalala.
"T-Tama, gusto ko nga silang makita. Saka magpa-autograph na rin, saka magpa-picture na rin," nahihiya kong sabi habang napapakamot ng ulo.
"Alam ko kung nasa'n sila."
"Talaga?" My eyes sparkled.
"Gusto mo, samahan kita?"
Naramdaman kong tumalon bigla ang puso ko. Kalma. Kinilig lang ako dahil makikita ko sa wakas ang Blue Sharks.
***
Naglakad na kaming dalawa ni Kyle. Hindi ako mapakali sa sobrang excited ko. "Ano kaya'ng itsura nila sa personal?" Hawak-hawak ko ang magkabila kong pisngi.

BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...