Chapter 29: Who's That Girl

12K 655 239
                                    



✦✧✦

CHERRY


"Faith! Wala, walang-wala!" Narito ako sa loob ng banyo at nag-eeskandalo. Kausap ko ang best friend ko sa phone.

"Ano'ng wala? Hinaan ko lang volume ng call, ang lakas kasi ng mga daing mo," reklamo sa 'kin ng best friend ko.

"Sabi mo tingnan ko kung may reaksyon, 'di ba? Wala. As in zero!" hagulgol ko. "Ni hindi man lang magawang tumingin sa 'kin ni Kyle."

"Hmmm, maybe that's actually his reaction?" paliwanag ni Faith/ "Baka naman kaya hindi siya makatingin, kasi ayaw niyang nakikitang may kasama kang iba?"

Muntik ko nang mahulog ang phone ko sa kubeta nang marinig iyon.

Sininghot ko ang sipon kong tumutulo kakaiyak at napangiti. "Talaga, Faith? Feeling mo crush niya rin ako?"

Tumawa lang si Faith. "OA ka, Cherry! Wala akong sinabing crush ka niya, pero sige kung 'yan ang magpapasaya sa 'yo, susuportahan kita."

"Bes naman kasi! Gulong-gulo na ako. One day sweet siya, next day biglang masungit naman." Napasinghal ako habang nagkukuwento. "Ang dami niyang mixed signals! Ano ba'ng gagawin ko—laban o bawi?"

Tumunog bigla ang phone ko at nakita kong may pinadalang screenshot sa 'kin si Faith. "Wanna meet up and find out?" aniya.

Pagbukas ko ng pinadala niya, nakita kong may nag-post na Green Giants fan ng larawan ni Kyle sa isang mall. Napa-zoom in ako kasi ang gwapo niya sa picture. Ano pa nga ba ang ginawa ko? Eh 'di sinave ko sa phone.

"Teka, what do you mean by meet up and find out?" balik ko kay Faith.

"Tara, punta tayo diyan sa mall kung nasa'n si Kyle. Wala rin akong magawa today, eh. Magbihis ka na!" Pagkasabi no'n ay ibinaba niya na ang tawag.

Nakatunganga lang ako roon sa banyo, ni hindi man lang ako binigyan ng chance ni Faith na tumanggi.

***

"Ano ba 'yan, para naman tayong stalker!" reklamo ko kay Faith, dahil parehas kaming nakasuot ng shades, face mask, at cap. Nakabantay kami kay Kyle na nakaupo lang five meters away from us sa Starbucks.

"Shhh!" ani Faith sabay lagay ng daliri niya sa bibig. "Huwag kang maingay para hindi tayo mahuli."

"Pero si Kyle, Starbucks? Parang wala sa personality niya," bulong ko kay Faith.

"Malayo mo, may hinihintay kasing dumating."

Kumirot bigla ang puso ko sa sinabi ni Faith. May kasama nga kaya siya? Lihim ay hinihiling ko na sana ay lalaki ang dumating.

Bumukas ang pintuan ng coffee shop at may babaeng pumasok. Maganda, kulot, at mukhang mahinhin. Pumintig bigla ang ugat sa sentido ko dahil nakaramdam ako bigla ng kaba.

She looks familiar, parang hindi ito ang unang beses na makita ko siya.

"Cherry! Cherry!" Panay hila ni Faith sa manggas ko habang tinuturo ang puwesto ni Kyle. Lumapit doon ang babaeng pumasok at tumabi ito sa kaniya.

Awtomatikong nagkatinginan kami ni Faith. Hindi kami nagsasalita pero nangungusap ang mga mata namin, halatang nagtataka kami parehas sa nangyayari sa harap namin. Tiningnan kong muli ang babaeng kasama ni Kyle.

A sharp pain shot through my heart when I finally realized where I saw her before. Siya 'yong babaeng pinuntahan ni Kyle noong una kong makilala ang Green Giants bago ang laban nila sa Blue Sharks. Siya rin ang author ng mga librong laging binabasa ni Kyle.

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon