Chapter 43: The Secret Note

11.7K 712 112
                                    




✦✧✦

CHERRY


Pagkatapos ng klase, napansin kong may mga nagkukumpulan sa may gate. Nang silipin kung ano'ng nangyayari, nagulat ako dahil may isang lalakeng nakaupo sa sahig at tila lasing. Siya ang pinagtitinginan ng mga tao.

Ang nakakapagtaka doon, ay tila kinikilig pa sila at kumukuha pa ng selfies. Ano na'ng nangyayari sa Pinas?

Lumapit ako at nagulat nang makilala ko kung sino siya.

"Joon!"

Napalingon siya sa'kin at ngumiti. "Cherry, ikaw pala 'yan."

"Ano'ng ginagawa mo riyan?" Tinulungan ko siyang makatayo. Medyo gumegewang-gewang pa siya dahil sa sobrang kalasingan. Inalalayan ko siyang makalakad at sinamahan ko siyang makakain sa malapit na convenience store.

Sa sobrang gutom ay naparami siya ng kain. Halatang napabayaan niya ang kalusugan niya dahil sa itsura niya.

"Cherry, may kailangan akong aminin sa'yo."

I listened to what he has to say.

"Do you remember receiving a secret note no'ng nasa resort tayo noon?"

Naalala ko 'yung tinutukoy niya. Nasa beach trip kami noon at nagpapahinga ako sa kwarto ko nang biglang may sulat akong nakuha na nilusot sa ilalim ng pintuan ko.

Meet me at the pool after dinner.

"Yes, I remember." I told Joon. "Iyon 'yung niyaya mo 'ko sa pool, 'di ba?"

Ngumiti siya at napailing. "Truth is, hindi ako ang nagbigay sa'yo ng sulat na 'yon."

"Ha?" Bigla akong napatayo at sumigaw nang malakas dahil sa gulat. Nagtinginan ang ibang mga customers. Bumalik ako sa pagkakaupo at nakinig sa kaniya.

"That night, I saw my butler outside your room. Nagtaka ako kaya tinanong ko sa kaniya kung ano'ng ginagawa niya. Sinabi niya sa'king nautusan siyang ibigay sa'yo 'yung sulat at pinakita niya sa'kin 'yung papel."

I covered my mouth in shock. Tumango lang ako para ipaalam sa kaniya na ipagpatuloy ang kuwento niya.

"Noong mga panahong iyon, ginusto ko ring malaman kung sino ba ang nagyaya sa'yo, kaya naman pumunta rin ako sa pool sa nakasulat na oras sa papel." He looked at me and smiled. "Guess who I found waiting at the pool?"

Umiling lang ako at naghintay sa sasabihin niya.

"Your boyfriend, Bastiel."

Naramdaman kong namula ang buong mukha ko pagkasabi niya ng pangalan ni Bastiel. Wait, what? I remember seeing Bastiel that night too, pero magkasama na kami ni Joon noong lumabas siya.

"He was the first one at the pool," patuloy ni Joon. "Pero sobrang pilyo ko noong mga panahong iyon kaya sinubukan kong makialam. I went to the pool and joined him."

Napapalunok ako sa bawat rebelasyon na ikinukuwento ni Joon.

"Siyempre bilang Bastiel, nahiya at nairita siya kaya umalis siya ng pool. Saka ka dumating." He looked at me straight in the eye while narrating what happened. "Natagpuan mo ako sa pool dahil umalis si Bastiel. It was my fault for interfering, and I'm sorry."

"K-Kaya ba sabi mo sa'kin noon—"

"Yup, remember that I told you I have three reasons for inviting you there? Do you remember my third reason?"

I gulped and answered him. "You said you wanna find out how he would react."

And that's when Bastiel appeared.

Will You Go Out With Us? (Sharky and the Giants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon