✦✧✦
CHERRY
Hindi ko alam ang gagawin ko at kung saan ako titingin. Kapag lumingon ako sa likod, makikita ko si Kyle. Kapag naman humarap ako, makikita ko ang mga mukha ng ibang Green Giants.
Mukhang tama nga yata si Kyle, baka magka-stiff neck nga ako sa lagay na 'to!
"Ano'ng ginagawa mo rito? 'Di ko alam na player ka na pala ng Blue Sharks," hirit ni Kyle.
Nagpaapekto ako sa asar niya kaya napaharap ako bigla sa kaniya. But wrong move—dahil napakalapit niya pala.
Umatras ako nang kaunti at nauntog sa puno na tinataguan ko kanina. "Aray!"
"O, traveling ka. May offense ka na agad," dagdag na asar ni Kyle nang nakangisi pa. "Saka ba't ka naka-hairnet? Mascot ka ba ng Blue Sharks? Nasa'n ang costume mo?"
Who gave him the right to look this fucking handsome when he smirks? To still look so angelic while he teases me around?
Gaganti na sana ako ng suntok sa dibdib nang biglang may humawak sa ulo ko. Nasa tabi ko na pala si Denz.
"Captain naman, kakakita lang ulit natin kay Cherry after ilang weeks, inaaway mo na agad," natatawang sabi niya.
"Cherrypie! Long time no see!" Niyakap ako ni Baby Gin.
"Cherrylou! Bakit 'di mo kami ginising no'ng bumaba ka sa van! Hindi tuloy kami nakapagpaalam sa 'yo," iyak naman ni Anlex.
"Cherrycakes! Mas lalo ka yatang gumanda mula no'ng huli ka namang nakasama," banat ni Tobin.
Bakit pabago-bago ata 'yong pangalan ko sa mga 'to?
Lumapit na rin sina Nikko at bumati sa akin. "Happy to see you again, Cherrykin. Pero tulad nga ng sabi ni Captain, bakit ka napadpad dito sa training camp?"
"K-Kailangan ko nang bumalik!" Hindi ko na sila sinagot at kumaripas na ako papunta sa mess hall. Tinatawag nila ako ngunit hindi na kinaya ng loob kong lumingon sa kanila.
Alam kong sobrang na-miss ko sila dahil hindi ko sila nakita at nakausap nang matagal... pero iba pala ang pakiramdam kapag kaharap ko na mismo sila.
I might have been a bit rude, but my heart just couldn't take the impact of their sudden reappearance in my life.
***
"O, ready ka na ulit, Cherry?" Nagulat ako nang hawakan ako ni Tita Baby. Narito na ulit kami sa catering area at inihahanda na ang next batch ng mga pagkain.
Green Giants na ang sunod naming paghahandaan.
"Ready na po, Tita." Ready na nga ba talaga akong harapin sila?
Hinanap ko saglit ang phone ko para balitaan sina Jem at Laura tungkol sa Blue Sharks. Ise-send ko na rin sa kanila 'yong photo na kinuhanan ko kanina.
"Huh?"
"May problema ba, Cherry?" Napansin ni Tita Baby na hindi ako mapakali sa pagkapa ng bulsa ko.
Iyong phone ko, nawawala!
Kinuha ko agad ang bag na dala ko at hinanap doon, pero wala rin. "Tita Baby, hindi ko po makita ang phone ko. Nawawala po."
"Teka, gusto mo bang tawagan natin? May pang-miss call ako," suhestiyon ni Tita Baby.

BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...