✦✧✦
CHERRY
Nasa tapat na ng bahay namin ang bus. Hindi ako makatayo sa inuupuan ko. Hindi ko maangat ang puwitan ko.
"Cherry, may problema ba?" Napansin ni Miss Shirley na hindi ako mapakali.
"W-Wala naman po, he-he." Hindi ko alam ang gagawin ko. Makikipag-date ba talaga ako sa kanila?
"Are you sure? Parang namumutla ka yata?"
"Sige po, paalam." Tumayo ako bigla.
"Hindi ka man lang ba magpapaalam sa kanila?" sabay turo niya sa likod.
Natutulog pa silang lahat. Isa lang 'yong gising at ayoko namang magpaalam sa kaniya.
"Kyle! Ihatid mo si Cherry sa kanila," utos ni Coach Michael.
"What?" Parehas kaming nagreklamo.
"Kaya ko na po ang sarili ko, Coach!" aniko habang kinukumpas ang mga kamay ko para sabihing hindi na kailangan.
"Nasa tapat na 'to ng bahay nila, ah?" reklamo ni Kyle.
"Hindi ka ba gentleman? Ibaba mo siya at ihatid sa pintuan nila," diin ni Coach Michael.
"Bakit ako?" singhal ni Kyle.
"Ikaw na lang ang gising."
"Kayo rin naman coach, gising pa!"
Biglang nagtulug-tulugan si Coach kahit magkausap pa sila ni Kyle.
"Asar!" Padabog na tumayo si Kyle.
Hmph. Akala mo kung sino!
Bumaba na kami sa bus at nilakad niya 'ko hanggang sa pintuan. Papasok na sana ako kaso bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"Wait."
"M-May problema ba?" I looked away. Ayokong mailang sa mga mata niya.
Hindi siya nagsalita at nakayuko lang, para bang may malalim siyang iniisip.
"Wala. Sige."
Tumalikod lang siya at naglakad na paalis.
Nakasakay na siya hanggang sa makaalis na ang bus. Weird. Ano kaya'ng gusto niyang sabihin? Pumasok na 'ko sa bahay at umakyat sa kwarto.
Nakahiga na ako sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi ako makapaniwalang nangyari ang lahat ng 'to sa isang araw lang.
Kanina, pagkaalis ko sa bahay na 'to, wala akong pakialam sa Green Giants. Pero ngayon, parang super close ko na sa kanila. Parang ang tagal na naming magkakakilala.
Hinawakan ko 'yong kaliwang dibdib ko, ang lakas pa rin ng pagtibok. Ipinikit ko na ang mga mata ko, kahit na alam kong hindi ako makakatulog agad ngayong gabi.
***
Pumasok na ako sa school na parang walang nangyari.
"Cherrypie!" Paglingon ko, binati ako ng best friend ko na si Faith.
"Faith! Good morning!"
"Kumusta 'yong game? Balita ko talo na naman daw tayo."
I answered her with a thumbs down.
She sighed as expected. "Ang galing kasi ng mga Giants, eh. Not to mention, ang guguwapo pa!"
"Hindi kaya." Todo-deny naman ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/38321-288-k298788.jpg)
BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...