✦✧✦
KYLE
Inalala ko ang mga nangyari kanina sa mess hall at 'yong sinabi sa akin ni Joon. 'Captain, mag-sorry ka!'
Hindi maalis sa utak ko ang inis sa mukha ni Cherry. Kaya pagdating ng hapon nang makabalik kami sa kuwarto ng Green Giants ay 'di ko mapigilang tanungin ang team.
"Uy Nikko, tutal ikaw 'yong pinakamatino sa mga 'to, ano sa tingin mo... Kailangan ko ba talagang mag-sorry?"
"Naku Captain, outside na ng boundaries ng knowledge ko 'yang mga emosyon ng mga babae. Si Denz ang expert pagdating sa mga ganiyan," payo niya sa 'kin.
Umupo ako sa may paanan ng kama ni Denz habang nag-aayos siya ng mga gamit. I asked him the same question.
Tawa ang unang sagot na nakuha ko mula sa kaniya. "Ha-ha! Iba 'to, Captain, ah? Si Kyle André Razon, humihingi ng advice sa babae?"
"Sagutin mo na lang, Denz. Hindi ko na sisingilin 'yong utang mong five hundred. Bilis na," pilit ko sa kaniya.
Nakuha ko yata ang interes niya at sinagot na niya ako nang matino. "Piso lang naman sa 'yo 'yang limang daan, eh. Pero dahil minsan ka lang humingi ng advice, sige."
Maya-maya lamang ay lumapit na ang buong team upang makinig sa payo ni Denz. 'Di ko alam kung sadyang mga tsismoso lang ba ang mga ito, dahil sigurado akong hindi na nila kailangan ng advice sa dami nilang mga naging girlfriend.
"Medyo marupok ang mga puso ng mga babae, tandaan mo 'yan. Ang sa tingin nating maliit na bagay lang ay maaaring big deal na pala sa kanila, tulad ng pagkalimot sa monthsary. Kaya dapat Kyle, bumawi ka nang malupet kay Cherry." Nakisawsaw naman bigla 'yong iba at humiyat na rin sa akin.
"Dapat, bigyan mo siya ng flowers!" ani Joon.
"Iyong boket dapat para mas romantic," dagdag ni Tobin.
"Bo-key kasi ang basa doon, Tobin!" pagtama ni Nikko sa kaniya.
"Alam ko, nagbibiro lang ako para mapatawa si Captain! Hmph!"
Nakisali naman si Anlex. "O kaya ibigay mo sa 'kin 'yong flowers, tapos ako ang magbibigay kay Cherry!"
Nagtaas ng kamay si Gin at nagsalita na rin. "Baka naman mas gusto niya ng stuffed toy kaysa flowers?"
"Oy, Baby Gin. Si Cherry kasi ang hinihingan ng tawad, hindi ikaw!" hirit sabay kurot ni Joon sa pisngi ni Gin.
Napabuntong-hininga ako nang malakas dahil sa mga suhestiyon nila. "Flowers? Kailangan ba talaga no'n? Sinauli ko na nga sa kaniya 'yong phone niya, eh. Dapat nga, magpasalamat pa siya."
"Tsk, tsk, tsk." Na-disappoint yata sila sa akin at nagsilayuan sila bigla para bumalik sa mga kaniya-kaniya nilang ginagawa.
"Ugh, fine!"
***
Heto ako ngayon at naghahanap ng bukas na tindahan ng mga bulaklak nang dis-oras ng gabi.
"Kuya, last na! Subukan po natin 'yong do'n sa may isa pang kanto."
"S-Sir Kyle, medyo nagdidilim na po, ah."
Nakasakay ako sa passenger's seat ng isa sa mga service van ng training camp, pero nasa labas na kami ng Tagaytay Highlands.
Nahirapan kaming maghanap ng mabibilhan dahil sadyang malayo sa kabihasnan ang training camp. Ilang oras na rin kaming panay ikot ng driver pero wala kaming makita.
![](https://img.wattpad.com/cover/38321-288-k298788.jpg)
BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...