✦✧✦
KYLE
"Five years ago, my brother Kyle died." I told her in a dry, flat voice.
Nakatingin lang sa akin si Sharky, at kitang-kita sa mga mata niya ang pag-aalala. I tried to smile, albeit bitterly, as I told her the story about me and my brother.
***
In the past, my brother and I were inseperable. We were like two peas in a pod, always doing everything together. Lagi kaming magkadikit at hindi mapaghiwalay. Noong mga bati pa kami, kahit magkahiwalay ang aming mga kuwarto ay pumupunta ako sa kaniyang silid para makitulog.
Hindi nawala ang aming pagiging malapit sa isa't isa kahit hanggang makarating kami ng high school. Isang taon lang ang pagitan naming dalawa. We were so close, both in appearance and age, that relatives always mistook us for each other.
Masaya ako tuwing kasama siya, ngunit hindi ko rin mapigilang makaramdam ng pait dahil madalas akong ikumpara sa kaniya.
"Buti pa si Kyle! Napakagaling sa lahat ng bagay. Matataas ang grades, magaling sa basketball, at marunong pang magpiloto! Dapat gayahin mo ang kuya mo!"
"Bakit hindi ka naging katulad ni Kyle? Tinitingala siya ng lahat. Samantalang ikaw, ano na ba ang achievements mo?"
"Kyle! Napakaguwapo, talino, at husay mo. Bata ka pa lang pero rising MVP ka na at pinag-aagawan ng mga university para isali sa team nila. Sayang... hindi naging kasinggaling mo ang kapatid mo."
Iyan ang mga naririnig ko tuwing magkasama kaming dalawa. Kahit mismong mga magulang namin ay ganiyan din magsalita. Ngunit kahit kailan ay hindi ako nagtanim ng galit sa kapatid ko. Lagi niya rin akong inaaliw kapag nakikita niyang malungkot ako.
"'Wag mo silang pakinggan!" parati niyang sinasabi sa 'kin noon. "Ikaw ang the best na kapatid." Nakangiti siya nang malaki at sinusubukan akong pangitiin.
"Malamang, ako lang naman ang kapatid mo, eh," pagbara ko sa kaniya. "Kuya Kyle, kailangan mo ba talagang lumipad papunta sa Maynila? Masaya naman tayo rito sa Pampanga."
"Naroon ang mga university na nag-scout sa 'kin. Gusto ko ring mas gumaling pa lalo sa basketball kaya kailangan ko doon mag-aral at tumira." Hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang aking buhok. "Alam kong mami-miss mo ako. Puwede mong gamitin ang kuwarto ko at doon matulog."
Dumating na ang araw ng paglisan niya papunta sa Maynila. Sasakay sila ng helicopter para mas mabilis ang biyahe.
Pinag-isipan kong maigi ang mangyayari sa buhay ko kapag naiwan ako kasama ng mga magulang ko at wala si kuya. It would be like living in hell. Araw-araw ay ikukumpara lang nila ako kay Kyle at maririndi lang ako. Hindi magiging masaya ang buhay ko.
"Kuya! Saglit! Hintayin niyo 'ko!" Kaya naman noong araw rin na iyon, lumitaw ako na may dalang malaking maleta at tumakbo papunta sa helicopter nila. "Sasama ako!"
Nagulat sa 'kin si Kyle na naka-angkas na sa helicopter. "Alam ba 'to nina Mommy at Daddy?" tanong niya sa 'kin.
"Tumakas lang ako, pero wala akong paki. Gusto kong sumama sa 'yo, Kuya!"
Ngumiti siya sa 'kin at tinulungan akong makasampa sa helicopter. Ang mga kasama lang namin ay ang piloto, at ang mayordomo namin na si Steve.
"Magandang umaga sa inyo, Master. Maluwag naman ang helicopter. Sit back and enjoy your flight," ani Steve sa akin. Siya lang ang tanging naging mabait sa akin maliban sa kuya ko. Lahat sila ay lagi akong nilalait at minamaliit.
![](https://img.wattpad.com/cover/38321-288-k298788.jpg)
BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...