✦✧✦CHERRY
"Ma! Alis na po ako, ah! Manonood ako ng game!"
"O sige anak, ingat ka ah! Sana manalo kayo!"
"Sige po, bye!"
Umalis na ako ng bahay at sumakay ng LRT papunta sa Araneta. I'm so excited for this game. Finals na ng AAUP, ang yearly sports championship games ng iba't ibang mga unibersidad.
Ako si Cherry An Versoza. Nakasuot ako ngayon ng green cap, green shirt, at may dala akong green banderitas. Why? Ako na yata ang number one fan ng Green Giants, ang basketball team ng aming rival school, ang Gokongwei University.
Habang nasa tren, hindi ko mapigilang mapangiti habang inaalala ang mga nangyari rito. Dito ko unang nakilala ang mga makukulit na Green Giants. Dito ko rin nakilala ang taong 'di ko akalaing mamahalin ako.
Tumunog na ang signal ng LRT para ipaalam sa mga pasahero na magsasara na ang mga pinto. Paalis na ang tren nang biglang may isang lalakeng isiningit ang katawan niya para makahabol ng sakay. Late na siguro 'to. Nagkibit-balikat lamang ako at kumapit na lamang sa manipis na poste.
Wait lang. Napalingon ulit ako roon sa lalakeng pumasok. Nakakapit siya sa mga tuhod niya at hinihingal, halatang hinabol niya ang pagsakay sa tren. Nagmamalik-mata ba ako? Nakasuot siya ng number seven jersey ng Green Giants.
He looked up at me ang smiled while he's still panting. Naglakad siya palapit sa'kin at kumapit rin sa posteng hinahawakan ko. Nakipagtitigan siya sa'kin.
"May naliligaw yata rito?" I remarked, raising my brow. "Bakit narito ang captain ng Green Giants, eh may laban na siya mamaya? Bakit 'di siya nakasakay sa private bus nila?"
"Tumakbo ako rito kasi late na ako," sagot niya.
"Oo. Late ka na talaga sa game niyo!" I frowned at him.
"Nope. Iba 'yung hinabol ko. Muntik na 'kong ma-late para rito." He tilted my chin upwards and kissed me.
Tinulak ko naman siya agad dahil pinagtinginan kami ng mga nakasakay sa tren. "Hoy, Bastiel! Finals niyo na, lumalandi ka pa!"
He brushed up his hair and smirked. "Kaya nga. Finals na mamaya kaya I need my good luck kiss. I wouldn't miss your lips for anything."
Siyempre kinilig ako, isa lang naman akong simpleng dalagang Pilipina na may pusong marupok. "Baliw ka, Bastiel. Nasa'n na 'yung mga ka-team mo?"
"Nakasakay sila sa private bus. Bumaba ako nang mabasa ang text mo na kakarating mo lang sa LRT station. Galit na galit nga si Miss Shirley, eh." Natatawa siya habang kinukuwento.
"Bumaba ka ng bus at sumakay ng LRT para lang sa'kin?" Napalakas ang sigaw ko dahil sa sobrang gulat.
"Oo. Bumaba ako ng bus at sumakay ng LRT para lang dito." He pulled me closer and kissed me again.
"Arriving at V. Mapa station. Paparating na sa V. Mapa station."
"Sharky, can you please kiss me hanggang sa makarating tayo sa Araneta?" he requested while tracing the length of my lips with his finger.
"Wala ka talagang paki kahit maraming tao?"
"Wala akong paki sa kahit sinong tao." Naramdaman ko ang braso niyang pumunta sa likod ko at hinila niya ako palapit sa katawan niya.
"Arriving at J. Ruiz station. Paparating na sa J. Ruiz station."
Nagtama ang mga labi naming dalawa. Hinding-hindi ako magsasawa sa lambot at tamis ng mga halik ni Bastiel. I can have it for breakfast, lunch, and dinner every day.
"Arriving at Gilmore station. Paparating na sa Gilmore station."
Panay kuha na ng picture at video ng mga tao sa paligid namin. Ngunit tulad ng sinabi ni Bastiel, wala na kaming paki. I am too focused on the guy who's holding me close to him.
"Lalaban pa ba 'ko? Parang nanalo na 'ko eh," nakangiti niyang bulong sa pagitan ng mga halik namin.
"Lumaban ka. Sayang bayad ko sa ticket!" biro ko sa kaniya.
"Arriving at Betty Go-Belmonte station. Paparating na sa Betty Go-Belmonte station."
I broke our kiss and cupped his face. "Malapit na tayo."
Umiling siya at hinatak muli ako. "Gusto kong sulitin hanggang sa makarating tayo."
He kissed me and wrapped both his arms around my body. Nakakapit ako sa mga balikat ni Bastiel at nakasandal sa manipis na poste sa gitna ng tren. 'Yung isang kamay niya lang ang tanging nakakapit at sumusuporta sa'min para hindi kami mabuwal.
"Arriving at Araneta Center Cubao station. Paparating na sa Araneta Center Cubao station."
Naglabasan na ang maraming tao at naiwan kami sa loob. "Hoy, dito na tayo!" Pinipisil ko na ang tagiliran niya para tumigil siya.
"May ten seconds pa 'ko, hintayin nating matapos 'yung tunog ng tren." He bit his lip and smiled.
"Ano?" sigaw ko.
Tumunog na nga 'yung tren. This stubborn captain still kept on kissing me until the beeping sound stopped. Narinig na naming gumalaw 'yung pintuan ng tren kaya bigla kaming tumakbo at lumabas bago pa ito tuluyang magsara.
Pagkalabas ay hingal na hingal kami, dahil sa pagtakbo at dahil sa sobrang tagal naming magkahalikan.
"Bastiel! Si Bastiel!" hiyaw ng mga fans na nasa istasyon na nakakita sa kaniya. "Narito si Captain Bastiel!"
Hinawakan niya ang kamay ko at dire-diretso kaming naglakad. Hinahatak niya ako habang umiiwas sa pagdumog ng mga fans.
While running hand in hand with Bastiel, I couldn't help but smile. Everyone now knows him as Bastiel and not Kyle. Sa wakas, nakilala na ng mga tao ang masungit na captain ng Green Giants—none other than the person who scored my heart, Sebastiel André Razon.
***
THE END
Thank you for reading Will You Go Out With Us by irshwndy.
Please support this story by sharing and recommending it on Facebook or TikTok!
#WillYouGoOutWithUs will be a published book soon, coming this 2025. 🩵
Follow irshwndy on Facebook, X, and Instagram for the latest news and updates.
![](https://img.wattpad.com/cover/38321-288-k298788.jpg)
BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...