KABANATA 31

45 4 32
                                    

Cassandra

Kabado 'kong pumasok sa bahay. Kasunod ako ni Stell na chill lang. Lets*! Baka tapusin na ni Kuya Mongi ang buhay ko.

"Sa'n ka galing?" bungad ni kuya pagpasok ko sa bahay.

Kainis naman! Nanggugulat si Kuya Mongi.

Tumingin ako kay Stell. Hindi ko kasi alam kung ano bang isasagot ko. Patay na.

Ngumiti si Stell saka sinagot si kuya. "Nalibang yata siya sa park. Don't worry kasama ko naman siya kanina."

Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na sumagot si kuya. Heavenly talaga 'tong si Stell. P'wede na sa langit. Pero sana hindi pa siya kuhanin ni San Pedro para may kakampi ako sa bahay na puno ng mga mongoloids.

"Nice," narinig kong bulong ni Ken.

Epal talaga. Akala naman niya kasali siya sa usapan.

"Let's eat, then. Nakaluto na 'ko," sabi naman ni Pau. Nakasuot pa siya ng itim na apron at mukhang galing lang sa kusina.

Wow! Chef 'yan? Hindi bagay.

Hindi sana 'ko kakain dahil si Angry Bird ang nagluto, baka mamaya lasang sama ng loob ang luto niya, pero gutom na talaga 'ko kaya naglakad na 'ko papunta sa kusina.

"Tawagin ko muna sina Jah sa study room," sabi ni Ken bago walang lingong naglakad na paalis sa gawi namin.

"Sina?" wala sa loob na sabi ko. Gag*! Tsismosa na talaga 'ko. Ano bang pakialam ko kung sinong kasama ng five-six na 'yon.

"May research sila ni Irish," sagot naman ni Pau habang inaayos 'yong mga plato sa lamesa.

Sipag 'yan?

Puwesto ako sa upuan ko gayon din 'yong iba. Hindi nagtagal, bumaba na rin si Ken kasunod si Jah at si Ira.

"Hi, Ira! Nandito ka pala," bati ko kaniya.

Natawa ang mga mongoloids sa paligid pati na rin si Ira. Kaya pala sila mag-best friends ni Jah kasi mongoloid din siya.

"Irish. Ako si Irish," pagtatama niya.

Bwisit! Kaya pala sila tumawa. Nakakainis naman. Kailangan ko na yatang magpapalit ng utak.

Pero siyempre ayoko namang mapahiya kaya ngumiti ako. "Ah oo pala. Ira, Irish, gano'n na rin 'yon. Basta may "I".

Ngumiti ako saka nag-peace sign. Mabuti na lang uto-uto 'tong best friend ni five-six. Hindi na nagsalita. Pero lintek na Mutain, nakita kong tumatawa pa rin. Mabagok sana ulo mo!

"Let's eat," yaya ni Kuya Mongi.

Ipinaghila ni Jah si Ira-Irish ng upuan. Doon siya naupo sa puwesto ni Ken para magkatabi sila ng best friend niya, kaya wala akong choice, naging katabi ko 'tong animal na 'to.

Kahit iritado ko sa katabi ko, kasi naman baka mamaya malaglagan pa ng muta niya 'yong pagkain ko, kumain na rin ako. Ang daming niluto ni Angry Bird at lahat masarap. Hindi ko nga alam tawag do'n, basta kain lang ako nang kain.

"Dahan-dahan, baka mabulunan ka," sabi ni Ken sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin saka nag-make face. Pakialamerang 'to. Akala mo naman totoong mabait.

Susubo pa sana ko ng manok nang bigla akong mabulunan. Hinayupak! Nahirapan akong huminga dahil bumara 'yong manok sa lalamunan ko. Sobra 'kong nataranta pero mukhang nataranta na rin 'yong nasa paligid ko. Inabutan ako ng lahat ng tubig maliban kay Irish na parang nabigla.

Parang siya naman 'yong nabulunan.

Kinuha ko 'yong basong inabot ni Kuya Mongi. Pakiramdam ko 'yon ang pinaka-safe inumin.

