✦✧✦
CHERRY
The rest of the ride home went by quickly. Napagod 'yong tatlong kasabay ko sa van kaya nakatulog silang lahat. Samantalang ako, hindi makatulog.
Nakarating na sa bahay namin ang van. Napatingin ako sa mga kasama ko; malalim pa rin ang tulog nila. Mukhang napagod sila sa biyahe. Nahihiya naman akong gisingin pa sila.
"Bye, Green Giants..." bulong ko sa kanila bago bumaba.
"Miss Cherry, sure po ba kayo na hindi na kayo magpapaalam sa kanila?" tanong ng driver.
"Gusto ko sana, kaso baka hindi ko mapigilang maiyak bigla ha-ha."
Bumigat lalo ang puso ko. Makikita ko pa nga ba sila pagkatapos nito?
Hindi ba... itong date lang naman ang usapan namin sa pustahan noon?
Ibig sabihin ba, dito na nagtatapos ang koneksyon ko sa players ng Green Giants?
Naalala ko noong first time ko silang makilala sa LRT. Iritang-irita pa ako sa kanila noon. Ngayon, grabe na ang relasyon na nabuo ko sa kanila sa loob lamang ng tatlong araw.
Oo nga pala, kakakilala ko pa lang pala sa kanila. Yet why does it feel like they're already such a big part of my life now?
Ito ba talaga ang souvenir na iuuwi ko mula sa biyahe? Itong lungkot na nararamdaman ko ngayon?
Nakababa na ako at umandar na rin ang van paalis. Huminga ako nang malalim at sinubukan kong pigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
"I didn't know that sharks could cry."
Nagulat ako at napalingon sa likuran ko.
He's there. In front of me. In front of our house.
Tuluyan nang nahulog ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. My two hands immediately covered my mouth in surprise.
Was Kyle actually waiting for me to get home? Dito ba siya nagpahatid sa driver... sa bahay namin?
Naglakad siya palapit sa akin. My mind was still processing what's happening.
"Did you forget already?" he asked me with a gentle smile.
"F-Forget what?" I said in between sniffles.
"Iyong pustahan natin. Kapag nanalo kami, makikipag-date ka sa buong team."
Hindi ako nakasagot agad dahil sobrang nalito ako sa sinabi niya.
"Huh? D-Didn't we just come back from that date?"
"I said you have to date with the whole team." Hinawakan niya ang ilang hibla ng buhok sa gilid ng aking pisngi at inipit ang mga ito sa likuran ng aking tainga. "You haven't dated me yet."
Nabitawan ko ang hawak kong bag. Pati ang puso ko ay tila yata nahulog din bigla sa sinabi niya.
"Pinagbigyan ko lang sila sa buong beach trip," he said in a raspy-sounding voice. "Now I have you all to me."
Hindi pa rin ako nakaka-get over sa sinabi niya. Kinuha niya ang nahulog kong bag sa sahig.
"I was... waiting for this chance. For my free throw shot at you." He smiled and whispered, "Habang walang nakabantay."
Grabe. Nababaliw na po ang puso ko. Nagwawala na ang dibdib ko.
"Here." Bigla siyang may kinuha mula sa bulsa niya at inabot sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/38321-288-k298788.jpg)
BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...