Cassandra
Nagising akong mabigat ang pakiramdam ko. Para akong pagod na pagod. Feeling ko nagpunta ako sa malayong lugar.
Teka! Nasaan ako?
Napabalikwas ako nang ma-realize kong wala ako sa kuwarto ko. Kinusot ko ang mga mata ko. Nasa isang malaking kuwarto 'ko na puro pink ang gamit.
Nasaan ako?
Tiningnan ko ang sarili ko. Nakapantulog akong pink din. Doon ako nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung nasaan ako. Sa pagkakatanda ko, nasa bahay ako. Natulog lang ako nasa ibang bahay na 'ko.
Hala! Nasaan ka na, JC?
Bumaba ako ng kama. Tinungo ko ang pinto dahil nagbabakasakali akong baka may tao akong p'wedeng pagtanungan.
Gag*! Ang laki naman ng bahay na ito. Kanino kaya ito?
Tiningnan ko ang paligid ko, pero wala pa rin akong nakitang tao. Hanggang sa naisip kong bumaba. Narating ko ang parteng sala pero wala pa ring tao.
Lalo akong kinabahan. Hindi ko alam kung nasaan ako at kung bakit ako narito.
Humakbang pa ako ng ilang mga hakbang at natagpuan ko na lang 'yong sarili ko sa kusina.
Hala! Ang bango!
Nakaamoy ako ng niluluto at parang sinangag iyon. Lumakad pa 'ko ng kaunti at hindi ko na namalayang nasa harap na 'ko ng kalan.
Nahiya ako sa sarili ko nang marinig kong kumalam ang sikmura ko. Kanino kaya 'to? Gutom na 'ko.
"Gusto mo nang kumain?"
"Hala!" sabi ko dahil sa gulat. Bigla na lang kasing may nagsalita sa likuran ko.
Nilingon ko siya at para 'kong na-estatwa sa nakita ko. Artista ba itong kaharap ko? Mukha siyang artista.
Ngumiti ito. Kitang kita ko ang singkit niyang mga mata na para bang lalong lumiit dahil sa pagngiti niya.
"I'm sorry. Nagulat ba kita?" tanong niya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakaharap sa isang lalaki nang ganito kalapit.
"Hala! Hindi po."
Tumawa siya. "Grabe ka naman sa akin. Feeling ko magka-age lang tayo. Kung may dapat kang i-po rito, 'yong kuya mo 'yon," sabi niya habang inaayos ang gulo niyang buhok. Mahaba ito pero bumagay sa kaniya.
"K-Kuya?" taka kong tanong. Wala naman kasi akong kuya. Mag-isa lang ako.
Ipinatong niya ang kanang kamay niya sa ulo ko saka ginulo ang buhok ko. "Kailangan niyo nga pa lang mag-usap. Pero, nagugutom ka na? Gusto mong kumain?" alok niya.
"H-Hindi po. Busog pa 'ko," tanggi ko. Pero nagsusumigaw naman ang sikmura ko.
Natawa na naman siya. Masiyahin pala itong isang 'to. "Halika na! Kumain ka na."
"Sa inyo po 'to?" sabi ko habang nakaturo sa pagkain sa lamesa.
Nagkamot ito ng ulo. "Actually, si Stell 'yong nagluto niyan."
Napamaang ako. Paano niya nagawang alukin ako, kung hindi naman pala siya 'yong nagluto nito? Mongoloid ba 'to?
"Hindi na po. Ayos lang," tanggi ko.
"Ano ka ba. Ayos lang. Mabait naman si Stell. Saka p'wede 'wag mo na 'kong i-po," sabi niya bago ako ipinaghila ng upuan at sapilitang pinaupo. Ipinaglagay pa niya ako ng pagkain sa plato bago naupo sa tapat ko at nangalumbaba.
"Hala! P'wede po 'wag niyo kong panoorin?" alanganin kong sabi. Ayoko sanang kumain, pero pakiramdam ko kasi isang taon akong walang kain.
Tumawa siya. "Sige. Kumain ka na."
"Kayo po, hindi ba kayo kakain?" tanong ko. Nakakahiya naman kasi kung kakain ako tapos siya hindi.
"Hihintayin ko lang 'yong iba," sabi niya habang nilalaro ang darili sa lamesa.
"Sige po. Hinatayin na natin sila. Baka po magalit sila," aligaga kong sabi. Nakakahiya naman kung mauuna 'ko. Hindi ko naman 'to bahay. Buti sana kung bahay ko 'to, baka sapakin ko pa 'to kaharap ko. Grabe makatingin, eh.
Ginusot na naman niya 'yong buhok ko. "Cute. Okay lang. Mauna ka na."
"Ahem!" Natigilan 'yong lalaki sa harap ko sa paggulo ng buhok ko nang may isa pang lalaking pumasok sa kusina. Hindi ito katangkaran kumpara sa lalaking kaharap ko. Medyo nakakatakot din siya dahil ang seryoso niya.
"Anong ginagawa mo, Jah?" tanong nito.
Jah pala 'yong pangalan niya.
"Wala. Inaya ko lang siyang kumain. Protective 'yan, Josh?"
Sino naman 'tong Josh na 'to?
Nagpalipat lipat lang ang tingin ko sa kanila. Parang natakot itong si Jah dahil na rin sa seryoso itong si Josh. Medyo nailang ako dahil tumabi siya sa tabi ko.
Lalo akong nailang nang may daumating pang dalawang lalaki. Nakangiti 'yong isang may nunal sa pisngi, habang nakabusangot naman 'yong kasunod niya. Kagaya ni Jah, mahaba rin ang buhok nito.
Naupo 'yong lalaking ngiting ngiti sa tabi ni Jah. Mongoloid rin yata 'to. Bakit ngiti nang ngiti?
Pumuwesto naman sa gitna 'yong nakabusangot na mukhang mongoloid din. Nasaan na ba kasi ako? Bakit ba 'ko nandito?
Hindi ko alam kung paano ba 'ko gagalaw. Kinakabahan ako. Para 'kong kakainin ng mga ito.
"Hi, Cassandra!" bati sa akin ng may nunal. Paano niya 'ko nakilala.
"JC na lang po. Ang haba po ng Cassandra," sabi ko.
"Josh Cullen? Nice," sabi ulit no'ng may nunal.
Mongoloid nga. Kailan pa 'ko naging Josh Cullen?
"Stell, p'wede kumain muna tayo? Kakausapin ko pa kasi siya mamaya," sabi nong Josh. Masyado naman yata 'tong seryoso.
Natahimik 'yong lalaking may nunal sa pisngi na Stell pala 'yong pangalan. Mongoloid ka kasi. Buti nga sa 'yo.
"Nasaan si Ken?" sabi no'ng lalaking nakabusangot. May nunal din pala siya. Senyales na yata ng pagiging mongoloid ang nunal. Buti na lang wala akong nunal sa mukha.
"Baka tulog pa," sabi ni Jah. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtingin niya at pagngiti.
Okay. Akala ko matino. Mongoloid din pala.
"Kumain na tayo. Baka mamaya pa 'yon," sabi ulit no'ng Josh.
Gag*! Napapaligiran ako ng mongoloids. Paano na?
A/N
Halloo! Napag-trip-an ko 'tong i-pub. WAHAHAHAHA pasensya na. Puro simula. Anyway, susubukan kong mag-pub nang mag-pub. HIHI SUSUBUKAN
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
FanfictionNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...