Gag*! Baka may muta 'yon kay Ken, 'yong kay Jah baka may bayad, 'yong kay Pau baka may kasamang sama ng loob, 'yong kay Stell, ay 'wag na. Basta kay kuya kinuha ko.

"Sabi na nga mabubulunan ka. Akala mo kasi ngayon ka lang nakakita ng pagkain," pang-aasar na naman ng animal.

Inirapan ko siya bago ko sumagot. "Inggit ka ba? Kumain ka rin nang kumain hanggang mabulunan ka. Epal."

Ngumisi lang ang gag* saka nagpatuloy kumain.

Mabulunan ka sana. Animal ka!

"Bagay kayo," sabi ni Irish. Tinitingnan niya pala kami ng animal na katabi ko.

"Anong bagay?" tanong ko. Hindi ako bobo, gusto ko lang linawin 'yong sinasabi niya.

"You two, you look cute together," sabi ulit niya.

Biglang natahimik 'yong mga kasama namin sa lamesa. Sumeryoso si Pau pati si Stell. Natahimik naman si Jah at si kuya habang kumakain lang ang animal sa tabi ko.

"Anong cute? Gag*! Hindi ako magkakagusto sa isang mongoloid," hindi ko napigilang sabihin.

Kaasar naman kasi, bakit naman ako magkakagusto sa mongoloid na salahula pa?

Hindi nakaligtas sa'kin lahat ng reaksyon nila. Nagpipigil ng tawa si Jah at Pau, si Irish naman parang nagulat, habang walang reaksyon si kuya. Pero si Stell, tawa nang tawa. Palibhasa alam niya 'yong mongoloid na 'yon.

"Bakit, tingin mo magkakagusto ko sa 'yo?" balik tanong naman niya habang ngumunguya ng manok.

Inirapan ko siya. "May nagtatanong?"

"You're in the middle of our meal," paalala ni kuya.

Pero nakakairita 'yong tawa ng animal na 'to kaya sumagot ulit ako. "Kung ikaw lang naman, magtotomboy na lang ako. Liligawan ko na lang si Faye. Kahit mukhang siraulo 'yon, mukhang anghel saka mabait pa."

Hindi ko alam kung namalikmata ba 'ko, pero napahinto si animal nang marinig ang pangalan ni Faye. Tiningnan ko rin 'yong iba pero lahat sila parang napahinto nang banggitin ko si Faye.

Gag*! Bawal ba 'yong Faye sa bahay na 'to.

"Faye?" tanong ni Pau.

Tumango ako. "Oo. Si Miss Angel 'yon. Siya 'yong tumulong sa amin ni Abby."

"Saan mo siya na-meet?" tanong ni Jah.

Naibaba ko 'yong kutsara ko. Parang tanga naman 'tong si Bumbay. Saan ba kami napa-trouble? Malamang sa school.

"Sa school. Teacher yata siya ro'n. Ewan."

"Anong itsura niya?" seryosong tanong ni Ken.

Ang daming tanong. Nasa Imbestigador yata ako.

"Mukha siyang Anghel. 'Di gaya mo, mongi," sagot ko saka ako tumayo. "Busog na 'ko. Salamat sa food, Ang-Pau."

Tumalikod na 'ko bago pa kung ano ang masabi ko. Gag* itong bibig ko, masyadong madaldal.

Narinig ko pang tumatawa si Stell. Siraulo na talaga. Subukan lang niyang ilaglag ako, tatanggalin ko nunal niya.

Nagpunta ko sa kuwarto ko. Nahiga ako sa kama at tiningnan ang pink na kisame.

Hindi raw magkakagusto sa'kin. Akala mo naman magkakagusto 'ko sa kaniya.

May kilala kaya silang Faye? Bakit parang may something? Mongoloid lang kaya nakakaalam no'n?

Ang pangit talaga ng kuwarto na 'to. P'wede ko kayang palitan ng kulay 'tong kuwarto ko?

Hay! Ano ba 'yan, JC! Ang dami mong tanong!

A/N

Kamusta kayo? Bakasyon na, finally! Hay. Makakapagsulat na. Hahahha
































Living with Five MongoloidsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon