Chapter 10: Good Morning Call

28.3K 1K 54
                                    


✦✧✦

CHERRY



Sumakay na ulit kami sa kotse ni Denz dahil ihahatid na kami pauwi. Habang nasa biyahe, panay tingin ko kay Kyle. Ang iingay ng iba pero siya lang ang tahimik. Nagbabasa siya ng libro habang nakikinig ng iPod.

Bakit kaya tinatanggi niya na nagka-girlfriend na siya? Napalingon naman ako kay Denz. Sigurado naman akong hindi nagsisinungaling si Denz. Alam kong totoo ang mga sinabi niya.

Naalala ko 'yong babae na pinuntahan ni Kyle bago ang laban ng Giants at Sharks. Hindi kaya siya ang ex ni Kyle?

"Narito na po tayo." Inihinto na ng driver ang kotse sa may gate namin.

"Paalam, Cherry!"

"See you next time!"

"Bye bye, Cherrypie!"

Lumabas na ako ng kotse. Nagpaalam na ako sa kanila at pinilit kong ngumiti. Nang mawala na 'yong kotse, dire-diretso akong tumakbo sa loob ng bahay. Umakyat agad ako sa kwarto at nagkulong.

Saka ako sumigaw nang malakas. "Kyle, ano ba'ng pakialam ko sa 'yo? Bakit ba ako affected masyado? Nakakainis!"

***

Inaantok pa 'ko nang mag-ring ang phone ko. "Sino 'to?"

Linggong-linggo, may tumatawag sa 'kin nang umaga.

"Cherrypie!"

Nagising ako bigla sa huwisyo nang marinig ang boses sa kabilang linya. "A-Anlex?"

"Narito kami sa labas ng bahay mo!"

"What?" Pumunta agad ako sa bintana. Shit. Narito nga sila. "Ano'ng ginagawa niyo rito?"

"Akin na nga yan!" Biglang may kumuha ng phone mula kay Anlex. "Hello? Cherry?"

"Nikko?"

"Nabosesan mo 'ko!" he rejoiced.

"Tsk! Akin na nga yan!" May umagaw na naman ng phone.

"Tobin, bakit kayo narito?" Gusto ko lang namang sagutin nila ang tanong ko.

"Hehehe!" tawa niya.

"'Wag mo ngang takutin si Cherry!" Ibang boses na naman ang narinig ko. "Good morning, pretty."

"Joon, let me guess, kailangan lahat kayo makausap ko muna bago ko malaman kung bakit kayo narito?" I squinted my eyes in disbelief.

"Haha. Ang galing mo talaga." Hindi niya naman tinanggi.

I sighed. "Ang lakas ng trip niyo! Bilis, ipasa mo na agad sa iba."

Iyong sunod kong nakausap ay tila nag-aalinlangan pa. "Uhm, uhh..."

"Kung wala kang sasabihin, ipasa mo na agad sa iba, Gin."

"Wah! Nabosesan mo 'ko!" he cheered. Siya lang yata 'yong masayang nagpasa sa iba ng phone.

"Yo!" bati ng kasunod.

"Yo, Denz."

"Haha. Ang galing mo talaga, Cherry. Lahat kami nabosesan mo. Sige, ipapasa ko na 'to." I can hear him smiling from the other line.

Hay naku. Ilan na ba 'yong nakausap ko?

Nagbilang ako sa kamay—anim na. Sa wakas, isa na lang at tapos na 'tong kalokohang 'to.

Teka, sino na nga lang ba ang hindi ko pa nakakausap?

"Hello."

Bigla kong binaba 'yong phone.

Oh no. Bakit ko binabaan si Kyle? Baka kung ano'ng isipin niya! Sumilip ako sa bintana para tingnan kung ano'ng reaksyon niya.

No'ng tumingin ako, tumingin din siya sa 'kin. Lumayo agad ako sa bintana at rumolyo sa sahig. Ano ba'ng nangyayari sa 'kin? Tila ako nasapian ng malanding espiritu.

Nag-ring ulit 'yong telepono at kinakabahan akong sagutin ito. "H-Hello?" I asked, holding my palpitating chest.

"Uy, okay ka lang?"

"Denz!" Napahiyaw ako.

"Oh, bakit parang hindi ka yata masaya na boses ko ang narinig mo?" Dinig ko ang ngisi niya sa kabilang linya.

"H-Hindi naman sa gano'n!" aniko habang pinagsasampal ang pisngi ko.

"Haha! Napakadali mo talagang basahin, Cherry," tawa ni Denz.

"What? Puwede ba, hindi mo 'ko kayang i-judge." I hissed.

"Tulad ng sabi ko sa 'yo, kabisado ko na kayong mga babae. Nakasampung girlfriends na 'ko," pagyayabang niya.

"So ano'ng gusto mo, bigyan kita ng award?" Kahit hindi niya kita ay inangatan ko siya ng kilay.

"Hindi na kailangan," sambit niya. "Naalala mo 'yong tungkol sa mga dress? Ako ang nanalo, 'di ba?"

Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan ang tungkol do'n. "Ah... Ano pala'ng meron?"

"Dahil ako ang nanalo..." Halos malaglag ko 'yong phone sa sunod na sinabi niya. "Makaka-holding hands kita sa date."

"Say what? Hindi puwede! Virgin pa 'yong kamay ko!" reklamo ko habang nakatingin sa makinis kong palad.

"Ikaw naman, parang holding hands lang." Nanukso na naman bigla si Denz, "Dapat talaga 'yong dress niya na lang 'yong pinili mo. Para siya 'yong maka-holding hands mo."

"No way!" Talaga namang nagwala ako sa telepeno. "'Wag na, 'no! Ikaw na! Ikaw na lang! 'Wag lang siya!"

"Ha-ha! O ayan, napapayag na rin kita."

Aba, naisahan ako ni Denz doon ah.

"So pa'no ba 'yan, nakabihis ka na ba?" he asked, as if I shouldn't be surprised.

"Huh? Nakabihis for what?"

"Ngayon na ang date, Miss Verzosa." Denz's voice turned a little teasing. "Suotin mo 'yong dress na bigay ko, ha?"

***

Lumapit ako sa cabinet at binuksan ko ang pintuan. Naroon 'yong Sunday dress na pinili ni Denz.

Deep inside, medyo na-excite ako. Saan kaya kami pupunta at ano kaya'ng mga mangyayari? Napapangiti ako kapag iniisip ko. Masaya kasi silang kasama, at tiyak na magiging memorable ito.

Naisip ko na naman si Kyle at nahuli kong namumula ako sa salamin. Umiling na lang ako at dali-daling kinuha 'yong bestida. Tinapat ko ito sa katawan ko.

In fairness, maganda rin ang isang 'to. Magaling talagang pumili si Denz. Tulad nga ng lagi niyang sinasabi, kabisado niya nga siguro ang mga babae.




#WillYouGoOutWithUs

#WYGOWU

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon