Chapter 19: I Wonder

13.9K 780 44
                                    


✦✧✦

CHERRY


"Cherry, are you okay?" Napansin ni Joon na medyo nakatunganga ako. Narito pa rin kaming dalawa sa pool.

"Yup, I feel good! I feel better! I feel the best! Ha-hah-a!" Nag-panic ako at kung anu-ano tuloy ang sinagot ko sa kaniya.

"Joon! Cherry! Narito pala kayo!" Nakita kami ni Anlex at tumakbo siya palapit sa pool. Tumalon siya at sinamahan kami. Bigla siyang sumigaw nang malakas, "Hoy, guys! Narito sina Joon at Cherry sa pool. Tara, sirain natin 'yong moment nila, bilis!"

Lumingon sa akin si Anlex. Nagulat naman ako dahil medyo napatagal 'yong pagtitig niya.

"Y-Yes, Anlex? Ano 'yon?" Kinabahan ako dahil nakatitig pa rin siya hanggang ngayon.

"Wala naman. Sinusulit ko lang 'yong image mo ngayon kasi uuwi na tayo bukas," answered Anlex before flashing a wide grin.

Napahawak ako sa mga pisngi ko dahil sure akong medyo nag-blush ako dahil sa ginawa niya.

"Hey, don't forget that I'm here," sigaw ni Joon at sabay nag-splash siya ng tubig sa mukha ni Anlex. Maya-maya lang ay nagbabasaan na sila ng tubig sa pool.

Ayokong madamay at matalsikan kaya medyo lumayo ako sa kanilang dalawa. "Aray ko!" Nauntog ako bigla sa isang pader.

Teka, hindi pala ito pader.

"T-Tobin!" Napahiyaw ako dahil nabangga ko pala ang mala-pader na pecs ni Tobin.

"At your service," preskong sagot ni Tobin sa akin. Medyo na-intimida ako sa sight ng bare muscles niya kaya naman umatras ako nang onti.

"Huh?"

May natulak yata akong salbabida pag-atras ko. Nilingon ko at nakita kong nakasakay pala roon si Gin.

"Cherry! Tara, sakay ka rin!" Inimbitahan niya akong sumama roon sa salbabida niya.

"H-Huh? Kasya ba tayo riyan?" pagtataka kong sagot sa kaniya. "Gin!" Napatili ako nang biglang isinuot sa akin ni Gin 'yong salbabida—habang naroon pa siya sa loob. Magkadikit na magkadikit tuloy ang mga katawan namin ngayon.

The shock from the too-much skin contact made me dive and tread away from the life ring.

"Aww. Iiwan mo na agad ako, Cherry?" sabay salita ni Gin with matching pout. This guy surely knows how adorable he is.

Biglang may umakbay sa akin. Ano na naman ito? Hindi pa ako nakaka-recover kina Gin, Tobin, at Anlex!

"If happy ever after did exist..." Si Nikko pala, at may hawak siyang wireless microphone habang kumakanta. Malapit sa pool ay may malaking TV kung saan naka-flash ang lyrics. "I would still be holding you like this."

Pagkakanta niya ng 'holding you like this' ay hinigpitan niya ang pagkaakbay niya sa 'kin.

Heart check! Okay, narito pa naman 'yong puso ko. Akala ko ay lumundag na rin sa pool.

Kanina lang ay solo naming dalawa ni Joon ang pool. Ngayon ay na-infiltrate na ito ng Green Giants.

Sa sulok ng pool, may nakita akong lalaking may hawak na libro at nagbabasa. Nanlaki agad ang mga mata ko at kusang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Pero pagkababa ng libro mula sa mukha niya, si Denz pala ito.

"Oh? Na-stuck na yata ang panga mo, Cherry." Lumapit si Denz at hinawakan ang tinutukoy na panga ko. Nag-init bigla ang mukha ko dahil sa ginawa niya. "Nagulat ka ba dahil ibang lalaki ang in-e-expect mo? Bawal na ba 'kong magbasa ng libro ngayon, Cherry?"

"W-Wala akong sinasabing gano'n!" sagot ko sa kaniya na may pulang mga pisngi.

"If you say so." Isinara na ni Denz ang hawak niyang libro. "But unlike other guys, Cherry..." Nilapit niya ang katawan niya sa akin at napunta kami ngayon sa dulo ng pool.

My heart started to beat louder and faster.

"I would prefer being with you... than reading a book," he said with eyes that could make any woman surrender.

Boink!

Biglang may beach ball na tumama na naman malapit sa akin mula sa kung saan. "Hoy, Denz! Kaya kami narito dahil bawal solohin si Cherry!" hiyaw ni Anlex.

"Oo nga! Tara, laro tayo ng volleyball sa pool!" Sinundan naman ni Tobin.

"Alright, alright. Chill lang kayo," sagot ni Denz sa kanila. Itinabi na niya ang libro sa tuyong bahagi malapit sa pool. Kinuha na niya ang bola at hinagis pabalik kina Anlex at Tobin.

Ang kaninang tahimik na pool ay punong-puno na ngayon ng buhay.

May nagkakantahan ng karaoke, may nagkarera ng swimming, at may mga naglalaro ng volleyball.

Masaya kung tutuusin, at tawa rin ako nang tawa dahil sa kakulitan nila.

But there's a little bit of loneliness tucked inside my heart.

Palihim na tinatanong ng puso ko, bakit hindi namin kasama si Kyle ngayon?

Sana narito siya ngayon.

Sana nakikita ko rin siyang maingay na kumakanta sa karaoke.

Sana naririnig ko rin siyang nakikipagsigawan at nakikipagbasaan sa pool.

Sana napapanood ko rin kung paano siya lumangoy at makipagkarera sa swimming.

Biglang lumitaw sa isipan ko ang imahe ni Kyle—cold, quiet, and mysterious.

I wonder... how he looks like when he's overly happy?

How he sounds like when he's laughing out loud?

I want to break his walls and see what's underneath all that cool demeanor.

I wonder... if I'll ever get the chance to witness that other side of him?



#WillYouGoOutWithUs

#WYGOWU

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon