KABANATA 49

36 1 0
                                    

Cassandra

Awkward 'yong byahe namin. Walang gustong magsalita. Seryoso kasi si Kuya Mongi, parang mananapak 'pag nagsalita kami.

Naupo ako sa backseat katabi ni Faye. Ayokong katabi si Kuya. Baka mamaya zombie mode na 'to kagatin pa 'ko.

Para hindi mahalatang kinakabahan ako, tumingin na lang ako sa dinaraanan namin. Madilim na rin, kaya halos puro ilaw lang ng sasakyan at mga buildings 'yong nakikita ko. Si Faye naman nakatutok sa phone niya. Kanina pa nagta-type. Baka kausap niya si Ate Charo.

Muntikan na 'kong mapamura nang biglaan ihinto ni Kuya 'yong sasakyan. Parang tanga naman. Parang nananadya, eh.

Pasapak sa mukha, kuya. Isa lang.

Umandar na ulit kami nang buksan ng guard 'yong gate. Akala ko nga bahay na agad, pero ilang minuto pa kaming nagbyahe bago talaga namin narating 'yong pinakalabas ng bahay.

Ang ganda, maraming puno. Parang probinsya lang.

Huminga ako nang malalim para mabawasan 'yong kaba ko. Nilingon ko si Faye na parang kinakabahan din. Ngumiti siya kaya hinayaan ko na lang. Baka mamaya 'di pa 'ko samahan nito sa loob.

Binuksan ni Kuya 'yong pinto sa tapat ko. Buti normal siya ngayon kahit serious mode. Pero nagpataas 'yong kilay ko nang buksan na niya 'yong pinto na bahay.

Gag*! Hindi man lang ipinagbukas si Faye.

Pagkababa namin, kabado 'kong pumasok sa bahay. Kung malaki na 'yong bahay na tinutuluyan namin doble yata ito, baka nga triple pa. Halos mamahalin lahat ng gamit na nakikita ko. Ayoko nga sanang pumasok dahil baka makabasag pa 'ko rito. Baka mamaya pagbayarin pa 'ko.

Alanganin kong nginitian si Faye nang makababa kami. Hindi ko alam kung mahihiya ba 'ko sa pinaggagawa ni Kuya Mongi. Pero parang tanga rin naman 'to. Nakukuha pang ngumiti kahit gano'n.

Tahimik kaming pumasok sa loob. Kung maganda sa labas, parang mas bongga sa loob. halos lahat ng gamit ay mamahalin. Para nga kaming nasa palasyo. Kung mag-isa lang siguro ako, baka maligaw ako sa sobrang laki at luwang ng bahay. Buti na lang may mga babaeng nag-guide sa amin. Hanggang sa nakarating na kami sa kusina yata 'to. May mahabang lamesang gawa yata sa ginto, ang kinang, eh. 

Nakita ko si Kuya Mongi, nakaupo na siya. Katapat niya ang isang babaeng hindi ko makita kung sino. Nakatalikod kasi. May babae naman siyang katabi sa kanan niya sa sulok, napatingin siya sa gawi namin at pilit kaming nginitian.

Close ba tayo?

Parang may edad na 'yong babae, pero maganda, saka makinis. Parang may hawig sila ni kuya, siguro ito ang mommy niya.

Hindi ko alam, pero pakiramdam ko pilit ang ngiti niya. Parang hindi ko siya makakasundo. Yari! Baka mamaya magkasapakan pa kami ng nanay ni Kuya Mongi.

"BFF!" 

Napahinto ako sa pag-iisip nang may babaeng lumapit sa akin. Napangiwi pa 'ko nang yakapin niya 'ko.

Gag*! Anong ginagawa niya rito?

"Teka! Abby, anong ginagawa mo rito?" taka kong sabi. Wala naman kasing nabanggit si Kuya na kapatid ko pala 'to, o kamag-anak ba namin. Lets*! Ayokong magkaroon ng kamag-anak na tuko.

"Ah. . .kasi. . . ano," hindi niya malamang sabi. Akala ko 'pag si Stell lang ang katapat niya. Hindi siya makapagsalita, ano kayang nangyari sa kaniya?

Biglang nawala 'yong ngiti niya nang makita niya 'yong nasa likuran ko. Para bang nahihiya siya na naiilang. Natatae lang yata 'to, eh.

"Cassandra?" banggit ng lalaking kadarating lang. Kahit may edad na, halatang pogi pa rin at makisig. Nagsimulang manginig ang tuhod ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Halos hindi ako makagalaw at nanlalamig ang buong katawan ko sa sobrang kaba. 

Kung kanina, nakita ko ang pagkakahawig ni kuya sa nanay niya, ngayon ay masasabi kong kahawig na kahawig ng lalaking ito si kuya. Mula kilay, mata, ilong, labi, para silang pinagbiyak na bunga.

Nilapitan niya 'ko at agad na niyakap. "My child."

Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko. Kusa na lang tumulo 'yong luha ko. Para bang lahat ng emosyong tinago ko simula nang magkaisip ako ay kusang kumawala. Gag* naman! Nakakawala ng angas 'to, pero ganito ba talaga 'yong pakiramdam ng may tatay?

"I'm sorry. . ." tanging mga salitang tumatak sa isip ko sa dami niyang sinabi. Hindi yata kayang i-process ng utak ko lahat ng sinasabi at sasabihin pa niya. Para akong may naririnig pero bingi sa pag-intindi. Lalo tuloy akong nagmumukhang tanga.

Hindi ko alam kung gaano katagal 'yong ganoong pakiramdam. Hanggang sa nilapitan na 'ko ng nanay ni Kuya at niyakap din. "Welcome to the family, hija."

Heto na naman 'yong pakiramdam na parang napipilitan lang siya. Parang ayaw niya talaga sa akin. Hayaan ko na nga lang. Masyado yata akong nag-iisip ng kung anu-ano.

"Jax, anak, buti nakarating ka," sabi naman ng tatay ko kay Faye. Buti na rin 'yon para naman matigil na 'yong kadramahan namin. Awkward kasi talaga.

Ngumiti si Faye na medyo nagpupunas pa ng luha. Akala mo naman siya 'yong anak talaga. Joke lang. Mabait nga pala 'ko.

"Hello, Tito," sabi niya saka yumakap sa daddy ko, teka ano bang dapat na itawag ko sa kaniya.

"I told you, you can always call me, dad. Besides, you're still my son's girlfriend," nakangiting sabi ni daddy.

Napahinto ako. Gag*! Jowa ba siya ni Kuya Mongi? Malamang, dalawa lang naman kaming magkapatid. Pero, ang gulo naman. Girlfriend, pero may girlfriend pang iba si Kuya? Gag*! Babaero talaga.

"Ex-girlfriend," pagtatama naman ng nanay ni Kuya habang nakangiti.

Napalingon ako kay Faye. Doon ko napansin na pilit na ang ngiti niya. Naawa tuloy ako. Kung ex pala siya ni kuya, sana pala hindi ko na lang siya pinilit na isama rito.

"Did you two break up?" tanong ulit ni daddy. Gusto ko na tuloy silang pektusan. Parang hindi nakakahalata. "Son?" dadag pa niya. Napatingin naman ako kay Kuya Mongi. Nakatitig lang siya sa lamesa, hindi nagsasalita. Gag*! Lalo tuloy gumulo.

"Kain na po tayo? Gutom na 'ko, eh," awkward kong sabi. Ayoko naman talagang magsalita kasi nakakahiya, kahit pa nga gutom na talaga 'ko, pero parang nakakatakot na 'yong paligid. Baka mamaya, magbatuhan na sila ng pinggan. Mukhang mamahalain at makapal pa naman talaga 'yong mga pinggan.

"Let's eat, Princess," sabi naman ng tatay ko, saka ako hinila papunta mesa. Gag*! Ibang anak yata 'yong sinasabi niya. Princess daw, JC kaya ang pangalan ko.

Sa tabi ako ng tatay ko naupo. Katapat ko 'yong nanay ni Kuya Mongi. Katabi naman ng mama niya si Kuya. Katapat niya si Faye habang katabi naman ni Faye ang tukong si Abby. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit ba nandito siya.

Nagkuwento si daddy habang kumakain. Doon ko nalaman na bestfriend pala niya ang nanay ko. Hindi na niya naikuwento ng detalye dahil nag-iiba 'yong itsura ng nanay ni kuya. Siguro sa susunod na lang ako magtatanong, 'pag kami na lang ni daddy.

In fairness, mabait naman 'yong tatay ko. Pakiramdam ko nga, kumpleto na ko. May pamilya na, may tatay at may kuya, ito lang nasa tapat ko ang epal. Lagi akong pasimpleng sinasamaan ng tingin. Tusukin ko mata nito, eh.

Napahinto lang ako kasi nakikitawa rin si Abby. Feeling close talaga siya. 

"Teka, bakit pala andito si Abby? Kamag-anak ba natin siya?" curious kong tanong.

Pero nawindang ako sa sinagot ng nanay ni Kuya. Ngumiti ito saka tumingin sa akin. Pero hindi ko pala sigurado kung sa akin nga ba o kay Faye.

"She's your brother's fiance."

Gag*! Totoo ba?

A/N

Good evening! Slow UDs tayo. Medyo busy pa, minsan tinatamad rin. HAHAHAHAHA pero salamat kung may naghihintay pa ng story na ito. Love lots!


Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon