✦✧✦
CHERRY
"Miss Cherry, sundan niyo po ako." Isang hotel manager ang lumapit sa 'kin. "Ihahatid ko na po kayo sa kuwarto niyo."
Lumingon agad ako sa mga kasama ko. Tila alam na agad nila ang mga kuwarto nila dahil nagkaniya-kaniya na silang alis.
"Relax, Cherry. Tambayan na kasi namin dito kaya kabisado na namin ang rooms namin," paliwanag ni Nikko bago nagpaalam sa 'kin.
I just gulped my worries down and followed the hotel manager.
"Ito po ang kuwarto niyo."
Pagbukas niya ng pintuan, napako yata ang mga paa ko sa sahig dahil ayaw pa nilang pumasok.
"N-Nasa'n tayo?" I asked the manager, making sure if I was in the right place.
"Sa kuwarto niyo po."
"M-Magkano 'yong entrance fee? Para kasi akong nasa museum."
"Ha-ha. Hindi na po kailangan ng entrance fee. Kuwarto niyo po ito, Ma'am."
Itinaas ko ang kanang paa ko at dahan-dahang itinapak sa loob ng kuwarto. OMG. Carpet pa lang panalo na. Sobrang lambot at para akong naglalakad sa ulap.
Para talaga akong nasa museum dahil ang daming sculptures at paintings sa paligid. Kahit ang mga upuan, halatang mamahalin at tipong nabibili lang sa mga auction. Not to mention, ang bango pa. Mas mabango pa sa 'kin!
I twirled around the room, making my Sunday dress flow along.
"W-Wait lang!" Biglang akong napatigil. Mabuti nang manigurado. I searched around the room. Bawat upuan ay sinilip ko 'yong ilalim. Tiningnan ko rin ang likuran ng bawat painting, pati ang bawat sulok at gilid ng kuwarto.
"Okay, mukhang wala namang hidden camera na nilagay si Joon."
Nag-ring bigla ang phone ko at sinagot ko ito. "Hello?"
"Hey, Cher. It's time for breakfast."
"Okay, Tobin. Sige, lalabas na 'ko. Grabe, ang ganda ng kuwarto ko. Pakisabi kay Joon, maraming salamat!"
"Wow. Nabosesan mo agad ako." Dinig ko ang ngiti sa boses niya.
"Oo nga, kaya ko kayong bosesan lahat!"
"I mean, ginaya ko kasi ang boses ni Gin, eh. Niliitan ko nang sobra ang boses ko."
"Hoy, nangaasar ka ba?" Narinig ko si Gin mula sa telepono at tumawa.
***
Lumabas na ako ng kuwarto at nagtanong sa mga crew kung saan 'yong kainan. Medyo napagod ako sa pagliko at pagparit-parito. Nang makarating sa dining hall ay gutom na gutom na 'ko.
"Cherrypie! Over here!" Kumakaway si Joon at nakita ko na silang nakaupo sa isang mahabang lamesa. "Buti nahanap mo kami!"
"Gano'n talaga 'pag gutom ang mga shark. Malakas ang pang-amoy pagdating sa pagkain," bungad agad ni Kyle.
I just gave him a silent scowl dahil wala akong masyadong energy makipagtalo.
"Arthur, ano'ng handa natin ngayon?" tanong ni Joon sa chef.
"Marami, Sir Joon. Pero 'yong main dish po natin ngayon ay Hainanese Chicken Rice."
"Hainanese Chicken Rice?!" We yelled with drool on our mouths. This time, kasama na ako sa mga sabik na sabik.
![](https://img.wattpad.com/cover/38321-288-k298788.jpg)
BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...