✦✧✦CHERRY
"Good morning, Sharky."
Antok na antok pa ako at may hangover pa mula sa kakainom kagabi. May lalaking topless na naka-apron sa harapan ko at nagluluto. Nananaginip ba 'ko?
I rubbed my eyes to confirm, but the guy is still there. He gave me a smirk and a plate filled with a fluffy omelette. It smelled super good kaya naman nagising na sa wakas ang diwa ko.
"Bastiel!"
Dito nga pala siya natulog sa'min dahil tumakas kami mula sa bahay nila. Hindi ko na masyadong maalala ang mga nangyari, pero medyo nanghihina ang mga hita ko kaya sigurado akong may nangyari sa'min last night. Namula ang buong mukha ko at napainom ako ng tubig nang 'di oras.
"Here, this is a good cure for hangovers." Inabutan niya ako ng isang bote ng Pocari.
"Si Mama?" tanong ko sa kaniya.
"Umalis na siya. Nilutuan ko rin siya ng omelette." Bastiel tilted his head to point towards the empty plate in the sink.
I gulped down the bottle of Pocari while secretly eyeing the pack of abs that's peeking out from under his ungenerous apron.
"Sharky, it's Sunday today. Are you free?"
I placed my chin on top of my palm and smiled cheekily. "Ooh, is this handsome topless man asking me out for a date?"
Pinisil niya ang ilong ko. "I'll introduce you to someone." Niligpit niya na ang pinagkainan ko at hinugasan ang mga gamit na pinggan sa lababo. Ang suwerte ko naman 'pag napangasawa ko si Bastiel.
Sino kaya ang ipapakilala niya sa'kin? Itinuloy ko na lamang ang pag-inom ng Pocari para mawala ang sakit ng ulo ko.
***
Bumaba na kami mula sa Grab na sinakyan namin. Nasa Loyola Memorial Park kami, isang malawak na sementeryo. Doon ko na napagtanto na si Kyle ang bibisitahin namin. I was happy and nervous at the same time.
Hinawakan ni Bastiel ang kamay ko at ngumiti. "Don't be nervous, I'm sure my brother will like you." He led the way towards their mausoleum.
We offered Kyle a pot of flowers and some prayers. Dinasal ko na sana ay bantayan niya si Bastiel, at hiniling na sana ay magkaayos na sila ng pamilya niya.
"Kuya, girlfriend ko nga pala." Inakbayan ako ni Bastiel. "Medyo mabangis parang pating, pero mabait naman."
Siniko ko siya agad. "Hindi po 'yun totoo," tanggi ko.
"Kuya, belated happy birthday." Nag-iwan si Bastiel ng isang bola ng basketball na may pirma niya. "Pinangako mo sa'kin noon na ako ang unang-unang magkaka-fansign kapag naging MVP ka. Here I am, honoring that promise in your place. We made it, Kuya Kyle."
Pinahiran ko ang ilang luhang nakatakas sa mga mata ko nang masaksihan ko ang moment nila Bastiel at ng kuya niya.
"Ano'ng ginagawa niyo rito?"
Nagulat kaming dalawa nang makarinig ng boses mula sa likuran namin. Paglingon ko, narito rin pala ang mga magulang ni Bastiel para dalawin si Kyle.
Tumayo si Bastiel at humarap sa kanila. "Mom, Dad, sorry kung tumakas kami sa kaarawan ni Kuya kahapon."
Lumapit ang nanay niya at dumiretso sa puntod. "Ako dapat ang humingi ng sorry. Unang una sa lahat, sa kuya mong si Kyle." Hinawakan niya ang pangalan ni Kyle na nakaukit sa lapida. "Kyle, sorry for being a selfish mom. Pinagkait ko ang karapatan mong mamayapa sa langit sa pamamagitan ng pagpapanggap na buhay ka pa. I was a fool for disrespecting your peace. Limang taon na, ngunit hindi ko pa rin matanggap na wala ka na."
BINABASA MO ANG
Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED. (Previously entitled "Sharky and the Giants") Cherry An Versoza is the number one fan of the Blue Sharks. Kyle André Razon is the captain of their rival team, the Green Giants. On the way to the game, these two had a heated enc...