Chapter 5: Foul Play

29.9K 1.1K 306
                                    


✦✧✦

CHERRY


Tinanggal ni Miss Shirley 'yong make-up sa mukha ko. Ipinahiram niya sa akin ang mga damit na kinuha niya mula sa isang malaking sports duffle bag. Napansin ko agad na may pangalang Kyle ang bag na iyon. Most likely that jerk's. Nagdadala siguro sila ng maraming pamalit pagkatapos ng laban.

Nang ilusot ko sa ulo at sinuot sa katawan ang hoodie ni Kyle ay napatigil ako saglit. This smell... B-Bakit ang bango? Napalunok ako. Habang inaayos ang bagsak ng damit sa akin ay napahawak ako sa malambot na tela nito.

And I couldn't help but blush... because it felt so nice.

Nang matapos ay tumingin ako sa salamin. May malaking number seven pala na nakalagay sa harap. Naalala kong ito nga rin pala ang number ng jersey niya na napansin ko noon sa mga dating laban nila sa Blue Sharks.

Bakit kaya? Ano'ng meron sa number 7?

Teka! Erase. Erase. Wala nga pala akong pakialam sa kaniya.

Inipit kong maigi ang buhok ko sa likod. Nilagyan ko ng mataas na insole ang rubber shoes na ipinahiram din sa akin ni Miss Shirley. Masyadong malaki ito kaysa sa size ko, kaya marami rin akong foam na isinuksok para lamang magkasya sa akin. Nagsuot ako ng face mask at inibabaw sa ulo ko ang hood. Finally, I covered my eyes with a pair of shades.

Pagkalabas ng bihisan ay sinalubong agad ako ng team.

"Kyle, is that you?" Manghang-mangha si Anlex.

Humirit naman si Tobin. "Ang ganda mo, 'tol!"

Bigla akong inakbayan ni Joon "Tol, pakiss nga!"

Tinulak ko 'yong mukha ni Joon palayo sa 'kin. "Tse!"

"Wow, sana ikaw na lang talaga 'yong kateam namin," puri ni Denz.

"Papasa ka na bilang Kyle! Basta tandaan mo lang, act like a tough guy!" payo ni Nikko.

Sinamahan na kami ni Miss Shirley papunta sa interview. Binigyan kami ng mga upuan. Iyong iba, nakatayo sa likod. Dumating na rin 'yong reporters at may mga cameraman sa paligid namin.

"Relax, Miss Cherry, narito lang kami," bulong ni Gin.

"Hindi ka namin pababayaan." Kumindat naman si Tobin.

"T-Thanks, bro?" Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na itawag ko sa kanila.

Nagsalita na 'yong interviewer. "This is Jet Yubet, reporting. Narito ako ngayon sa backstage ng Araneta para sa interview ng ating defending champion, ang Green Giants!"

I heard cheers from the crowd.

"Let's start with the captain. Ano'ng masasabi mo sa kalaban niyong team?"

Walang nagsalita. Ano ba 'yan, bakit ayaw pang magsalita ng captain?

Bigla akong siniko ni Miss Shirley. "Ikaw 'yong captain!"

"What?"

"Uulitin ko 'yong tanong, ano'ng masasabi mo sa kalaban niyong team?" The interviewer asked again.

Damn. Hindi ko in-expect na si Kyle pala ang captain ng team. Malay ko ba? Wala man lang nagsabi sa 'kin.

"Ah, eh..." Umakto ako na parang nauubo at mahina ang boses, para isipin nilang may sakit ako at hindi mahalata na iba ang boses ko. "G-Good luck na lang kamo sa laban mamaya."

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon