Chapter 34: Is This a Date

12.1K 725 253
                                    


✦✧✦

CHERRY


"This isn't the place for this."

Isinuot na ni Kyle ang kaniyang jersey. Binuksan niya na rin ang pintuan ng palikuran at lumabas na kaming dalawa.

"I really didn't want to include you in this mess, but..." Humarap siya sa akin. I could only see loneliness inside his eyes. "You're already messing up my mind every night."

Kinuha ko ang kamay niya at inilapat ito sa pisngi ko. Alam ko kasing nalulungkot siya, at gusto kong malaman niya na hindi niya kailangang maging malungkot dahil narito ako para sa kaniya. "You're messing up my mind too," I told him. "But don't worry, we'll fix this mess together."

He gave me a bittersweet smile and ruffled my hair. "Alright, let's meet on Saturday. Ikaw na ang bahala kung saan. Just text me."

Paalis na sana siya pero pinigilan ko siya. "Wait!" pahabol ko. "Puwede bang ikaw ang maunang mag-text?"

"Huh? Ano difference?" He blinked his honey brown eyes in confusion.

"Basta! Gusto ko lang ma-experience na tumunog 'yong phone ko tapos pangalan mo lalabas," nahihiya kong sabi.

Napangiti siya at mahinang natawa. "Sure. See you, Sharky."

***

Pagdating ko sa bahay, wala akong ginawa kung 'di makipagtitigan sa phone ko.

"Cherry, kahit anong titig mo diyan sa phone mo, hindi 'yan lulutang. Ano ka, psychic?" asar sa 'kin ng nanay ko.

"Ma naman!" Inakyat ko na 'yong phone ko sa kuwarto at tinuloy ang staring contest namin ng phone ko.

Hay nako, ang tagal namang mag-text ni Kyle. Panay gulong ko na sa kama. Kanina ko pa tinitiis 'yong wiwi ko pero mukhang hindi ko na kaya.

Papunta na ako sa banyo nang bigla itong tumunog.

"OMG!" Lumundag ako sa tuwa at tiningnan ang laman ng mensahe.

From: GLOBE

Message:

Your GOSAKTO50 is expiring soon. Please reload immediately to continue enjoying our services.

Buwiset! Globe lang pala! Makaihi na nga!

Malapit na ako sa banyo nang tumunog na naman ito.

"Ah, ito na!" Nagmadali akong kunin 'yong phone para i-check 'yong text.

From: Unknown Number

Message:

Kmusta n? Ito n new r0aming num ko. l0adan mu ng 300 l0ad ang num n2 pra mtwagan k0 ky0 jn. Slmat ingat ky0 lge.

Sa sobrang irita ko ay pinatulan ko 'yong scam text.

Cherry:

Kumusta na ko? Hindi ako okay! Sa sobrang stressed ko ay kaya kong mangudngod ng mukha ng scammer 😡 

Ihing-ihi na ako at patakbo na sa banyo nang biglang tumunog na naman ang phone ko. Nakita kong unknown number ulit kaya nagreply agad ako bago basahin 'yong text. Most likely ay 'yong scammer na naman.

Cherry:

GUSTO MO TALAGANG MANGUDNGOD?!

Nag-reply agad sa akin 'yong unknown number.

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon