Disclaimer:
The names of characters, teams, schools, and any other names mentioned in this story are entirely fictional. Any similarity to actual names, teams, schools, and events in real life is unintentional and purely coincidental. Please be advised that everything written here is fiction.
***
PROLOGUE
✦✧✦
KYLE
"Hoy! Ipasa mo rito!"
"Dito! Sa 'kin naman 'yong bola!"
"Hahaha! Heto, saluhin mo!"
Ang iingay nila. Talagang sabik na sabik maglaro ng basketball. Ang problema nga lang, wala sila sa court. Nasa loob kami ngayon ng isang bus at papunta kami sa next na laban namin sa Araneta.
"Tobin! Anlex! Denz! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na bawal maglaro ng bola rito sa loob ng bus? Paano kung matamaan niyo 'yong bintana?" sigaw ng manager namin na si Miss Shirley.
Nagtawanan lang 'yong tatlo pero tumigil na rin sa paglaro. Umupo na silang tatlo nang maayos at itinago na ni Anlex ang bola.
"Captain Kyle André Razon..." Umakbay sa akin si Tobin. "Ang tahimik mo naman, Cap!"
Inalis ko naman ang kamay niya. "'Wag mo 'kong istorbohin."
Ganito lagi ang eksena namin sa loob ng aming private bus. Nagkakagulo sila, samantalang ako, nakaupo lang sa isang tabi—nakikinig ng iPod at nagbabasa ng libro.
Ilang sandali lang, nakalabas na ang private bus namin sa gate at tumigil sandali sa harap ng entrance. Nagtilian agad ang mga estudyante.
"Ah! Narito 'yong bus! 'Yong bus ng Green Giants!"
"Oo nga! Tobin! Tobin!"
"Mas guwapo si Denz! Denz, good luck sa laban!"
Itinaas ni Tobin ang bintana niya at kumaway sa mga babae. "Hi, girls!"
Sinundan naman ni Anlex si Tobin at nagpakita rin sa bintana. "Anlex the Cutie is in the house, yo!"
"Anlex! We love you!"
Sumunod naman si Denz. "Denz here! Present!" aniya sabay taas ng kamay.
"Denz! Mahal ka namin!"
Panay picture at tilian ng mga nasa labas. Nilakasan ko ang volume ng iPod ko para hindi sila marinig.
"Uy, Kyle! Hinahanap ka nila! Bakit ka raw nawawala?" Tinawag ako ni Anlex.
"Oo nga. Batiin mo naman 'yong fans mo," malumanay na sabi ni Denz.
"I'm not in the mood," sagot ko sa kanila sabay takip ng libro sa mukha.
Sikat kami sa buong university namin at sa lahat ng mga sumusubaybay sa Athletic Association of Universities in the Philippines o AAUP. Kami kasi lagi ang champion halos kada taon. Kami ang Green Giants, ang basketball team ng Gokongwei University. Meron kaming private bus na sinasakyan kapag pupunta sa mga laban.
BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...