Chapter 9: Choices and Questions

27.7K 1K 265
                                    



✦✧✦

CHERRY


"Okay, I have made up my mind," I said after deliberating. "Ang napili kong damit ay..."

"Baka puwede mo namang bilisan?" masungit na hirit ni Kyle.

Epal ka talaga, Kyle. Hinding-hindi ko pipiliin 'yang sa 'yo!

"Iyong Sunday dress ni Denz!" I suddenly decided on the spot.

Even Denz himself was surprised.

Because while I was pointing at the yellow Sunday dress he was holding...

My eyes were glaring at Kyle.

Which the Green Giants Captain replied to with a slow-rising smirk.

We were eight people in the room. But it might as well be just Kyle and I the way our eyes were glued and focused on each other's.

Biglang dumating ang isa sa mga butler ni Denz. "Sir Denz, nakahanda na po ang pagkain."

"Pagkain?" I repeated, shaking away whatever tension was about to brew.

"Siyempre. Ang mga bisita, dapat pinapakain." Denz just winked. "Kuya Jerry, ano ba'ng ulam natin?"

"Marami, Sir Denz, Isa na rito 'yong paborito ng team. Iyong Hainanese Chicken Rice."

"Hainanese Chicken Rice?!" sabay-sabay nilang sigaw. Biglang nabuhayan silang lahat ng loob. Iniwan na nila ang mga hawak na damit sa malapit na sofa at nagsitakbuhan papunta sa kusina.

***

Pagkarating sa kainan, nakahilera ang mga pagkain. Ang dami, parang may fiesta! Doon sa gitnang-gitna ay iyong sinasabi nilang Hainanese Chicken Rice na paborito ng team.

Nakaupo na kaming lahat. May kaniya-kaniyang hawak na tinidor at kutsilyo 'yong boys at nakalawit na ang mga dila nila. Grabe, nasa zoo ba 'ko?

"Kainan na! Una na 'ko!"

"Oy! Oy! Oy! Ako muna sa Chicken Rice!"

"'Wag niyo 'kong ubusan!"

Nagkakagulo sila nang biglang sumigaw nang malakas si Gin. "Waaait!"

Napatigil ang lahat at napatingin sa kaniya.

"Bago kumain, let's all pray first," aniya sabay pikit.

Nakita ko namang sumunod at pumikit din ang iba. Pero 'yong ilan tulad nina Tobin at Joon, dumidilat at sumisilip sa Chicken Rice.

"In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit—"

"Amen!" hiyaw nila Tobin at Joon. "Kainan na!"

Naiwan kami ni Gin na nakatunganga at nag-aalala dahil may minus points na kami sa langit.

"Wait! Wait!" Pinigilan agad sila ni Anlex.

"Ano na naman?" Kitang inip na inip na sina Joon.

"Dapat ang ating bisita muna ang unang titikim."

Lahat sila napatingin sa 'kin. "O-Okay lang, mauna na kayo!"

"Nakatikim ka na ba ng Chicken Rice?" tanong ni Kyle.

"Hindi pa..." nahihiya kong sagot.

"Kung gano'n, dapat mo nang tikman, or you'll miss half of your life!" ani Nikko. "Malalaman mo kung bakit paborito 'yan ng Green Giants."

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon