Cassandra
Inaantok pa 'ko pero bumangon na 'ko dahil sunod-sunod ang tunog ng alarm clock ko. Unang araw ko ngayon sa school kaya hindi p'wedeng ma-late.
Eh? Unang araw, sure ka?
Pinagalitan ko ang sarili ko. Ayoko nang isipin 'yong araw na sumama 'ko kay Stell sa school. Baka mamaya nalaman pa ni Kuya Mongi. Lagot ako.
Inaantok pa 'ko. Buwiset kasi si Bumbay. Anong oras na lumayas sa kuwarto ko. Ang dami niyang buraot. Ang dami niya palang lapis na isinama. 'Di bale na, bayad na ko sa kaniya. Saka tinulungan pala nila 'ko ni Stell mag-ayos ng gamit.
Mabilis akong naligo. Inayos ko ang bag pack na itim na pinabili ko kay Kuya Mongi. Ayoko kasi no'ng pambabae, hindi astig.
Napangiwi ako. Hindi ako sanay sa ganitong uniform. Pleated skirt na bago ang tuhod ang haba, long sleeves na puti na may panlabas na itim, tapos black shoes. Gago! Para kong babaeng babae. Buti na lang backpack bag ko.
Naka-ready na 'ko nang binuksan ko 'yong pinto.
Eh? May mongi sa harap ng pinto ko?
"Bakit?" tanong ko. Siyempre, hindi ako papatalo sa kasungitan ng mongi na 'to. Sapakin ko pa 'to eh.
Hindi siya sumagot. May inabot lang siyang paper bag sa akin, tapos tinalikuran na 'ko.
Mongi talaga 'to. Parang siraulo. Nagpunta siya rito para pagbitbitin ako ng gamit niya? Siraulo na 'yon. Ano ko, alalay niya??
Bahala ka nga. Dahil naiinis ako sa kaniya, iniwan ko sa kuwarto ko 'yong paper bag. Bahala siya. 'Pag nagalit siya, balikan niya.
Proud akong bumaba at dumiretso sa kusina. Gutom na 'ko. Pakiramdam ko ang bilis tumunaw ng sikmura ko.
Gag*! Gusto ko na lang lumubog sa lupa pagdating ko sa kusina. Nandoon na sila lahat. Nakabihis na at naka-uniform. Sabay-sabay pa silang natingin sa akin.
Gag*! Pinagtitinginan ako ng mga mongoloids.
"Maupo ka na at kumain. Aalis tayo in five minutes," sabi ni Kuya Mongi.
Hala! Seryoso? Ano pa makakain ko no'n?
"Kain na," ulit ni kuya kaya taranta akong naupo sa tabi niya.
Ganoon pa rin ang position namin. Si Angry Bird sa gitna, sa kaliwa niya si Kuya Mongi, sa kanan si Stell. Tumabi ako kay kuya habang sa tabi ni Stell si Muta at katabi ko naman si Bumbay.
Kumuha agad ako ng pagkain. Hindi ko na alam kung anong tawag do'n, basta kumain ako agad. Masarap naman, eh.
"Dahan-dahan nga, baka mabulunan ka," sabi ni Kuya Mongi.
"Eh, sabi mo, five minutes. Ano pang makakain ko no'n," reklamo ko sa pagitan ng pagnguya.
Napapikit si Kuya Mongi. Ayan na naman siya sa rituwal niya.
Hindi ko na siya pinansin. Pati mga mongoloids na tumatawa, hinayaan ko na. Basta kakain ako ng marami.
In fairness, ang sarap magluto ni Stell. Ang dami kong nakain. Grabe. Pero nasobrahan yata ako ng subo. Naramdaman kong bumara 'yong hotdog sa lalamunan ko. Gago! Mamatay na yata ako.
Nag-panic ako at sumenyas sa kanila.
Agad kong kinuha 'yong basong nakita ko at ininom 'yon. Gag*! Akala ko mamatay na 'ko. Naramdaman kong hinagod ni Bumbay 'yong likod ko. "Ayos ka lang?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mong mabalian? 'Yang kamay mo!"
Tumawa siya saka inalis 'yong kamay niya. "Ikaw ata mababalian. Ininom mo 'yong apple juice ni Ken."
Napatingin ako kay Mutain. Seryoso siya at nakatingin lang sa said na basong hawak ko.
Kaniya pala 'tong nakuha ko? In fairness, masarap.
Ngumiti ako saka nag-peace sign. "Papalitan ko na lang. Meron ba nito sa ref?"
Tatayo na sana 'ko pero nagsalita si Muta. "Wala niyan sa ref. Akong gumawa niyan."
Hala! Seryoso?! Siya gumawa no'n. Kadiri. Baka may muta pa siya no'ng ginawa niya 'yon, tapos ininom ko?
"Gagawan na lang kita," alanganin kong sabi. Hala! Magluto nga hindi ko alam. Pa'no 'pag pumayag 'to?
"'Wag na. Mauna na ko sa van," sabi niya bago tumayo at lumabas na ng kusina.
Hala. Mongoloid na 'yon.
Tiningnan ko sila at isa-isa na silang tumayo. Naiwan na 'ko na sumusubo pa.
"Tama na 'yan. Male-late na tayo," sabi ni Kuya Mongi.
Napanguso ako. "Teka naman, kuya. Kumakain pa eh."
"Bilisan mo. Iiwanan ka talaga namin," banta niya.
Wala akong choice. Sumubo ako ng tatlong subo saka kinuha 'yong natirang apat na hotdog sa lamesa saka nagmamadaling sumunod sa kanila.
Agad akong sumakay sa harap ng van. Nakabukas na kasi 'yon kaya malamang doon ako sasakay. Doon naman ako pinasakay ni kuya last time.
Isasara ko na sana ang pinto nang pigilan ako ni Ken. "Diyan ako."
Eh? May pangalan niya ba 'to?
"Nauna na ko rito," sabi ko habang kumakain ng hotdog.
"Nauna ko riyan. Nandiyan nga 'yong bag ko," sabi pa niya.
"Kuhanin mo na lang. Nakaupo na 'ko. Saka dito puwesto ko," sabi ko ulit.
"Nauna nga ako," sabi ulit niya.
Kinuha ko 'yong bag niya siya hinagis sa kaniya. "Hayan 'yong bag mo. Do'n ka na."
"Bakit mo hinawakan 'yong bag ko. Nagkamantika na. Saka 'wag ka ritong kumain, baka mag-amoy hotdog tayo rito, aircon pa naman."
Gag*! Ano kung amoy hotdog? Kaysa amoy putok.
Inirapan ko siya. "Ang dami mong sinasabi. Dito nga ako. Si kuya ang magd-drive. Bawal akong tumabi sa inyo," palusot ko sabay tingin sa tabi ko.
Hala! Bakit si Angry Bird ang nandito? Mukha talaga siyang angry bird dahil magkasalubong na ang dalawa niyang kulay. Tumingin ako sa likod at nakita ko si Kuya Mongi sa tabi ni Stell. Mukhang nagpipigil siya ng inis.
Nag-peace sign ako sa kaniya. Nahulog tuloy 'yong hotdog na hawak ko. Gago! Sayang 'yon.
"Tabi!" sabi ko kay Muta saka ko siya binunggo bago 'ko bumaba.
Nakakainis 'tong Muta na 'to. Dapat dito ko, eh.
Sumakay ako sa loob ng van. Natatakot ako kay Kuya Mongi kaya do'n ako tumabi kay Bumbay.
Nakita ko pang masama 'yong tingin niya pero yumuko na lang ako.
Nagulat ako nang may iabot si kuya sa aking maliit na pouch. Eww! Pink. Bakit ba ang hilig ni Kuya Mongi sa pink? Bakla yata 'to.
"Wallet 'yan. Nandiyan na 'yong allowance mo for a week. May cards din diyan. Birthday mo 'yong code, gamitin mo in case na kulangin ka ng cash or kung gusto mong gamitin. May phone din diyan. Naka-save ang number ko, tawagan mo 'ko 'pag kailangan," sabi niya.
Binuksan ko 'yong pouch at totoo nga. Hala! Ang daming pera. Isang linggo lang 'to. Tapos 'yong cellphone parang mamahalin. Mayaman talaga si Kuya Mongi.
Kinuha ni Bumbay ang phone ko. Nag-type siya ro'n saka binalik sa akin bago siya bumulong. "Nandiyan na rin ang number ko. Ako na lang tawagan mo, baka takot ka sa kuya mo."
Hala! Sino may sabing takot ako? Hindi ah. Saka may problema ako. Hindi ko naman alam gamitin 'to. Paanong gagawin ko?
A/N
Hallooo! Sana kumain na kayo ng lunch.
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
FanficNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...