✦✧✦
CHERRY
My face was burning red.
I couldn't believe that a snobbish and arrogant guy like Kyle André Razon can actually look this soft and caring. That he actually cares for the important things such as a girl's consent.
I wasn't prepared for this good guy Kyle act, that it caught me off guard and I wasn't able to respond for a few seconds.
"Okay, then. We can give you time to think." He took his hand back after it was left hanging. I didn't know why that simple act of taking his hand away tugged at my heart. Like I was suddenly regretting what might be the only chance of experiencing how his touch would feel like.
"Cherry." Tinawag ako ng boses ni Denz. "We'll wait for your last class. But do you want to come with us later?"
"S-Saan tayo pupunta?"
Ngumiti lamang si Denz at nagsabing, "Sa bahay ko."
***
Habang nasa klase ay sumisilip ako sa may bintana para pagmasdan silang pito na nakatambay sa quadrangle. Maraming mga estudyante na lumalapit sa kanila para magpa-picture.
Napaisip ako sa alok ni Denz kanina. Nagulat ako, pero at the same time, curious akong malaman kung ano ang hitsura ng bahay nila.
At isa pa...
Hindi ko mapigilan ang pananabik na makasama ulit ang makukulit na Green Giants at makilala pa sila.
Pagkatapos ng klase, natagpuan ko ang sarili kong nagmamadali at tumatakbo papunta sa quadrangle. Bago tuluyang lumapit sa kanila ay nagtago muna ako sa likuran ng isang poste para ayusin ang buhok ko at tingnan sa salamin kung maayos ba ang mukha ko.
"Hindi na magbabago 'yan," someone whispered in my ear. Lumitaw ang mukha ni Kyle sa salaming hawak ko.
Talaga namang napahiyaw ako sa gulat at hiya!
"Cherry! Ano, let's go?" yaya ni Joon na nakaakbay kay Tobin.
Shyly, I nodded my head and smiled. "Let's go."
***
Kinailangan naming maghiwalay sa dalawang kotse dahil hindi kami kasya sa isa. Most of us went with Denz in his seven-seater Alphard, while Tobin rode with Joon in his Volvo.
May halos kalahating oras din ang biyahe bago huminto ang kotse. Narito na yata kami. Pagkababa ko pa lang, hindi na agad ako makahinga. Ang laki—as in ang laki ng bahay nina Denz!
"We're here." Denz directed us towards the gate.
Pagkapasok ay tila nasilaw ang mga mata ko. Puno ang kisame ng mga naglalakihang aranya. Ang kahabaan ng sahig ay natatakpan ng malambot na carpet. The overall design is a hybrid between eclectic and mid-century modern.
"Uh, Denz?" nahihiyang tanong ko.
"Yup?"
"Puwede niyo ba 'kong ampunin?"
Natawa na lamang si Denz sa aking hirit. Pagkarating sa living room ay sumalubong sa amin ang iba't ibang klase ng sofa na may matitingkad na kulay.
"Dito ka lang. May kukunin lang kami," bilin sa 'kin ni Nikko. "Maupo ka muna sa sofa."
"Uhm, okay." Sinunod ko ang sinabi ni Nikko. Ano kaya'ng binabalak ng mga 'to?
Umalis na silang pito at naiwan akong mag-isa rito. Pag-upo ko sa sofa, para akong nasa heaven. Ang lambot-lambot naman ng sofa na 'to. Grabe, puwede na 'kong tumira rito sa sofa.
Hindi ko namalayan kung gaano sila katagal nawala dahil na-enjoy ko ang paghiga sa napakalambot na sofa nina Denz.
"Narito na kami! Thanks for waiting!" sabik na hiyaw ni Gin.
And to my surprise, lahat sila ay may hawak na iba't ibang klase ng mga damit na pambabae.
"You have to choose one among these clothes. Iyon ang isusuot mo para sa date natin," ani Kyle.
Something about the way he used those words kind of triggered my heart to react. Date natin. My lips curled to distract me from my thoughts.
"Kami mismo ang pumili ng bawat damit na hawak namin." Gin was looking very proud.
"At may special prize para sa nakapili ng magugustuhan mong damit," Nikko added.
"Kung ano ang damit na hawak namin, 'yon ang gusto naming makita na suot mo, Cherry," dagdag ni Tobin.
Tiningnan ko ang mga damit na hawak nila. Actually, sa lahat ng hawak nilang mga damit, iyong kay Kyle talaga ang pinakanagustuhan ko. Isa siyang puting bestida na napaka-eleganteng tingnan.
"Oy, bilisan mo namang pumili," inip na sabi ni Kyle.
Hay, perpekto na sana ang puting bestida na iyon. Kaso lamang ay jerk ang may hawak!
Kahit anong masid ang gawin ko sa mga hawak nilang damit, bumabalik pa rin ang tingin ko sa hawak ni Kyle.
"Okay, I have made up my mind."
#WillYouGoOutWithUs
#WYGOWU
![](https://img.wattpad.com/cover/38321-288-k298788.jpg)
BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...