Chapter 14: The Last Resort

24.2K 1K 208
                                    







✦✧✦

KYLE


Lahat kami ay nagtakbuhan papunta sa dulo ng talampas. Sinilip namin si Cherry na biglang tumalon sa dagat.

Teka, bakit hindi pa siya nakakaahon?

"Cherry! Cherry! Ayos ka lang ba?" Panay hiyaw ng mga kasama ko pero 'di pa rin namin nakikita ang katawan niya.

Tsk. Iba ang pakiramdam ko rito. Sinubukan kong alalahanin ang mga sinasabi niya mula kaninang umaga.

"Guys! Gusto niyo na bang mag-swimming?" yaya sa 'min ni Joon.

"P-Papanoorin ko na lang kayo," was her answer.

"Cherry! Marunong ka bang lumangoy?" tanong sa kaniya ni Anlex na hindi niya nasagot agad.

Naalala ko rin kung paano siya tumanggi sa alok namin na lumangoy.

"Ayoko nga! Ibig sabihin tatanggalin ko itong sweatshirt ko at makikita niyo ang katawan ko?"

Naalala ko ang mga malungkot niyang mga mata. "Sige lang, mag-enjoy lang kayo riyan. Babalik na lang ako sa hotel."

Realization crashed like a splash of cold water.

Sharky, don't tell me...

"Kyle? Bakit ganiyan ang mukha mo?" Denz was wondering.

Pinagmasdan ko ang nakalululang layo ng dagat mula sa tinatapakan kong lupa. Panandaliang nanlamig ang mga kamay at mga binti ko. Naramdaman ko ang pamumutla ng mukha ko.

For years, I have been scared of heights.

Ever since that incident...

I clenched my fists and gritted my teeth, steeling my heart.

But right now, she needs me.

I don't have time to be afraid. I have to forget my fears and save her.

Huminga ako nang malalim, inipon ang hangin sa 'king dibdib, at tumakbo papunta sa dulo ng talampas.

With a heart filled with a nauseous mix of courage and fear, I jumped.

"K-Kyle!" hiyaw nilang lahat.

***

Sharky, nasa'n ka na?

Sumisid ako pailalim at hinahanap si Cherry habang lumalangoy.

Ang dilim ng dagat lalo't gabi na, wala akong masyadong maaninag.

Hindi ko siya makita.

Tila nawawalan na ako ng pag-asa pero di ako puwedeng sumuko.

Hindi ko puwedeng pabayaan si Cherry.

Tsk! Nasa'n ka na ba, Sharky? Akala ko ba magaling ka? Akala ko ba matapang ka?

Hindi pa tapos itong date. Hindi pa tapos itong pustahang 'to.

Hindi ko pa nakukuha ang pagkakataon ko.

Panay lingon ko sa kaliwa't kanan.

I need to see you.

Sa isang madilim na bahagi ay bigla akong may nasilayang anyo ng isang tao na tila walang malay. Dahan-dahan siyang lumulubog pailalim sa dagat.

Kahit malapit na 'kong mawalan ng lakas sa kalalangoy, nang makita ko siya ay bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob.

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon