✦✧✦
CHERRY
May alas-nuwebe na rin yata ng gabi, at kaming dalawa lang ni Kyle ngayon sa playground.
His face was flushed after running a lot. Pinagpapawisan siya at medyo magulo pa ang buhok. Nakakapit ang dalawang palad niya sa mga tuhod habang hinihingal. Halatang nagmadali siyang pumunta rito. And lord help me, dahil sobrang gwapo niya. Mamula-mula pa ang mga pisngi niya.
Hindi nga nag-react si Kyle nang makita niya kami ni Loujay sa practice game nila, pero heto siya ngayon at hingal na hingal sa kamamadaling makapunta sa playground. Yes, this was the reaction that I had been waiting for days. This was what my heart wanted, finally.
Malaki ang pasasalamat ko kay Denz sa pag-sponsor ng kilig ko ngayong gabi. I needed to thank him for being so... generous.
"K-Kyle..." nahihiya kong sabi.
Biglang umepal sa utak ko 'yong imahe kanina na may kasama siyang babae, kaya naman natauhan ako at umirap sa kaniya.
Umirap? Cherry, ano ba'ng ginawa niya sa 'yo para bigla siyang sungitan? Pinuntahan ka na nga, eh!
He walked towards me and aggressively grabbed the chains of the swing beside me. Ibinagsak niya ang katawan niya paupo rito at bumuga nang marahas na hininga. Oh no, mukhang sobrang napagod siya katatakbo.
"Do you need water or something?" tanong ko sa kaniya.
"Meron ka ba diyan?" sagot niya.
"Wala..."
Nanlisik ang mga mata niya. "Eh bakit nagtanong ka pa?"
"Sorry naman! At least concerned, 'di ba?" Nagsalubong ang mga kilay ko.
Umiwas kami ng tingin sa isa't isa at naging tahimik lang for about one whole minute. Sinilip ko siya mula sa gilid ng mga mata ko, at nakita kong malayo ang kaniyang tingin. Namumula pa rin siya, dahil ba sa pagtakbo, o...
"Is he your boyfriend?" he suddenly uttered, still in a breathless voice.
Nilalaro ko ang kadena ng duyan habang nahihiyang sumagot sa kaniya. "He was. Wala na kami, kani-kanina lang."
"Guess he didn't know that a shark could bite back, huh?" aniya.
Tiningnan ko siya nang masama at natawa lang siya. I rolled my eyes in response.
"I guess sharks can be picky when it comes to a relationship," he smiled, "Tama 'yan. Be picky."
Nag-init ang mga pisngi ko. Hindi ko alam kung masiyado lang akong assuming para bigyan ng meaning ang sinabi niyang maging picky ako.
"Eh ikaw ba?" I gulped. "Picky ka rin ba sa babae?"
"Huh? Ha-ha. Wala akong panahon sa mga 'yan," sagot niya habang natatawa.
Ano raw? Walang panahon? Eh bakit may ka-date siya kanina?
"Sus! If I know, baka may dyowa ka na pala, 'di mo lang sinasabi." I gave him the side-eye, while trying to fish for an answer.
"Wala akong girlfriend—or dyowa, for that matter." Idinuyan niya ang swing habang nakatago ang mga kamay niya sa loob ng magkabilang bulsa ng suot niyang hoodie. "I need to focus on more important things."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya dahil wala raw siyang girlfriend, o kung maiinis ba ako dahil itinatanggi niya 'yong fact na may humalik sa kaniya kanina.
My heart was growing uneasy, so I decided to call him out. "Nakita kitang may ka-date sa mall."
Nanlaki ang mga mata niya at napatigil siya sa pagduyan. Tumingin siya sa 'kin at bakas ang gulat sa mukha niya. "You were there when I was with Sally?"
Kumirot ang puso ko nang banggitin niya ang pangalan na 'yon. I was right. "See? Wala nga akong sinasabing pangalan, eh. Buking ka tuloy." Umakto ako na parang inaasar ko siya, pero hindi maitago ng nanginginig na boses ko ang aking pagseselos.
Yumuko lang siya at tumingin sa sahig. "She's... not mine."
Tumaas ang mga kilay ko sa pagtataka. Kakaiba kasi ang ang pagkakasabi niya. Imbes kasi na 'she's not my girlfriend' ay 'she's not mine' ang ginamit niyang mga salita. Something about his choice of words was tickling the back of my brain.
I stretched my feet and wiggled my toes, trying to distract myself from asking any further. Tutal, hindi naman siya obligadong magkuwento sa 'kin tungkol sa personal life niya. Isa pa, ayoko nang masiyadong umusisa dahil baka mas lalo lang akong masaktan kapag pinagpatuloy ko pa ang pagtatanong.
Lihim yata kaming nagkasundo dahil binago niya rin ang topic. "Remember the selfies I saw on your phone?"
Na-activate ulit ang puso ko nang ipaalala niya 'yong moment namin sa hardin, kung saan inamin ni Kyle na tiningnan niya ang photos ko sa phone.
"W-What about it?" I asked, blushing.
"Can I see them again..." Lumingon siya sa akin at tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata. "But for real, this time?"
I couldn't contain the sudden flutter in my chest when he said that. "P-Pano'ng for real?" I stuttered.
"Gusto kong makita 'yong itsura mo kapag bagong gising at walang makeup." Nakita kong seryoso ang mga mata niya habang nagsasalita. "Tulad ng mga nasa selfies mo."
Sa sobrang pamumula ng mukha ko ay tumingin ako sa kabilang gawi para itago ito. "Pero sa bahay lang ako gano'n. Hindi ako lumalabas nang walang makeup."
Halos tumalon ang puso ko nang hawakan niya ang mga kadena ng swing na inuupuan ko at hinatak ito palapit sa kaniya, forcing me to face him again.
"Then show me," aniya. "Show me what you look like kapag nasa bahay ka lang."
My heart was already palpitating, and my whole face was heating up. "How?" mahina kong bulong.
Lumapit ang mga daliri niya sa mukha ko, at hinawakan niya ang ilang hibla ng buhok sa gilid ng pisngi ko. He ran his fingers downwards, reaching the ends of my hair.
"Take me to your house, and show me the bare you."
#WillYouGoOutWithUs
#WYGOWU
![](https://img.wattpad.com/cover/38321-288-k298788.jpg)
BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...